adult…
May 10, 2010
Two days ago, pumunta ako sa iskul na pinag-aaplayan ko. Pinag-fill-out na ako ng ilang mga papeles para sa aking personal info. Tsk. Wala na, matanda na nga talaga ako. Yung mga finill-out-an ko kasi, hindi na pang-estudyante. May tinatanong na no. of children, no. of dependents, may pa-thumbmark-thumbmark na, may tungkol pa sa tax, etc. Tapos, pinagpapasa na rin nila ako ng NBI clearance, birth certificate, at iba pang papeles pangmatanda.
Kung maaayos ang mga required papers at physical exam, magtuturo na ako sa June. Makakasama na ako sa workforce ng bansa…
At kanina, bumoto na ako. Nung umaga, di-mahulugang karayom yung iskul ko nung elementary na siyang voting site ng aming barangay. Pamatay ang init at siksikan at nagkalat na mga papel. Boloks talaga ang sistema. Mga 5:30 ng hapon na lang ako bumoto, konti na lang ang tao. Wow, sosyal, hinigop ng PCOS ang balota ko. Tapos nilagyan ng indelible ink ang hintuturo ko. Naman, isa na akong ganap na mamamayan ng Pilipinas…
Tsk, wala na rin pala akong discount sa jip…
Isa na akong adult.
Paalam na nga, kaaya-ayang panahong hindi ko malilimot sa aking buong buhay, ang maigsing huling liwanag na hindi na muling magniningning! Kung ang mga mata ko’y hindi na nagtitigis ng luha kung ikaw ay maalaala, ang puso ko nama’y natutunaw at waring sinisiil! Ang alaala mo’y narito sa aking puso, sa aking pag-iisip at sa buong pagkatao ko. Paalam na, mapapalad na mga oras ng lumipas kong kamusmusan, magsilipad kayo sa sinapupunan ng wagas na kawalang-malay na siyang lumalang sa inyo upang patamisin ang mga sandali ng mga pusong mura.
- Rizal, “Alaala ng Isang Mag-aaral”
….
Kainis, gusto ko na uling magbasa ng mga akdang ganyan kalalalim ang salita. Gusto kong balikan ang mga lumang libro sa Filipino. Bad trip naman kasi ang kompyuter at TV, hinahadlangan ako! Panira talaga ang teknolohiyang ‘yan. Mahilig naman akong magbasa noon, as in. Kaasar lang talaga nang magkaroon kami ng kompyuter at nagkaroon ng cable ang TV namin, nabobo ako. Ajujujuju. ‘Yang sina Rizal, kaya matalino silang mga ninuno natin ay dahil walang comp o TV o cp noon. Subukan lang niyang Rizal na iyan na mabuhay sa panahon ngayon, ewan ko lang kung makapagconcentrate siya sa pag-aaral at sa pagsusulat niya. Baka wala na siyang atupagin kundi ang tumutok sa Internet. I’m sure, maaadik ‘yan sa pagchachat. Lolz.
mga panaginip ni Rizal…
May 2, 2010
Heto ang unang entri para sa Mayo. Sensya na, mapupunta ang usapan sa napakalayong nakaraan, kay Rizal. Eto ang resulta kapag wala nang maipost — kumukuha sa mga pinaggagagawang papers sa iskul. Kelangan kasing ma-update itong blog, napababayaan na. TT
Heto na, masisipat natin ang ‘unconscious’ ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang ilang panaginip. >.<
Napakahilig at napakasipag magsulat ni Rizal. Isa itong dahilan kung bakit katakut-takot ang mga impormasyon, tala, kuwento, mga tsismis, mito, libro tungkol sa kanya. Marami siyang isinulat, kaya’t marami tayong alam tungkol sa pambansang bayani.
Sa daan-daan niyang mga telegrama’t liham, at sa kanyang masipag na pagtatala sa kanyang talaarawan, sarisaring mga detalye hinggil sa kanyang buhay ang ating nalalaman: ang kuwento ng kanyang ina tungkol sa gamugamo, ang pambu-bully sa kanya sa eskuwelahan noong bata pa siya, ang mga naging guro niyang galit sa kanya, ang pagpasok niya sa Ateneo at UST, ang kanyang mga panliligaw, ang mga sinakyan niyang barko at tren, ang mga pinuntahan niyang bansa’t siyudad, ang mga sabjek na kinuha niya, ang kanyang mga grado, ang mga otel at paupahan niyang tinuluyan, ang mga restawran na kanyang kinainan, ang kanyang mga habit, ang mga pinagkakagastahan niya, ang mga inutangan niya at kanyang pinautang, ang mga pinagpalimbagan niya ng kanyang libro, ang mga dinadalaw niyang aklatan at bahay, ang kanyang pamamasyal, pati kanyang hindi pagligo dahil sa tindi ng lamig sa Europa, ang kanyang mga pagkakasakit, ang mga idrinowing niya, ang mga sinulat niyang tula, dula, awit, artikulo, at samu’t sari pang iba. Halos lahat na ng maiisip at mapag-uusapan tungkol sa kanya ay naukilkil na.
E, sa kanyang mga panaginip kaya, may tumalakay na?
Inintrodyus sa amin ng aming propesor sa PI 100 ang interesanteng paksa na ito (ngunit hindi pa gaanong napag-uusapan) – ang tungkol sa mga panaginip ni Rizal. Para makumpleto ko ang sabjek (inc. ako, isa sa mga kakulangan ko ang kwiz sa “Bayaning Third World”), iniatas niya sa aking suriin at iinterpret ang mga panaginip ng pambansang bayani.
Metodo at mga Sanggunian
May dalawang taong kilala pagdating sa pagbibigay-interpretasyon sa mga panaginip dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon hinggil dito – sina Sigmund Freud at Carl Jung. Pinili ko si Freud. Mas gamay ko kasi ang mga teorya niya. Freudian ang lapit ko sa pagsusuri ng mga panaginip ni Rizal. Referens ko ang kanyang aklat na “The Interpretation of Dreams.”
Para naman sa mga panaginip ni Rizal, ang sors ko ay ang aklat ni Dr. Nilo S. Ocampo na “Istilo Ko, Rizal Romantik: Mga Tala ng Pag-asam at Pag-ibig” (Lungsod Quezon: Lathalaing P. L., 2001). Koleksyon ito ng mga akda, liham, at tala sa talaarawan ng pambansang bayani at ng ilang taong malalapit sa kanya. Brinaws ko ang libro. Sa ilan niyang mga liham at diary entries, si Rizal ay may mga naisulat na ilang pangungusap/talata hinggil sa kanyang ilang panaginip.
Dalawa sa kanyang mga panaginip ay aking nagawan ng interpretasyon. Nilapatan ko ito ng teoryang “dreams are wish-fulfillment” ni Freud. Ang mga panaginip, ani Freud, ay katuparan ng mga unconscious/hidden thoughts/desires/wishes ng tao. Sa entring ito, masisipat natin ang “unconscious thoughts & desires” ng ating pambansang bayani sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip.
Dreams are Wish-Fulfillment
Sa kanyang aklat na “The Interpretation of Dreams,” iginiit at pinatunayan ni Freud na ang mga panaginip ay may kahulugan at kabuluhan. Sa biglang malas, ang mga panaginip ay tila walang katuturan, walang sense, kakatwa, hindi maintindihan, walang ibig sabihin, irasyunal, ilohikal. Ngunit kung susuriin nang mabuti at maingat, ikinatwiran ni Freud na ang mga panaginip, sa katunayan, ay mayroong sinasabi, may kinalaman ang mga ito sa ating pag-iisip, mga karanasan, sa ating sikolohiya.
