• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Post Item » year-ender…

year-ender…

December 27, 2009

 

Isa akong malaking engot. Isang malaking hangal. As in, gago, engot, fool, hangal…

Masyado kong pinakumplikado ang buhay. Reklamo nang reklamo, sisi nang sisi, puna nang puna. Laging nakasimangot. Parating nakakunot ang noo. Di tumatawa, di man lamang marunong ngumiti… Para sa akin,  ang lahat na lang ay pangit, masama, mababaw, walang kwenta. Gayong sa totoo lang, ako ang walang kwenta…

Isip ako nang isip. Criticize nang criticize. Inuyam ko, kinainisan, kinapootan ang mundo… Ni wala man lang akong kaibigan. Maski pamilya ko, iniiwasan ko ang masyadong mapalapit at dumepende sa kanila. Pati Diyos, kinalimutan ko… Nilayuan ko ang mundo, silang lahat… At ano ang nangyari sa akin? Eto, hungkag, empty, boring, walang saysay, walang sense, walang worth ang buhay…

Masyado akong nagmagaling. Ginawa kong masalimuot ang mga bagay-bagay. Ngunit sa totoo lang, nasa simpleng mga bagay lamang naman ang tunay na kaligayahan, ang true, ang good, ang beautiful… Nasa ngiti, kalabit, akbay, beso ng kaibigan, nasa halik ng mga magulang, sa tapik ng kapatid, sa kwento ng kapitbahay, sa palabas sa TV, sa simpleng text joke, kanta sa radyo, nasa bati ng klasmeyt, tangong pagsang-ayon ng prof, masayang pagkausap ng katrabaho, nasa ihip ng hangin, sikat ng araw, sayaw ng mga dahon, ganda ng mga bulaklak, galaw ng mga ulap, patak ng ulan, nasa pag-feel ng presence ni God… Nasa simpleng mga bagay na iyon ang meaning ng existence, ang kabuluhan at kahulugan ng buhay…

Masyado akong nagmatalino, nagkulong, in-isolate, inilayo ang sarili  sa akala ko’y bulok at wala nang pag-asang lipunan. Sabi ko, magulo, miserable, pathetic sila. Pero sa katunayan, ako ang kalunus-lunos at kaawa-awa… Inilayo ko ang sarili ko sa paligid ko, sa lipunang responsibilidad ko, kinabibilangan ko, at meron sana at dapat akong ginagawa para mabago’t mapabuti ito…

Matagal na panahon din akong nasa karimlan… Nakalimutan kong ngumiti, tumawa, humalakhak, makihalubilo, makipag-usap, makipagkaibigan, makipagbiruan, makipaglaro, magmahal. Maski umiyak at masaktan, di ko naranasan. Oo, sa pagdistansya ko, sa paglayo ko, pagtakas, naging manhid ako… Hindi ang masaktan ang worst feeling na madarama ng tao sa mundo, kundi ang kawalan ng nararamdaman…

Inakala kong magaling ako. Ngunit sa totoo lang, isa akong malaking gago…

Sayang, sayang ang online name kong dalisay… Taliwas na taliwas sa aking pagkatao… Nahan, nahan ang kadalisayan, purity sa akin?… Wala, wala…

Tsk… Masarap, maganda, cool, at simple lang naman ang buhay. Isa akong MALAKING BOBO — ang simpleng katotohanang iyon ay hindi ko alam…

Ah… Ngayon, napagtanto ko’ng aking kahangalan. Makailang ulit kong napagnilay-nilayan nitong mga nakaraang araw. At iniyakan din. Malaon din akong hindi nakaiyak nang ganito… Masarap, masarap umiyak. Ang masasama at mabibigat sa loob mo ay lumalabas… 

Sori, sori sa mga taong inisnab ko, hindi pinansin. Ni hindi ko matingnan nang mukha sa mukha. Sa aking pamilyang di ko napakitaan ng concern, care, at pagmamahal. At kay Lord, na matagal na panahon kong tinalikuran…

Sana, magtuluy-tuloy na ito. Huwag na sana akong mabuhay sa sitwasyon/estadong higit pa sa kalungkutan —  ang kahungkagan o emptiness… Nangangapa pa rin ako sa ngayon, ngunit hindi na sa dilim, kundi sa liwanag na…

