naypi…
May 22, 2010
Nagtsismisan na naman ang magkakapatid na ito. Nanay ko at ang kanyang 2 sisters ang aking tinutukoy. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagkukuwentuhan, nalalaman ko ang mga kaganapan sa aming kapitbahayan.
Medyo nakikinig-kinig ako sa kanila. Ang tsismosa ko rin, e, noh. Mayamaya’y tinawag nila ako.
“Oy, ikaw, makipag-chat ka nga sa Kano. Tamo yung anak ng kakilala namin. May ka-chat daw na Amer’kano. Pinadalhan daw ng laptop tsaka 3 cell phone! Pinapadalhan pa ng dollars! Ang swerte!” kinikilig na sabi ng isa kong tiya.
(Wow. Putik. Laptop! E pangarap ko yun. Tapos, cell phone, at tatlo pa!) “Weh? Di nga? Ilang taon na po yung babae?” tanong ko.
“Nakita ko ‘yong babae. Bata pa, mukhang mas bata pa nga sa ‘yo. Pero ang ngetpa. Mas maganda ka pa nga, e,” wika ng mahal kong ina. (Basta talaga sa nanay, laging maganda ang kanyang anak. Jeje.)
“E yung Kano?” muli kong usisa.
“40+ ‘ata yung Kano,” sabi ng isang tita. (Huh? Teenager yung babae tapos kwarenta na yung lalake?!)
“Sige na, uy. Maganda ka pa nga dun, e. Baka makakita ka ng binata pa. Papadalhan ka ng laptop!” ungot nila. (Oooh, alam nilang gustung-gusto ko ng laptop. Sinusulsulan nila ako…)
(Pero, ayaw ko.) “Eeehh…” ang tanggi ko sa kanila. (Ang totoo niyan, ayoko talaga. May sumagi na naman sa isipan ko na siyang ititipa ko matapos ang dayalogo o usapang ito.)
“Eto naman! Kaibigan lang. Malay mo…” At kung anu-ano na ang kanilang mga pinagpantasyahan…
….. *isang malalim na buntonghininga*
Malimit nila akong ungutan tungkol sa bagay na ito. Hindi ko sila masisisi. Nagpapakapraktikal lang sila. Hindi naman kami ganoon kayaman at nag-aasam lamang sila na makatikim man lang ng kahit kaunting yaman at ginhawa sa buhay. At ako ang napagtripan nila. Inaasahan nilang ako ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan sakaling makabingwit ako ng Kano. Grabe, pinatapos nila ako ng kolehiyo tapos ito lang ang gusto nilang mangyari sa akin — ang makapag-asawa ng foreigner.
Masakit mang isipin, ngunit ganito ang kalakaran ngayon sa nililiyag kong bayan. Karaniwang katulong o DH o tindera ng among Koreano/Tsino ang babae sa lipunang Pilipino. Kung may itsura naman, nagpapaseksi siya, kinakalakal ang katawan, o kaya nama’y nakikipag-flirt sa mayamang Pilipino o sa foreigner kahit pa nga matanda na iyon. Ang mga ito ang karaniwang ginagawa ng Pilipina sa ating lipunan. Ang mga ito ang kanyang mga paraan para maiahon ang kanyang pamilya mula sa kinasasadlakang kahirapan.
O, Pinay, kung hindi ka katulong o tindera, ika’y isang dancer sa club o cover girl sa magasin o kaya nama’y tanghaling tanghaling-tapat ay nakahantad ang iyong boobs at panty habang naghe-hephep-hooray sa isang noontime show.
Bakit ba naging ganito ang imahe ng babae sa kasalukuyan? Balewala ang dunong, ang talino, ang sipag, ang hinhin, ang kabutihan ng babae. Ang tinitingnan sa kanya ay ang seksing hubog ng katawan, ang straight na straight na buhok, ang mapuputing hita at binti, ang malulusog na suso, ang mapuputing kilikili. Halos lahat ng nakikita kong programa at commercials para sa babae sa TV, wala nang inatupag kundi ang pagpapapayat, ang pagpapaputi ng kutis, ang pag-aayos ng buhok, ang pagpapaganda, ang pagpapaseksi. Kung medyo maitim man ang kilikili mo o kaya’y may tagyawat ka o may bilbil ka – kasumpa-sumpa ka, kadiri ka, ang kapal ng mukha mo, ipako ka sa krus! Para bang iyon ang ipinapamukha nila sa iyo. May pimple ka lang o kaya’y di maputi ang siko mo – iyon lang ang sukatan nila ng pagkatao mo. Kung ganoon ka’y walang papansin sa iyo at wala kang lugar sa mundong ito…
Putik ‘yan….
Minsan, nakikipag-chat ako sa yahoo. Pero taena, bad trip, puro magandang itsura at sex lang ang habol ng mga tao. Saglit lang, sign-out na agad ako. Anong kababawan at kaimoralan ang naghahari sa daigdig!… Hmmm, palibhasa, burges ako, “nagpapakaintelektwal” ako, kaya “minamata” ko ang mga tao. Pero sakaling magutom ako, baka flirting din o pangangatulong ang bagsak ko. Ah, nagdurugo ang puso at isip ko sa ginagawa sa tao ng capitalist, consumerist, materialistic na kalakaran sa mundong ito…
Previous Comments
haha… “… ipako sa krus!” nice, natuwa naman ako dun. nakakainis ang mga babaeng malalandi, kahit hindi malandi nagmumukang malndi dahil sa bihis nila. Kataka-taka ba kung laging may isyu ng rape sa Pinas. Halos araw-araw nalang sa pagbabasa ko ng dyaryo di yan nawawala. Imbis na namamahinga ang mga utak (iba ang tinutukoy ko) ng mga kalalakihan, ginigising nila.
Posted by yalem at September 6, 2010, 11:39 amhas to pass through to the generation of a living fishing Yang three months, on such a special “short-distance transport water” is not uncommon, that the fishermen are so close to the raft from
Posted by UGGs Outlet at July 23, 2011, 4:56 pmSo much interesting contents here! You can go to see Eh bien, je vous remercie pour le partage
Posted by Ugg Outlet at October 19, 2011, 2:18 pmVery useful articles. I and my friend to do some research. I am very glad to see such information, I find the very long period of time, was finally I found, thank you.
Posted by 传奇私服 at October 27, 2011, 11:19 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:04 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:41 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
Lately I came to your website and have been reading along. I thought I would leave my initial comment. Keep writing, because your posts are impressive!
Posted by Houston Home Security at December 27, 2011, 3:53 pm


Hi, I came across your blog while looking for online articles for my report in my History class. :p Gusto ko lang sabihin na naaliw ako sa post mo na ‘to.
Mahusay at klaro ang pagkakalahad mo ng iyong mga saloobin. 
Posted by Lean at August 22, 2010, 2:57 amTama ka, nakakalungkot nga talaga na mas binibigyang-pansin sa ating lipunan ngayon ang panlabas na kaanyuan ng mga babae. Sa tuwing pumupunta ako sa mall, madalas akong makakita ng mga dalagang naglalakad na parang nakapambahay lang sa iksi ng shorts at sa nipis ng tela ng kanilang pang-itaas na damit. Nakakalokang isipin! Haha. Tapos parang gustung-gusto pa nila kapag tinititigan sila ng mga nakakasalubong nilang mga lalaki.
Minsan, gusto ko silang pagsabihan pero wala ako sa posisyon para gawin iyon dahil hindi ko naman sila kilala. Nag-aalala lang ako na baka mabastos sila o mahusgahan nang hindi tama dahil lang sa kanilang pananamit. Nais ko pa ring isipin na tayong mga Pilipina ay hindi lamang mga makikinis na katawan, sapagkat may utak tayo at mas mabuti kung iyon ang gagamitin natin upang maipakilala natin kung sino ba talaga tayo.