At sapagkat ang mga panaginip ay hindi nonsense, bagkus ay may kinalaman sa mental at sikolohikal na mga proseso, nararapat lamang na masuri ang mga ito. Si Freud, sa kanyang mga pag-aanalisa ng mga panaginip, ay nakapagpormula ng ganitong teorya: “dreams are wish-fulfillment.” Kung ating susuriin ang mga panaginip, aniya, lalabas na ang lahat ng panaginip ay katuparan ng mga pangarap/kahilingan. Ano ang ibig sabihin nito? Atin itong talakayin.
Una muna, ating pag-usapan ang tungkol sa conscious at unconscious. Para kay Freud, ang ating pag-iisip ay nahahati sa dalawang ito. Ang ating conscious mind ay ang bahagi ng ating pag-iisip na malay tayo, ito ang aktuwal nating pag-iisip, kontrolado natin ang ating kaisipan/diwa/kamalayan. Sa kabilang banda, ang unconscious ay ang bahagi ng ating isip na hindi natin kontrolado, hindi natin namamalayan. Naririto ang ating mga di-malay, nakukubli, di-kontroladong mga urges, damdamin, kaisipan, pagnanasa.
Sa ating “waking life” (panahon kung kailan gising tayo), ang ating conscious mind ang gumagana, habang ang ating unconscious ay tago, ating ikinukubli o pinipigilan. Kailan lumalabas ang ating unconscious? Isang penomenon kung kailan gumagana ang ating unconscious, ani Freud, ay sa ating pananaginip.
Ang ating unconscious mind, na pasibo at nakukubli kapag tayo’y gising, ay nagiging aktibo habang tayo’y natutulog. Sa ating pananaginip ay lumalabas ang ating mga unconscious thoughts, desires, fantasies, urges, wishes. Ang unconscious o di-malay na mga kaisipan at pagnanasa ng tao ay kadalasang “wild,” mararahas, hindi katanggap-tanggap sa norms o mga istandard ng lipunan (kaya nga ang mga ito’y nakukubli, pero unconsciously, naririyan ang mga ito sa ating isipan). Dito pumapasok ang censorship (represyon, supresyon) ng ating conscious mind sa ating unconscious. Ang ating conscious o malay na pag-iisip ay nakakomporma sa mga norms at istandard ng lipunan. Pinipigilan nito (censorship, represyon) ang ating mga di-katanggap-tanggap, wild, unconscious thoughts. Ang censorship o represyon na ito ang dahilan kung bakit hindi lahat ng ating mga panaginip ay ating natatandaan, at doon sa mga panaginip na naaalala natin – sila ay distorted, kakatwa, irasyunal, lumalabas na walang sense o kahulugan kapag gumising tayo.
May tinatawag na manifest at latent content si Freud. Ang manifest content ay ang mismong ating napanaginipan – pagkagising natin at naalala natin kung ano ang ating napanaginipan, ito ang manifest content ng ating panaginip. Ang kahulugan naman sa likod ng panaginip na ito ay ang tinatawag na latent content (tagong kahulugan). Halimbawa, nanaginip ka ng ahas. Ang manifest content ng panaginip mo ay iyon – mayroong ahas sa panaginip mo. Hindi mo maunawaan, hindi mo alam ang ibig sabihin nito. Ngunit kung titingnan mo ang kahulugan sa likod nito, halimbawa tiningnan mo sa isang dream book kung ano ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip – iyon ang latent content. Ang manifest content ng panaginip ni Rizal ay ang mga tala niya sa kanyang liham/talaarawan tungkol dito. Ang latent content ng mga panaginip niya ay ang ating susuriin sa entring ito.
Sa pag-aanalisa ng mga latent content ng mga panaginip, napagtanto at naging kongklusyon ni Freud – “A dream is a (disguised) fulfillment of a (supressed, repressed) wish.” Gaya ng natalakay natin kanina tungkol sa conscious at unconscious, sa mga panaginip natin ay lumalabas at nagkakaroon ng katuparan ang ating mga unconscious (repressed) desires/wishes/urges. Ngunit dahil sa censorship ng ating conscious mind (supresyon ng “wild” at di katanggap-tanggap na unconscious desires), pagkagising natin, nadidistort ang ating panaginip, napagtatakpan (disguised), lumalabas na kakatwa, irasyunal o walang kahulugan. Sa pamamagitan ng paghanap ng latent content, ng pagtatanggal sa censorship, ng Freudian na pag-iinterpret, lalabas na ang panaginip natin ay katuparan ng ating mga unconscious wishes na hindi natin natatamo kapag tayo’y gising.
Ito ang lapit ko sa pagsusuri ng dalawang panaginip ni Rizal. Ang latent content o kahulugan ng kanyang panaginip ay nagsasaad ng kanyang mga unconscious o di-malay na pagnanasa/pangarap/kahilingan.
Pagsusuri ng mga Panaginip ni Gat Jose Rizal
A. Unang Panaginip
1. Manifest content:
Mayo 10, 1882 – Miyerkules – Singgapor
“Nagkaroon ako ng isang malungkot at kasindak-sindak na panaginip, na may anyong tunay na nangyari. Napanaginip kong namatay ang kapatid kong lalaki, at ibinalita ito ng matanda kong ina na kasama ko sa paglalakbay sa bapor. Pinatunayan ito ni Sor Catalina at umuwi ako kung gayon at iniwan ang lahat ng ari-arian sa bayang ito. Bakit kaya ako nanaginip nang ganito?”[1]
2. Latent Content[2]
a. “Napanaginip kong namatay ang kapatid kong lalaki…”
Isang linggo nang nakaalis si Rizal ng Pilipinas (ito ang unang pag-alis niya ng Pilipinas, iyong plinano nina Paciano at Tiyo Antonio Rivera niya at ilan pang kaibigan); siya’y nasa ibang bansa na nang mga panahong iyon.[3]
Ilang taong gulang siya noon? Dalawampu, magda-21 siya sa Hunyo. Isang 20 anyos na binata, first time na umalis ng sariling bayan tungong ibang bansa, at mag-isang naglalakbay – may damdamin siya ng kaba, takot, pangamba sa paglalakbay nang mag-isa at pagpunta sa mga banyagang lupain na hindi siya pamilyar sa lugar at mga tao, gayundin ay katambal pa ang kalungkutan at pangungulila sa pamilya at mga kaibigan at lupang tinubuan. Ano ang kinalaman ng mga ito sa pagkamatay ng kanyang tanging kapatid na lalaki? Namatay ang kanyang kuya sa kanyang panaginip para matupad ang kanyang unconscious na kahilingang makauwi sa Pilipinas.
Natural para sa isang taong nasa edad at sitwasyon niya ang makaramdam ng kaba at takot dahil first time niyang mangibang-bansa, tapos mag-isa pa siya, at gayundin, siyempre, ay labis ang kalungkutan niya at pangungulila sa mga mahal niya sa buhay. Kahit na iyon na nga, nakapaglakbay na siya, nakarating na siya sa Singgapor, tuluy-tuloy siya sa kanyang biyahe – naroon pa rin ang unconscious niyang pagnanasa na bumalik sa Pilipinas. Naroroon sa kanyang loob ang kanyang unconscious/ikinukubli/pinipigilan na kaba, takot at pangungulila na nagbubunsod sa kanyang marubdob na pagnanasang makauwi na.
Masidhi ang nasa niyang makabalik na sa bayang tinubuan, kaya namatay ang kapatid niya sa panaginip. Kapag namatay ang kanyang kuya, kinakailangan na makauwi siya. Tanging kapatid na lalaki niya si Paciano, malapit na malapit sila sa isa’t isa, mahal na mahal niya ito, kaya hindi pwedeng hindi siya makauwi. Magiging excuse, isang mahigpit na dahilan, ang pagkamatay ng kuya niya para siya ay makabalik. Ani Freud, kahit na sa biglang tingin, napaka-distressing ng panaginip, halimbawa’y may namatay, pero kung susuriin ang latent content nito, lalabas na wish-fulfillment pa rin ang panaginip. Sa panaginip na ito ni Rizal, nagkaroon siya ng dahilan para matupad ang kanyang unconscious na nasang makabalik sa Pilipinas – ang pagkamatay ng kanyang kuya.
b. “…ibinalita ito ng matanda kong ina na kasama ko sa paglalakbay sa bapor.”
Tulad ng nabanggit na natin sa itaas, first time mangibang-bansa ni Rizal nang mga panahong ito, at siya ay mag-isa pang naglalakbay. Natural lamang na kabahan siya, mabalisa at mangamba. Ang kanyang pangamba sa paglalakbay nang mag-isa, isama pa ang pangungulila niya sa kanyang mga mahal sa buhay, ay makatwiran lamang na magbunsod sa kanyang unconscious na hiling na sana ay may makasama siya sa kanyang biyahe. At dito nga sa panaginip niya, natupad ito – ang kanyang ina ay kasama niya sa bapor. Bakit kaya ang ina niya ang kasama niya? Marahil, dahil ang nanay ay pigura na marubdob ang pagmamahal, pag-aaruga, at pag-iingat sa anak. Ang kahit na sinong tao (tipikal na young adult), kung malalagay sa sitwasyon ni Rizal na mag-isa’t first time maglakbay at nangangamba, ay hihilingin din na makasama ang kanyang ina. Safe at secure ang pakiramdam mo kapag nariyan ang iyong ina sapagkat alam mong may kasama ka, may mag-iingat sa iyo, may gabay ka.
c. “…umuwi ako kung gayon at iniwan ang lahat ng ari-arian sa bayang ito…”
Ang hiling/nasa ni Rizal na makauwi ng Pilipinas, bunga ng kanyang pangamba sa paglalakbay nang mag-isa tungong ibang bayan at pangungulila sa nilisang mga mahal sa buhay, ay nagkaroon ng katuparan sa kanyang panaginip. Ang hidden/unconscious desire niya na makabalik, na ipinahintulot ng matinding kaganapan (pagkamatay ng kuya niya), ay naganap sa panaginip niyang ito.
B. Ikalawang Panaginip
1. Manifest Content
Enero 25, 1884 – Madrid
“Ngayong gabi, nagkaroon ako ng isang panaginip na napakalungkot. Napanaginip kong umuwi ako sa Pilipinas, pero kay lungkot na pagkatanggap. Hindi ako sinalubong ng mga magulang ko at naging taksil si Leonor, isang kataksilang napakalaki na wala nang lunas.”
2. Latent Content
a. “Napanaginip kong umuwi ako sa Pilipinas…”
Dumating si Rizal sa Europa noong 1882. Taong 1884, mga dalawang taon pa lamang siya roon. Sa kanyang unconscious, naroon pa rin ang pangungulila niya sa tinubuang lupa (naho-homesick). Naroon pa rin ang kanyang nasa na makabalik ng Pilipinas. Natupad ang mithi niyang ito sa kanyang panaginip.
b. “…pero kay lungkot na pagkatanggap. Hindi ako sinalubong ng mga magulang ko at naging taksil si Leonor, isang kataksilang napakalaki na wala nang lunas.”
Oo’t gusto ngang bumalik ni Rizal sa Pilipinas, ngunit ayaw niya rin. Bakit contradictory? Bakit nagkokontrahan ang mga nasa ni Rizal? Oo, may pagnanasa siyang umuwi. Ngunit sa kanyang unconscious, may nasa rin siya, may dahilan din siya para hindi umuwi at manatili lamang doon sa Madrid – si Consuelo Ortega.
Noong Setyembre 1882, nagkakilala sina Rizal at Consuelo. Nagkadebelopan sila. Hanggang mga Mayo, 1884, mabuti ang kanilang pagtitinginan.[4] Kung babasahin ang mga tala ni Consuelo sa kanyang talaarawan, at ang katotohanang tinulaan pa siya ni Rizal, di-maitatangging may namuong pag-ibig sa isa’t isa ang dalawa.
Doon sa kanyang panaginip, paano natin makikita ang wish-fulfillment? Unang wish-fulfilment: nais niyang magkaroon ng dahilan para hindi na siya kailanganing bumalik at manatili sa Pilipinas. May kinahuhumalingan kasi siyang dalaga, may dahilan siya sa kanyang pananatili sa Madrid – si Consuelo. Sakaling mauwi siya sa Pilipinas, nais niyang magkaroon ng excuse para hindi siya makapanatili sa bansa, bagkus ay makapunta muli sa Europa – ang excuse na iyon ay malungkot kasi at hindi maganda ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga magulang. Kung magkagayon, may katuwiran siya upang bumalik at manatili sa Madrid, kung saan naroroon si Consuelo.
Ikalawang wish-fulfilment: nagtaksil si Leonor. Teka lang, e, di ba, mag-on sila ni Rizal? Bakit naman niya hihilingin na magtaksil ang kanyang kasintahan? Ganito kasi iyon. Sa kanyang unconscious, nais ni Rizal na magtaksil si Leonor, para mabigyang-katuwiran ang pagkakamabutihan nila ni Consuelo sa Madrid. Kung magkakagayon, hindi siya ang may kasalanan, kundi si Leonor. Nagtaksil naman sa kanya si Leonor, kaya okey lang, walang masama sa panliligaw niya kay Consuelo. Unconscious desire niya ang madepensahan ang kanyang sarili, wala siyang kasalanan, walang guilty feeling, sa pangingibig niya kay Consuelo, kaya pinagtaksil niya sa kanyang panaginip si Leonor.
Kongklusyon
Tao si Rizal. Tao siya, katulad natin. Sa kanyang dalawang panaginip, nakita nating may mga takot din siya, mga alalahanin, pangamba, may mga unconscious/hidden thoughts, may mga pagnanasa rin. Natural lamang iyon, walang masama sa mga iyon, sapagkat gaya natin, tao lang din siya.
Hindi ko masasabing ito ang tumpak na interpretasyon ng mga naturang panaginip ni Rizal. Hindi absolut, hindi batas, ang pamamaraan ng pag-aanalisa ng panaginip ni Freud; ito’y isang teorya lamang. Ang aking pagsusuring ginawa gamit ang metodo niya ay isang anggulo lamang sa pagtingin sa mga panaginip ng bayani. Ang mambabasa na ang bahala sa paghusga sa aking mga ipinaliwanag dito. Basta ako, sa gayong paraan ko nakikita si Rizal. Kanya-kanyang Rizal naman iyan, wika nga ng isang pelikula (Bayaning 3rd World).
[1] Nilo S. Ocampo, Istilo Ko, Rizal Romantik: Mga Tala ng Pag-asam at Pag-ibig (Lungsod Quezon: Lathalaing P. L., 2001), 75.
[2] Ang metodo ni Freud sa paghanap ng latent content o kahulugan ng panaginip: hinihimay-himay niya ang mga detalye ng panaginip at iniinterpret ang bawat isa. Iisa-isahin natin ang mga detalye sa mga tala ni Rizal at bibigyang-kahulugan ang mga ito.
[4] Batay ito sa talaarawan ni Consuelo – Ocampo, 117-137.
sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi)
June 8, 2009
(Para sa Unang Bahagi, pakiklik lamang ito)
Mula sa Chapter 14, “Child of All Nations,” pp. 263-266, 273-276:
[Usapan nina Minke at Ter Haar, sa isang barko. Doon sila unang nagtagpo at naging magkakilala. Si Ter Haar ay isang journalist, naging subeditor ng isang pahayagan. Siya’y Olandes, ngunit isang radikal, aktibista, liberal, salungat sa sistema, sa pamamalakad ng kanyang pamahalaan sa Indies/Indonesia. Isinasalaysay rito ni Ter Haar ang mga pangyayari sa Pilipinas noon – ang pagrerebelde ng mga Pilipino, ang pagpapatalsik nila sa mga Espanyol, ang mga kaganapan noong Himagsikan ng 1896. Siya’y namangha sa nagawang ito ng mga Pilipino – nayanig daw ang Europa!]
Ter Haar: Do you know anything about the Indies’ close neighbor, the Philippines?
Minke: A little. They rebelled against the Spanish colonization, then against America. [natutuhan niya kay Khouw Ah Soe]….
Ter Haar: News from the Philippines is very scarce. It seems the [Dutch] government feels it has to restrict such reports. The government is afraid that if the Indies Natives find out a lot about what’s happening, about how far the Filipino Natives have progressed under Spanish rule, they would be ashamed…
Many Filipinos are educated, really educated. Already some are graduates. And the Indies Natives? Just a handful sit on the benches of universities in Holland. There is still not one graduate in all of the Indies. Public schools are not even three-quarters of a century old. In the Philippines, they have been going for almost three hundred years (tapos may UST, Colegio de San Juan de Letran pa tayo – mga unibersidad. Walang ganito noon sa Indies/Indonesia). In the Indies, ninety-nine percent of Natives are illiterate. In the Philippines, it is ten percent less than that.
Minke: (Napag-isip-isip siya. Such progress. The Filipino natives were closer to European science and learning, closer to understanding the power that rested with the European peoples, to knowing how to use that power, and so they rebelled… The government of the Netherlands Indies was worried that the educated Natives of the Indies would find out that the Filipino rebellion against the Spanish was led by educated Filipinos and was no mere peasant disturbance like that in Tulangan. Ang Tulangan ay isang maliit na bayan doon sa Indonesia – nagkaroon ng pag-aaklas ang mga pesante sa pamumuno ng nagngangalang Trunodongso na nakilala at nakaibigan ni Minke. Pero, maliit na rebelyon lang ito, kaya hindi matagumpay. Humanga at nainggit si Minke sa malawakang pagrerebelde na nagawa ng mga Pilipino – ang Rebolusyon ng 1896.)
Ter Haar: Before the rebellion itself took place, the port workers in the Philippines harbors refused to work… The Filipinos have already carried out strikes… But their rebellion is even more interesting (tinutukoy niya ang Rebolusyon ng 1896 ng Katipunan); it rocked all of Europe, including Holland/Netherlands, Mr. Minke. They’re all busy studying why it happened so they can make sure nothing similar occurs in their own colonies. A friend of mine knew one of the Native leaders there, someone called Dr. Jose Rizal. My friend met him in Prague. Rizal was a poet, very brilliant, and a fiery lover also. The Spanish caught him in the end. A great pity – someone as outstanding as that… Of course, there can be no doubt about his fate: The death sentence ended his life story. Someone as cultivated as that, writing poems in Spanish, just as you write in Dutch. A doctor, Mr. Minke, and you too intend to become a doctor. Perhaps that is no coincidence.
Minke: Somebody educated, a doctor, a poet… rebelling…
Ter Haar: Maybe the Dutch are cleverer than the Spanish. There has never been any rebellion by educated Natives against the Dutch here. Here, the educated Natives always follow the Dutch. The Indies is not the Philippines, Holland isn’t Spain.
Minke: And he was sentenced to death?
Ter Haar: That’s right. The Spanish military are famed for their viciousness.
Minke: (An educated person had rebelled against his own teachers – indeed there had never been anything like that in the Indies…)
Ter Haar: And then even when isolated from his comrades, Jose Rizal did not stand alone. So many, so very many people loved him, because with all his knowledge and learning, he loved his own people so much. Many prominent people, clever people in Europe pleaded with the Spanish government to pardon that brilliant educated Filipino.
Minke: What did he want to achieve with this rebellion?
Ter Haar: You don’t know? He wanted his people not to be ruled by the Spanish. He wanted them to rule themselves. A pity – that inexperienced people in the end became the victims of an alliance between Spain and America.
Minke: I don’t really understand, Mr. Ter Haar. How could they rule themselves? You mean the educated Natives would replace the Spanish and the Americans to govern their own people?
Ter Haar: Of course, that’s what they wanted. National independence.
Minke: (Nagtaka si Minke. Nag-isip-isip siya. Hindi niya ma-imagine – dahil nga sa nabuhay siya sa panahon ng kolonyalismo, sa lipunang kolonisado, at kinasusuklaman niya ang mga atrasado at makalumang practices/traditions/pamamahala ng kanyang mga ninuno — kung paano pag wala na ang mga Europeo –– paano pamamahalaan ang isang bansa? I conjured up in my imagination the kings and bupatis of Java, mad with their lust for power, making people bow down and crawl before them, give obeisance to them, do their pleasure. And no guarantee that they would be better educated than those they ordered about. Even to imagine the Filipinos governing without white people was beyond me. And here, on my own earth to think of such a thing! To make any sense of it all was impossible. Without the power of the whites, the kings of Java would soon be mobilizing every single inhabitant in the effort to annihilate each other, each trying to emerge the sole triumphant ruler. Wasn’t that our history for centuries?)
Ter Haar: What’s the matter?
Minke: And what would happen if the Native kings held power again? Imagine how the educated groups would suffer, Mr. Ter Haar.
Ter Haar: No. The Filipinos intend to govern along American and French lines: a republic – that is, if they won. In such a great awakening as that, there were of course many leaders whose thinking was European, and a modern organization also. Not like the peasants of Tulangan. There was an organization that was the engine of opposition (ang organisasyong ito ay ang KKK, gayundin ay ang Propaganda movement sa Europa).
Minke: A modern organization? (Hindi ito alam ni Minke. Tunay na mas naunang namulat ang mga Pilipino sa mga modernong bagay, unang natuto mula sa Europa, at unang nagbangon, kaysa mga Indones.)
Ter Haar: So you are not familiar with the idea of a modern organization? (He shook his head.)
Minke: (Perhaps he was pitying me, a graduate who didn’t know about modern organizations!… But truly, I didn’t understand. I stayed silent, no more questions; shame and embarrassment enveloped me now.)
Ter Haar: In the end, the more European science and learning Natives obtain, whatever their race or nation, the more it is certain they will follow in the footsteps of the Filipino Natives, trying to free themselves from European rule. The Filipino natives wanted to stand up themselves as a free nation, as Japan does now, acknowledged by all the civilized nations of the world.
[Pagkatapos nilang mag-usap, bumalik si Minke sa kanyang cabin. Nakahimbing siya. Pagkagising, naisipan niyang isulat ang diskurso sa kanya ni Ter Haar. Habang nagsusulat, mayamaya’y may dumating na isang utusan ni Ter Haar. May ipinabigay sa kanyang 2 magasin. Isa rito ay isang German magazine. Brinowse niya ito. May isang artikulong nakatawag sa kanyang pansin – artikulo tungkol sa Pilipinas. Narito ang kanyang mga nabasa na kanyang pinagmuni-munihan, at kanyang itinala o isinulat:]
The educated Natives of the Philippines put their hopes in the Spanish liberals back in Spain, just as I had put my hopes in the Pure Dutch liberals back in the Netherlands. Yes, in Europe, the land where the peak of human achievement and brilliance was stored as in a museum. And the Natives had beautiful dreams: One day the Spanish would, in their generosity, make them members of the parliament in Spain and give them the full civil rights of subjects of Spain, and they would be able to feel they could do some good for their own people in their own land.
One thing I learned, a basic piece of knowledge: that a small group with this dream tried to bring it to reality, inviting others to dream the same way. They set up a newspaper. A newspaper! Filipino Natives publishing their own newspaper! (La Solidaridad. Propaganda Movement. Gulat na gulat si Minke. Doon kasi sa Indies/Indonesia, pag-aari ng mga Olandes ang lahat ng pahayagan. Walang diyaryo ang mga katutubong Indones na titindig at magtatanggol sa kanilang mga karapatan.) And the educated Native Dr. Jose Rizal was one of its leading figures.
I had never seen a picture of him. But I imagined him as someone tall and slim, with big side-whiskers, mustache, and heavy eyebrows. But that’s not so important. What was important was that the authorities in Spain cursed him and took action against him (Naman! Talagang nayanig ng ‘indiong’ ito, si Rizal, silang mga Espanyol! At maging ang iba pa nating mga propagandista, tulad nina Plaridel at Lopez-Jaena sa kanilang mga sulatin.). And I was forced to think about how things were in the Indies. There had never been anything like that Filipino group here. Never. And the indications were that there never would be. Poor Trunodongso; with machete and hoe he wanted to fight them,while even Rizal had been trampled so easily.
Still fortified by his hope in Spanish charity, he carried on with his attempts to make his dream a reality: He founded the Filipino League (o La Liga Filipina). But the Philippine colonial government continued their attacks upon him.
I know these notes won’t be of much interest to anyone, but I have no choice but to include them. Why? Because these thoughts are so much a real part of my environment, the world I inhabited. Ah, knowledge: Trunodongso would never know that there is a nearby country called the Philippines. And knowledge, the result of my reading this article, made the Philippines a part of my own world, even only as an idea…
And Rizal still dreamed of the honor and nobility of Europe. But European power was a monster that became hungrier and hungrier the more it gobbled up…
But other groups of educated Filipino Natives had long lost their faith in Spanish colonial power (ang sukdulan ay ang KKK – ang pinakamalawak at pambansang kilusan laban sa mga Espanyol). They took up arms and rebelled…
The Filipino revolution broke out. The goal was to run the Spanish out of the Philippines. In my soul’s eyes I could see the educated Filipino Natives rising up, leading their fellow countrymen in attacks against the Spanish garrisons… Even in my fantasizing I could not imagine it. They weren’t led by individuals, but by a spirit of resistance, represented by that organization of theirs (ang Katipunan nga). Represented too in its top leadership: Andres Bonifacio (Naks! Kilala rin niya si Gat Andres Bonifacio!). Seven years ago. Poor Trunodongso – he knew nothing of such leadership. Poor Minke – I had only found out a few hours ago (sa pakikipag-usap niya kay Ter Haar at sa artikulo). Tens of thousands of Native Filipinos mobilized the whole people into resistance. And they did resist, they did fight back. The whole land seethed with rebellion, marching out of the houses to take part in the fighting, to live or to die. The Spanish in the Philippines were pressed hard and then pressed even harder. And the Filipino Natives chose their first president: Emilio Aguinaldo. In 1897! The first republic in Asia.
And they built their own government on the French model! No wonder Khouw Ah Soe (ang Tsino sa part 1 ng post na ito) was so excited about the Philippines! (Imagine, isang Tsino, manghang-mangha sa Pilipinas. Ngayon, nilalait-lait na lang tayo ng isang Chip Tsao!)…
[Subalit, datapwat, ngunit…] The Filipino revolution was thrown into turmoil by traitors who loved money more than freedom for their country and their people (another piece of basic knowledge for me). The rebels, in their defeat, accepted the hand of friendship from America. The warships of America sailed to the Philippines and surrounded the Spanish armada. On land, the Filipinos worked together with the American marines…
… The Filipinos, still inexperienced in these things (akala nila, mapagkakatiwalaan ang Amerika. Tsk, tsk), were finally deceived by the Americans. In the battle of 13 August 1898 – a show battle between Spain and America – Spain was defeated, America won. The Filipino patriots were the real losers; they were freed from the Spanish, but fell into the hands of the United States, which became their new master.
— Sa mga bahaging ito ng aklat ni Pramoedya Ananta Toer, mga parteng tungkol sa Pilipinas, ako ay tunay na nagulat, namangha, humanga sa aking bayan. Ganoon pala kadakila ang papel na ginampanan ng Pilipinas noon – imagine, nayanig natin ang Europa at naging modelo tayo ng ating mga kapwa Asyano! Ewan, hindi yata ito naituro sa amin sa hayskul (o absent lang ako or hindi nakikinig?). Sa napakapapangit na bagay na bumabalot sa aking banwa sa ngayon, sa masamang atityud at nadirimlang mga damdamin ng mga kababayan ko, hindi ko akalaing may ganito pala tayo kagandang kasaysayan. Alalahanin natin ang ating nakaraan – kay giting, kay dakila.
Subalit, doon sa huling dalawang talata na sinipi ko kay G. Pram – may negatibo ring bagay tungkol sa Pilipinas. Totoo ito – ang hinggil sa mga ‘taksil sa bayan.’ Sina Bonifacio at Aguinaldo na lang – may away pulitikal na namagitan sa kanila. May mga pag-aaral ang mga historyador natin, na dapat ay si Bonifacio ang ating unang pangulo. Namatay ang Supremo ng Katipunan sa kamay ng kanyang mga kababayan mismo. Ang dahilan – away sa pulitika nila ni Aguinaldo. Tsk, tsk. Kitams, sa unang presidente pa lang, may mga pangit nang nangyari. Paano pa sa mga sumunod? Hayzzz.
Iyon lamang po. Nais ko lang ipabatid na hindi ganoon kasumpa-sumpa ang bansang Pilipinas. Minsan, sa ating kasaysayan, tayo ay hinangaan at kinilala rin naman ng daigdig. Bahala na tayo kung paano natin mauulit iyon.
sa mga mata ng isang dayuhan (unang bahagi)…
June 6, 2009
Hindi lingid sa atin ang mga kamakailang sunud-sunod na naglabasang pagyurak ng mga dayuhan sa lahing Pilipino. Paglait sa ating mga mediko, Pinay bilang katulong, nation of servants, mail-order bride…
Datapwat, narito, ipantatapat ko sa kanila – ilang magagandang bagay tungkol sa Pilipinas, mula sa isang aklat ni Pramoedya Ananta Toer ng Indonesia. Ang libro, ang “Anak Semua Bangsa,”* ay ang ikalawa sa kanyang Buru Quartet, 4 na bolyum na nobela. Itong Buru Quartet ay parang Noli at Fili natin. Tungkol ito sa kasaysayan ng Indonesia – kasaysayan sa ilalim ng kolonyalismo. Kung tayo, napasailalim ng mga Español (na, later, ng mga Amerikano at Hapones naman), sila, sa Olandes o Dutch. Mga late 19th at early 20th centuries ang saklaw na panahon ng mga akda niyang ito.**
Si G. Pram (1925-2006) ay isang mahusay at dakilang manunulat. Ayon kay Thelma Kintanar,*** noong kalagitnaan ng dekada ’80, ninomina siya para sa Nobel Prize for Literature at umabot sa short list ng mga pinili para sa award. Ito raw ay napakalaki nang karangalan sapagkat wala pang taga-Timog Silangang Asya na nagawaran ng prestihiyosong award na iyon.
Kung paanong ang Noli at Fili ni Rizal ay sinalamin ang sitwasyon ng ating bansa noon, ang Buru Quartet ay hango rin sa tunay na buhay, sa tunay na lipunan, napakahistorikal. Si G. Pram ay hindi lang writer, siya ay researcher din, nagtatala, nagdodokumento. Kaya naman, ang mga nabasa ko sa kanyang nobela – hindi piksyon ang mga iyon, totoo sila, talagang nakaayon sa kasaysayan.
Iyong unang dalawang bolyum pa lang ng Buru Quartet ang aking nabasa, ang Filipino translation ng “Bumi Manusia” (Daigdig ng Tao) at English ng “Anak Semua Bangsa” (Child of All Nations). Sa pasukan, sana’y magkaroon ng panahon, susubukan kong basahin yung 2 huling bolyum – hiramin ko sa library. Maganda kasi, e. Talagang magaling na writer si G. Pram. Ang kanyang mga nobela ang highlight, ang pinakatampok na pinag-aralan namin sa isang sabjek ko last sem. Salamat sa sabjek na iyon, marami talaga akong natutuhan.
Heto na po, halaw mula sa “Child of All Nations,” salin sa English mula sa Bahasa Indonesia ni Max Layne. Dinialogue form ko ang usapan nina Minke at Khouw Ah Soe (mga tauhan sa nobela) – yung usapan nila tungkol sa Pilipinas.
[Si Minke ay Javanese, 18-year-old na binata, edukado at maykaya, na siyang bida sa nobela. Si Khouw Ah Soe naman ay isang Chinese, 20-year-old, kabataang aktibista na sa pagnanais na mamulat at magpalaganap ng mga ideolohiya ay nangibang-bansa, at napadpad sa Indies (ang tawag sa Indonesia nang mga panahong iyon – Dutch East Indies). Isipin niyo na lang, si Minke ay parang si Ibarra, at si Khouw Ah Soe ay si Elias. Tinuturuan, iminumulat ni Khouw si Minke sa mga tunay na pangyayari sa lipunan, sa mundo, isa na rito ang tungkol sa Pilipinas:]
Mula sa Chapter 4 ng Child of All Nations, pp. 88-89:
Khouw: You no doubt know what happened in the Philippines.
Minke: (His words came at me like an accusation. The Philippines was for me no more than a place on the map, a geographical location. The Philippines is not far from my own country but I knew almost nothing about it.) A pity, but no.
Khouw: (He laughed and his narrow eyes disappeared completely from his face. His sparse pointed teeth emerged to represent his absent eyes.) They studied well from the Spanish, from Europe, even before the Japanese. Even before the Chinese. It is a pity they were a colonized people, unlike Japan. The Filipinos could not develop because they were colonized. The Japanese have developed – developed too well. The Filipinos were good pupils of the Spanish. And the Spanish were bad teachers, rotten and corrupting. But the Filipinos didn’t just accept their teachings uncritically. The Filipinos are also great teachers for other conquered peoples of Asia. They were the founders of the first Asian republic. And it collapsed. A great historical experiment.….. So, you don’t know anything about the Philippines?
Minke: Unfortunately, no. I only know there was a war between the Spanish and the Americans there.
Khouw: (He laughed.)
Minke: What’s the matter?
Khouw: The Spaniards and the Americans – their war – it was all an act (ito yung Mock Battle sa Maynila na ’sumiklab’ noong Agosto 13, 1898). There was no conflict between them; it was all to do with letting the Spaniards sell the Filipino people to the United States without having to lose face before the eyes of the world.
Minke: How do you know all this?
Khouw: How? Wasn’t all this reported in the newspapers?
Minke: I’ve never come across any such reports……
Khouw: The Philippines cannot be forgotten, can they? Even if they were deceived by Spain and America? It is inevitable that other conquered peoples will follow in their footsteps. Yes, even in the Indies. If not now, then later, when people know how to handle their teachers (o ‘colonial masters’).
BUTI PA SI PRAM! Isang dayuhan, pero napakamaalam sa ating kasaysayan! BUTI PA SIYA! Alam niya ang kadakilaan nating mga Pilipino! Habang tayo, isinusumpa natin ang sarili nating bayan, ang ating mga sarili!!!
Sa usapan sa itaas, ating nakita sa katauhan nina Minke at Khouw ang pagkilala sa ating mga Pilipino ng Indonesia at China. Na-inspire sila ng ating lahi, naging modelo nila tayo. At saka, nakita niyo naman, naihanay tayo sa China at Japan? Naks naman! Mas nauna pa pala tayong mamulat tungkol sa Europa, sa mundo, kaysa mga Chinese at Japanese?! Totoo ito, kung titingnan mo sa kasaysayan… Pero ngayon, nakakalungkot, ang layo ng agwat natin sa kanila, nahuhuli tayo. Ang saklap. Tama rin talaga ang sinabi ni Khouw – “It is a pity they were a colonized people.” Pahirap talaga, demonyo, bangungot ang kolonyalismo. Matindi, malalim ang sugat na iniiwan, napakahirap mahilom, hindi mapagaling-galing.
May karugtong pa ito, may ikalawang bahagi pa. Si Ter Haar naman ang magpapaliwanag ng tungkol sa Pilipinas kay Minke. Isa siyang Dutch journalist, liberal, aktibista, radikal.
- Itutuloy… - (Pakiklik ito para sa Ikalawang Bahagi)
Notes:
* “Anak Semua Bangsa” – “Anak ng mga Bansa” – hehe, panisinin niyo, hindi nagkakalayo ang wika natin sa wika nila. Magkakapamilya kasi ang mga wika natin sa Pilipinas at ang mga wika roon sa kapitbahay na Indonesia.
** Nang mga panahong ito, grabe, namangha ako, naging kilala, tanyag pala ang Pilipinas sa mundo. Hindi ako malay tungkol dito noong hayskul. Dito lang talaga ako sa kolehiyo natutuwa at malalim na natututo hinggil sa kasaysayan ng aking bayan. Tsk, tsk. Hay, maraming pagkukulang ang basic education. Hirap na hirap ang mga propesor sa tersyaryo na punan ito. Mga guro, huwag nating sayangin ang 10 taon ng buhay ng ating mga mag-aaral! Turuan natin sila, imulat!
*** Isinalin niya sa Filipino ang “Bumi Manusia,” na naging “Daigdig ng Tao,” unang bolyum ng Buru Quartet.
mail-order bride…
May 29, 2009
Isang bahagi ng liham ni Rizal kay Blumentritt, Abril 23, 1891:
Si Leonor na naging tapat sa akin sa loob ng labing-isang taon ay magpapakasal sa isang Ingles, isang inhinyero ng tren. Akala ko, ako’y mababaliw nang matanggap ang balita…
Ngunit, o, hindi ka dapat na magulat kung ang isang babaeng Pilipina ay piliin ang pangalang Kipping kaysa kay Rizal; huwag kang magtaka sapagkat ang isang Ingles ay malaya at ako’y hindi.