 

Pasasalamat sa mga sumusunod: mga kantang “God Gave Me You” ni Bryan White, “Life is So Cool” ni Sweetbox, “Alapaap” at “Ligaya” ng E-heads; “Shades,” Maalaala Mo Kaya episode kagabi; yung painting at librong “Jesus is With Them: The Stories of the Children of Hapag” ni Joey Velasco. Malaking tulong ang mga ito sa pagdidiskubre ko ng aking sarili at meaning ng layf… At siyempre pa, salamat sa mundo at sa Diyos… Tunay na hindi ako mabubuhay nang sarili ko lamang…

Thank you. You made me feel like myself again. You made me feel alive again. You taught me what the meaning of life is…

 

Year-ender na siguro itong paskil na ito… Ang bilis, napakabilis ng mga araw… Bagong taon, tatanda na naman. Tsk…

 

Gudbay 2009. Welkam, 2010.

 

Masayang Bagong Taon na lamang sa lahat! >.<

 


buhay God kahinaan kapwa pamilya panahon sarili tao
Posted by xdalisayx at 2:30 pm | permalink

Previous Comments

Hmmm… Kaya yan.. Improvement comes after awareness.. Hehe.. Hapi4you! Tuloy lang at huwag lang sa bagong taon neh?

Posted by Yin at December 28, 2009, 11:49 am

minsan na rin akong nagalit sa mundo…
naramddaman ko na rin ang naramdaman mo…
ngunit walang patutunguhan ang buhay mo kung magpapatuloy ang dati mong pananaw sa mundo..
Siyasatin mo ang puso mo…
gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa iyo…
hindi maiiwasan ang panghuhusga pero sa bawat hakbang na ginagawa mo, isangguni mo iyon sa DIYOS…
ipagkatiwala mo ang buhay mo sa Kanya…

Posted by emosyon at December 28, 2009, 9:07 pm

AMINUYIR DALISAYYY!!!!!!! wui!!!!!

Posted by yiN at December 29, 2009, 7:04 pm

Yin: hehe. hapi nyu yir! Syit, may binubuno lang talaga akong fafer kaya di gaano makagala sa blogosperyo. salamat sa mga komento.

Emosyon: hehe. emotero ka talaga, pati sa koment. Salamat sa iyong mensahe, nakarelate ka, gayon ka rin pala.

Posted by xdalisayx at December 31, 2009, 10:07 am

hmmm… 2010 na, hindi rin maganda ang pagsasama namin ng 2009… pero sabi nga nila past is past! magsimula ulit, this time punuin mo ng positive things ang buhay mo… happy new year dalisay! :)

Posted by Joyo at January 2, 2010, 5:39 pm

Hapi Nyu Yir, Bb. Joyo. Paumanhin talaga, di ko ma-update itong aking sayt at hindi rin ako makagala sa ibang pook-sapot.
Pasukan na naman kasi, ang dami kong ginagawa. Luhaan na nga ang aking mga mata — syit talaga, ang hiraaap! T_T

Posted by xdalisayx at January 2, 2010, 8:20 pm

tama ka.
at least diba nalaman mo kung ano yung ikaw.

it’s time to shift gears. sa pagpasok ng bagong taon, nawa’y ang kadalisayan ng pagkatao mo’y makamit. hindi man agaran ito ay unti-unti mong maramdaman.

Posted by taga-bundok at January 3, 2010, 6:21 am

Ang ganda ng realization at acceptance Kat.

Hug.

Posted by J.Kulisap at January 5, 2010, 4:41 pm

wala pa bang year-beginner?????????

Posted by wes at January 11, 2010, 5:22 pm

tindi ng intro mo sa post na to ah,.. hehe.. nga naman goodbye 2009!! ako din daming mga kaengotan na pinaggagawa noong nakaraang taon.. pabisita po.

Posted by orville at January 14, 2010, 3:33 pm

dalisay, where na you?! haha! ;)

Posted by taga-bundok at January 14, 2010, 11:21 pm

To All,

Advisory:

Nagtuturo si Dalisay, nagtatakong, nagalapistik at nagdudutdot ng blackboard sa paaralan.

