kabaliwan, kagaguhan…
November 13, 2009
Nakakabaliw raw ang sobrang pag-iisip
Sa mga problema ng lipunan;
Sa mga kabulukan ng sistema;
Sa mga kasalimuotan ng realidad;
Sa mga kahungkagan at kabalintunaan,
Sa mga kalabuan at kalokohan ng buhay…
Makailang-ulit na
Ako’y muntik nang matuluyan —
Matuluyang mapatiran
Ng hibla ng katinuan.
Ngunit
Naagapan naman
Sa pamamagitan
Ng pagtakas,
Ng pangangarap,
Ng pag-iilusyon,
Na maganda pa rin ang mundo…
Subalit, iyon
Ay malaki kong pagkakamali
Anong laking kahangalan,
‘Pagkat aking napagtanto
Ang katotohanang ito:
Mas mabuti na ang maging baliw
Sa kaiisip
Sa mga kasaklapan
Ng katotohanan
Kaysa pabulag at paalipin
Sa pantasya at pananaginip…
Magpagago ka na sa realidad
Sapagkat siya’y magagago mo;
Pag sa ilusyon ka nagpagago
Ikaw lang ang nagagago.
Ewan, kung may nakakaintindi nito…
Ay sus, nagtanong pa ‘ko
E, baliw ako at gago.
Baliw at gago lang din
Ang makauunawa…
Previous Comments
Sabi mo, anong sabi mo? Ah nandon sa tumana, naghuhugas ng kalabaw.
Sabi niya tumira daw ako sa puno pero bakit ang mga militar ang tutugisin kong ang mga lamok ang salarin?
Nanay kita, bakit kay ama ka sumasamba?
Asan ka?
Ayos ba dalisay, naunawaan ko ang nais mong iparating, so ibig sabihin mas praning ako sayo?
Tang inumin mo hwag milo.
Oo gaga ka aninipot, pareho kayo ng wavelength nitong isa kong prinsesa,pagkakausapin mo ha? Ineng natin yan pero mas nauna siya sa puso ko pero pareho ko kayong lablab.
Posted by J.Kulisap at November 16, 2009, 3:59 pmGanyan naman kasi talaga ang kalikasan nating mga tao. Kapag hindi natin maunawaan ang kung sinuman, kapag kakaiba ang takbo ng kanyang isip, o kilos o ugali, agad-agad nating hinuhusgahan — “Siraulo siguro yun.. Baliw ata… Gago yun!…”
Paumanhin, ngunit hindi ako isang psychiatrist. Hindi ko alam at wala pala akong karapatang mag-ebalweyt kung siraulo nga ba ang isang tao o maging sarili ko… Hehe…
Kasi, dito sa bahay, kapag kinakausap ko ang mga kasambahay ko hinggil sa mga aking pagmumuni-muni hinggil sa buhay, lipunan, mundo, realidad, di nila ako iniintindi o di nila ako maintindihan… Kaya akala ko, baliw ako…
Ngunit salamat, Aninipot at Kuya Kulisap, meron palang nakakaintindi sa akin. Salamat sa pagbasa at pag-unawa..
ako? nakahanap na ako ng nakakaintindi sakin…aside sa nanay ko at sa mundo ng blogosperyo….marami naman dyan baka nasa tabi-tabi mo lang.
Posted by aninipot at November 17, 2009, 8:14 am


so, gago ba ako dahil naunawaan ko ang mga sinasabi mo?
Posted by aninipot at November 16, 2009, 11:22 am