– mula sa aklat na “Rizal, Ang Bayani”
Si Leonor ay si Leonor Rivera, ang pinakamatagal at pinakaseryosong nakarelasyon ni Rizal (bago niya ‘mapangasawa’ si Josephine Bracken), ang inspirasyon niya kina Maria Clara ng Noli at Paulita Gomez ng Fili. Sobrang broken-hearted siya noon. Lumuha raw siyang parang bata pagkabasa ng liham ni Leonor na humihingi ng tawad at nagpapaalam na ito’y pakakasal na sa iba. AWTS! Kasintahan mo ba naman, mahal na mahal mo, at akala mo’y mahal na mahal ka rin niya, tapos bigla ka na lang sinulatan na pakakasal na pala siya sa iba. Naman!
Hmmm… E, ano naman ang konek nito sa mail-order bride? Si Leonor ay hindi naman mail-order bride. At ayon pa sa mga tala, sapilitan ang pagpapakasal niyang iyon, hindi niya ginusto. Ang sa akin lang – iyong sinabi ni Rizal na naka-italicize – naisipan ko lang na ikonek sa kamakailang naging isyu ng paglibak na naman sa Pilipina: ang tungkol sa mail-order bride ni Baldwin.
Pero bago iyon, ilang citations lang muna:
———————–
Ilang info mula sa wikipedia
“Mail-order bride is a label applied to a woman who publishes her intent to marry someone from another — usually more developed — country. This label is considered offensive by some definitions.”
“Mail-order brides traditionally hail from developing countries. The great majority of these women are from Southeast Asia including the Philippines, countries of the former Soviet Union, and to a lesser extent from Latin America.”
Pero… may batas…
“The Philippines prohibits the business of organizing or facilitating marriages between Filipinas and foreign men. The Philippine Congress enacted Republic Act 6955 or the Anti-Mail-Order Bride Law in 1990 as a result of stories that appeared in the local press and media about Filipinas being abused by their foreign husbands. Because of this, Filipinas often use “reverse publications” – publications in which men advertise themselves – to contact foreign men for marriage on behalf of the Filipina women.”
——————————–
Ilang citations mula sa “Alec Baldwin’s ‘RP mail-order bride remark’ irks senator”, gmanews.tv
“First, it was Filipino doctors. Then, Filipino house helps. The Philippines was even called a ‘nation of servants.’ Now, Filipinos engaged in the illegal mail-order bride scheme are the latest subject of a purported racial slur.”
“I’d love to have more kids. I’m thinking about getting a Filipina mail-order bride at this point or a Russian,” said Baldwin… Seemingly delivered in jest, Baldwin’s remark caused the audience to break into laughter and prompted the show’s host, Letterman, to respond: ‘Get one for me [also], for later.’”
“Baldwin’s ‘predecessors’ in the racial slur department include Teri Hatcher – whose character in the ABC hit show Desperate Housewives questioned the skills of Filipino medical practitioners - and Hong Kong-based columnist Chip Tsao, who called the Philippines “a nation of servants” shortly after the controversial Philippine Baselines Bill was signed into law. The British Broadcasting Co (BBC) also went under fire after one of its comedy sitcoms portrayed a Filipina domestic helper as someone who would gyrate to her employers to please them.”
————————————-
Ang paglibak na iyon ay hindi lalabas nang walang basehan o pinag-ugatan. Hindi puwedeng umusbong at lumaganap ang ganyang imahe ng Pilipina nang walang dahilan, nang mula sa wala. Huwag na tayong magkaila. “Mail-order brides traditionally hail from developing countries. The great majority of these women are from Southeast Asia including the Philippines…”
- Ano ba’ng naiisip ninyo kapag nakakita kayo ng babaeng may kasamang matandang lalaking foreigner? Namamasyal, naglalakad-lakad, nakakapit si babae sa bisig nung dayuhan…
- Nung panahon ng Amerikano, and even later, sa mga lugar ng VFA/Balikatan/ng mga base ng mga Kano – siyempre, naglipana ang mga mapuputi, nagtatangkaran, blue-eyed, nagguguwapuhang sundalo. Ano naman ang natural reaction ng Pinay? Dedma ba? No reaction? Inisnab ba si GI Joe? Hindi. Gusto niyang makitungo sa kanila, makasalamuha sila, at……..
- Dito sa lugar namin, sa mga usapan/tsismisan ng mga tao rito – sa aking pakikinig sa kanila, sa aking obserbasyon – namamangha at naiinggit sila sa mga babaeng nakakapag-asawa ng foreigner. Kesyo, ang swerte ni ganito, nakapag-asawa ng Hapon – ayun at nakabili na ng lupa’t nakapagpatayo ng pagkalaki-laking bahay. Si ganoon – ang swerte raw, nasa Amerika na, nakabingwit ng Kano. At kamakailan, may usap-usapan diyan sa labasan, na si ano ay nakapag-asawa ng Brazilian na ang gwapo at ang yaman daw.
Sino ang pipiliin ng isang tipikal na Pilipina?
Si Sam o si Berto?
Blue-eyed, maputi, matangkad o pango, maitim, pandak?
Matandang businessman/retiradong US army soldier o construction worker/drayber?
Masakit na naging image ng Pilipina na siya’y nangangarap lang na makapag-asawa ng dayuhan. Matapos ma-equate sa ‘katulong’, kumembot-kembot, magpaikot-ikot para entertainin ang amo, ngayon, ‘Filipina mail-order bride’ na aanakan lang.
Sa ganang akin, ito ang mga naiisip kong dahilan kung bakit ‘mas nais ni Pinay na makapag-asawa ng dayuhan’ – kung bakit nakararami sa mga mail-order bride ay Pilipina:
- Kapit sa patalim: Kahit pa matanda na yung foreigner, kapit ka sa patalim. Kailangang mabuhay. Naging kakabit na ng “foreigner/dayuhan” ang pag-asang makaahon sa kahirapang kinasasadlakan. Kapag nag-asawa ka ng banyaga, matatakasan mo rin sa wakas ang hirap ng buhay sa Pilipinas.
- Biological: Remember “Bakekang” ni Carlo J. Caparas ? Gusto niyang magkaanak ng maganda. Naghanap siya ng Kano – at alam niyo naman ang kanyang ginawa. Magpa-‘ano’ ka sa Kano, kung ibig mo ng magandang anak. Hanga tayo sa puti, matangkad, blue-eyed, blonde/brown-haired. Basta Kano, guwapo. (ayun! yun ang national artist nyo! Nagpopromote ng colonial mentality!)
- Kolonyalismo: Ang unang dalawang nabanggit ay maiuugat natin sa ating kolonyal na nakaraan. Sa ilalim ng kolonyalismo, itinanim sa isip at kamalayan natin ang pagiging superyor ng mga dayuhan, at tayo – mga indio, inferior, nakabababa. Lahat ng positive attributes ay sa kanila; sa atin puro negative (hindi sibilisado, mapamahiin, exotic, atrasado, tamad, mukhang unggoy, etc, etc, etc). Hirap tayong makawala sa madilim nating nakaraang ito. Tayo’y gapos pa rin, bilanggo pa rin…
Si Rizal, noon, ay hindi malaya
Ngayon, tayo’y tulad pa rin niya;
Mahigit isandaang taon ang lumipas
Hindi pa rin tayo ‘malaya.’