Antayin natin siya sa kaniyang pagbabalik. Dalagang dalaga na, pero may gatas pa sa labi.

Magtatapos na yan.

Posted by J.Kulisap at January 15, 2010, 4:07 pm

Taga-bundok: Nandito lang me. Bad 3p lang talaga, abala po sa iskul. Di na maasikaso ang aking pook-sapot. Absent muna me sa blogosperyo. T.T

Wes: Salamat sa pagdalaw. Paumanhin, wala pa talaga. Di ako makapagpaskil, busy sa iskul. :(

J. Kulisap: Natumbok niyo — ayan nga po ang ginagawa ko, nagtuturo. Oo nga, abala ako para sa pagtatapos/gradweysyon. Sana, makapagmartsa sa Abril… :O

Orville: Uy, salamat sa pagdalaw at pagbabasa. :)

Posted by xdalisayx at January 18, 2010, 9:56 am

Add a comment








 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

September 2010
M T W T F S S
« May    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

topix

acads activism ako mismo anime babae bayan bayani blogging buhay career emo emohan gaming gender God kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kalayaan kapintasan kapwa kasaysayan lipunan pag ibig pagkakamali pagsulat pamilya panahon panitikan Pasko Pilipinas pop culture sakit sarili sekswalidad tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • kumpiyansa...
  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • paglalakbay...
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?

uy, mabenta >.<

  • tula… (6964)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (3420)
  • mayaman at mahirap… (2993)
  • maraming wika, matatag na bansa… (2514)
  • karagatan… (2268)
  • pag-ibig… (2115)
  • ang walong sinag… (2090)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (1119)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (974)
  • huwag nating hayaan… (883)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • alona: naks naman!! grabeh talaga ang...
  • elee: tama ka dyan,, sabagay madaming...
  • Lean: Hi, I came across your...
  • cutieanne: shoks..bkit bah kau nagtatalo.. gnito...
  • unknown: ewan ko sa inyo kabaliwan nio...

uy, mesej ^_^

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

xdalisayx:

Pete, nag-email ako sa iyo. Pakibasa at pakitugon. Salamat. Jejeje. xdalisayx@yahoo.com

pete:

good day, i need to know ur full name coz i need to “quote” u for a project and it might be publish in our filipino book in USC. thank u.

xdalisayx:

tink yo po sa mga nagmensahe. Sa Abril 25 ang martsa ko kuya J. Kul! Yeah!

j.kULISAP:

Nagmartsa na ba?

Miss na kita my princess Dalisay

noysome:

hi! just dropping by.. congrats…

Raunchiest:

I’ve not spent a huge amount of time in the Philippines but I must admit that it’s an amazing area. Anyway, I just commented here because I’m researching blogs about the Philippines and found your site through google. If you can share any tips on places to try while here in the Philippines then I’d love to hear them. Happy Holy Week!

J. Kulisap:

Kamusta?

Binabati kita sa iyong pagtatapos.

Mabuhay ang bagong guro ng bansang Pilipinas

jemima:

hi.

dalisay:

mali pa spelling…

zhen:

goshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh je je dami nyo cnsbi……………
blehhhhhh freeek…

xdalisayx:

Baka after gradweysyon (kung gagradweyt) na ako makababalik dito sa pook-sapot ko… Bumigay ang pc sa bahay at ang dami kong ginagawa e… Sa madlang pipol out there, enjoy sa pagbabasa. Tatanggapin ko ang negatibong mga komento, wala lang murahan at masasakit na salita. ;) Kung magmumura kayo, iwan ang link at magmurahan tayo.

J.Kulisap:

hi princess

emosyon:

salamat sa mensahe…
pareho pala tayo ng kurso..
labing pitong taon pa lang ako dito sa mundo…
ang sarap basahin ng mga blog mo..

katipunera:

Napadalaw:) Napalitan mo na pala ang link sa site ko hehe:)

xdalisayx:

sa totoo lang, never pa ako nakakabasa ng anumang buk ni G. Bob Ong… Yang mga kowts niya ay nakuha ko lang sa paggugoogle. Hehe. Pero alam ko ang kanyang popularidad at istilo ng pagsulat.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino