fasting…
April 26, 2010
Ang tindi ng sakit ng sikmura ko kagabi. Namilipit ako sa sakit. Tapos, di ko napigilang sumuka. Nagkalat pa nga ako sa kusina kasi di ako umabot sa banyo. Tatlong beses akong sumuka. Lahat ng kinain ko noong agahan at tanghalian, aking isinuka.
Iyon, iyon ang napala ko sa hindi ko pagkain noong mga nakaraang araw. Di ako kumain ng 1-2 meals kada araw. Taena kasi, gusto kong sumeksi. Para akong si Choji (yung matabang character sa Naruto) na kapag nasabihan ng “mataba” ay nagagalit, nagwawala. Bad trip na bad trip ako kapag nakokomentuhan akong mataba. Kainis. Kaya ganoon na lang kasidhi ang pagnanasa kong pumayat – nag-skip talaga ako ng meals. Tiniis ko ang aking tiyan. Nagpalipas ako ng gutom nang mga ilang araw. Pero hindi ko kinaya. Nakakaiyak ang sakit. Nakahiga man o nakaupo lalo na kung nakatayo, ang sakit ng tiyan ko. Ayoko na, hindi na ako magpapagutom ulit.
Ganito na yata talaga ang katawan ko. Chubby. Malaman. As what they call it, “mataba.” Kahit na magpagutom ako at madalas nag-eexercise, walang nangyayari. Ito na ang genes ko. Ito na ang tadhana ko. Ito ang ibinigay sa akin ni Lord. Wala akong magagawa kundi tanggapin toh.
Hehe. Naalala ko ang “The Unbearable Heaviness of My Being” ni Roselle Pineda na diniskas noon sa isang socio class ko. Sabi ko noon sa reflection paper ko, di ako pakakahon, patatali, paaalipin sa idinidikta ng lipunan. Pero kasi, ang hirap, ang hirap kumalas, kumawala. Lalo’t hayan na, hayan na naman, ang mapanghusgang mga mata ng mga tao… D: Kainis…
Previous Comments
Awts. Bb. Aninipot. Bakit may salitang "mataba"? Gggrrrrr. TT Juk, jeje.
Posted by xdalisayx at April 27, 2010, 9:05 pmMali naman kasi yong ginawa mo, aba parang pagkakamatay naman yata ang fasting mo.
Disiplina lang ‘yan.
Balanseng pagkain ng sapat lamang hindi over,sobra, ampapaw at ilang kalderong mga pagkain..ganun.
Paano nga ba? Ahahaha
Posted by J.Kulisap at April 28, 2010, 10:35 amBakit ba kasi ang sarap kumain, G. J.Kul? >.<
Posted by xdalisayx at April 29, 2010, 5:12 amProblema ko din ito eh.
Ang hirap pigilan ng bunganga kapag sinusubuan na. Ayaw tumikom
Posted by J. Kulisap at April 30, 2010, 3:57 pmAccording to my investigation, thousands of persons all over the world get the loan at well known banks. So, there is a good possibility to find a sba loan in all countries.
Posted by SheilaValentine26 at May 12, 2010, 4:37 pmonly slowly turn directions to the ship crossed out. Momo Yang raft do not know that the ship
Posted by UGGs Clearance at July 23, 2011, 4:54 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 4:55 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:36 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.



naku dalisay.mas mabuti ang mataba kaysa may sakit…kasi ako may hyperacidity..di naman ako nagpapalipas ng gutom kaso stress…ayon…basta…pabayaan mo sila, di naman sila ang magsasuffer if maospital ka.
Posted by aninipot at April 27, 2010, 9:32 am