Hmmm…
huwag nating hayaan…
May 22, 2009
repleksyon ko lang sa “Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos,” “Dasalan at Tocsohan,” at “Fray Botod”…
Ang tatlong akda ay pawang tungkol sa mga prayle noong panahong sakop ang Pilipinas ng Espanya. Tunay na matapat, tuwiran, at matapang na pagtuligsa ang mga ito sa kabuktutan ng mga itinuturing ang kanilang sariling mga alagad ng Diyos at ng Simbahan. Sa malinaw at walang takot na paghahayag ng tatlong propagandista sa kanilang mga isinulat ng kalapastanganan ng mga paring Espanyol ay humahanga ako, at walang dudang labis na nayanig at naligalig ng mga iyon ang manggagahis at ganid na mga dayuhan.
Hindi ko maatim, hindi ko masikmura, ang mga abang karanasan ng ating mga ninuno na sanhi sa kasamaan ng mga prayle. Sila pa naman na mga “alagad ng Simbahan” ang ugat ng mga pagdurusa at kapanganyayaan ng mga Pilipino noon. Ngunit hindi, sa kanilang mga likong gawa, sila’y maliwanag na hindi “alagad ng Simbahan,” o lalong dapat na sabihin, wala silang anumang kaugnayan sa Diyos, sapagkat kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos ang gayong mga kasamaan. Ang pagkasangkapan ng mga lihis na prayle sa relihiyon, ang paggamit sa ngalan ng Diyos, upang makakamkam, masunod ang lahat ng gusto nila, upang makapang-api, makapaghari-harian, ay batid nating karimarimarim sa mata ng Panginoon. Ang kanilang pagkamakasarili at pagkaganid, ang kanilang pagpapahirap sa kapwa ay labag sa kalooban ng Diyos, idagdag pa ang lalong masama na paggamit sa ngalan ng Maykapal upang makamit ang pita ng sarili – anong kahambugan at paglapastangan nila sa kabanalan at katuwiran ng ating Diyos!
Sa liham ni Dr. Rizal sa mga kababaihang taga-Malolos, pinuna niya ang mga Pilipina sa bulag na mga ugali, gawi, at pananampalataya. Sa pagpapaniwala ng mga prayle sa mga tao na dahil sila ay mga “lingkod ng Diyos” kung kaya ang sinumang sumuway sa kanila ay makatitikim ng hagupit ng parusa ng langit at apoy ng impiyerno, ang mga Pilipina’y lagi nang nakayukod sa kanilang paanan at di maaaring tumutol sa bawat maibigan nila’t ipag-utos. Napiit sila sa panlilinlang ng mga buktot na prayle, habang ang mga prayleng ito naman ay tuwang-tuwa at busug na busog sa kinakalabasang pagiging sunud-sunuran at takut na takot sa kanila ng mga “Indio.”
Nakatutuwa naman ang “Dasalan at Tocsohan” ni del Pilar. Ginamit niya mismo ang mga itinurong dasal ng mga prayle sa pagtira sa kanila. Sa mga paring Espanyol ay malupit na panlilibak ang “Dasalan at Tocsohan,” at napa-“astig” nga ako sa pagbasa ng diretsahan at matapang na akdang ito ni del Pilar. Hinantad niya ang mga kabuhungan ng mga prayle – ang pagpapakasasa nila sa salapi at sa mga pita ng kanilang laman, ang kasiyahan nila sa pang-aalipin at pagpapahamak ng mga Pilipino.
Ang “Fray Botod” naman ni Lopez Jaena ay gayon din. Ang “Botod” ay nangangahulugan ng “malaking tiyan” at pinatutungkulan nito ang mga Espanyol na pari. Mahahayap ang mga paglalarawang ipinukol ni Lopez Jaena sa mga prayle – “mas matakaw kay Heliogabalus, ususero, masahol sa Hudyong nagpapahiram ng pera, mahilig sa babae katulad ng isang sultan,” “patabaing baboy,” “malaswa,” “nakahihiyang pari.” Bukod sa mga ugali ay inilarawan din niya ang mga gawain nito – pagsusugal, panlalamang at panggigipit sa mga magsasaka, paniningil nang labis-labis para sa kanyang mga serbisyo bilang pari, pagtataboy sa mga dumudulog sa kanya habang siya’y nagsasabong, pagpapabugbog sa mga “indio” na di nakapagtrabaho’t di sumunod sa kanya, at pagkuha ng mga dalaga at batang babae na kasa-kasama niya at pinagagawa at “ginagawan” niya ng anumang ibig niya.
Ganoon katindi ang mga dinanas ng ating mga ninuno sa pagkakapasailalim sa mga Espanyol. Di man ako nabuhay sa panahon nila, ang tatlong akda’y pinakulo ang dugo at pinasiklab ang damdamin ko hinggil sa kawalang-hiyaan ng mga prayle. Natitiyak kong labis na nagimbal ng mga panunuligsang ito ang mga mananakop. Mulat ang ating mga ninuno sa mga kabuktutan at kasinungalingan ng mga dayuhan at kanila itong nilabanan. At, sila’y nagtagumpay. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1898 mula sa mahigit na tatlong daang taong pananakop ng mga Espanyol. Bagaman dumating ang mga Amerikano (ang katunaya’y ibinenta pala ang Pilipinas ng Espanya sa Amerika) at ang mga Hapones, hindi naman nagtagal ay ganap na rin tayong lumaya. Ganap na ngang nagsasariling bansa ang Pilipinas noong 1946.
Subalit, sandali, ganap nang malaya, nagsasariling bansa – tunay nga ba? Nakalulungkot man, ngunit sa katotohanan ay hindi. Hindi man tuwirang makikita, kontrolado pa rin tayo ng ibang bansa. Ang pamahalaan nati’y “tuta” ng mga bansang makapangyarihan. Ang batas nati’y walang bisa kapag dayuhan ang masasakdal. Patuloy ang paghahangad ng mga mamamayan na magtungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho sapagkat walang maasahang magandang hanapbuhay rito sa atin. Kay raming mga Pilipino ang ipinagmamalaki pa na hindi sila marunong magsalita sa wikang pambansa. Kay rami ng mga ikinahihiya ang katutubong kulay ng kanilang balat at buhok at kung anu-ano ang mga ginagawa rito upang maging katulad ng sa mga Puti. Sambang-samba tayo sa mga kalakal ng mga Kanluranin, habang itinatakwil natin ang mga sarili nating produkto. Kapwa nating mga Pilipino ay ating kinakaaway, samantalang kapag ang kaharap natin ay banyaga ay kay ganda ng ating pakikitungo. Nakalulungkot at kay sakit isipin ang mga kaganapang ito sa bayang inibig at pinagtigisan ng dugo’t pawis ng ating mga ninuno. Kung atin lamang magugunita ang kanilang mga pinagdaanan, ang pagkaalipin, hirap, pagkabusabos na kanilang nalasap sa kamay ng mga dayuhan, maaantig tayo at mapupukaw, at makokonsensya. Isipin natin sila at ang kanilang mga pagsusumakit para sa Inang Bayan. Huwag nating hayaang masayang ang buhay at kagitingan ng ating mga ninunong bayani. Huwag nating hayaang mangyari muli ang mga naganap noon sa madidilim na bahagi ng ating kasaysayan – noong kubkob ang ating bayan ng karimlan ng kaalipnan at kawalang kalayaan.


