fasting…
April 26, 2010
Ang tindi ng sakit ng sikmura ko kagabi. Namilipit ako sa sakit. Tapos, di ko napigilang sumuka. Nagkalat pa nga ako sa kusina kasi di ako umabot sa banyo. Tatlong beses akong sumuka. Lahat ng kinain ko noong agahan at tanghalian, aking isinuka.
Iyon, iyon ang napala ko sa hindi ko pagkain noong mga nakaraang araw. Di ako kumain ng 1-2 meals kada araw. Taena kasi, gusto kong sumeksi. Para akong si Choji (yung matabang character sa Naruto) na kapag nasabihan ng “mataba” ay nagagalit, nagwawala. Bad trip na bad trip ako kapag nakokomentuhan akong mataba. Kainis. Kaya ganoon na lang kasidhi ang pagnanasa kong pumayat – nag-skip talaga ako ng meals. Tiniis ko ang aking tiyan. Nagpalipas ako ng gutom nang mga ilang araw. Pero hindi ko kinaya. Nakakaiyak ang sakit. Nakahiga man o nakaupo lalo na kung nakatayo, ang sakit ng tiyan ko. Ayoko na, hindi na ako magpapagutom ulit.
Ganito na yata talaga ang katawan ko. Chubby. Malaman. As what they call it, “mataba.” Kahit na magpagutom ako at madalas nag-eexercise, walang nangyayari. Ito na ang genes ko. Ito na ang tadhana ko. Ito ang ibinigay sa akin ni Lord. Wala akong magagawa kundi tanggapin toh.
Hehe. Naalala ko ang “The Unbearable Heaviness of My Being” ni Roselle Pineda na diniskas noon sa isang socio class ko. Sabi ko noon sa reflection paper ko, di ako pakakahon, patatali, paaalipin sa idinidikta ng lipunan. Pero kasi, ang hirap, ang hirap kumalas, kumawala. Lalo’t hayan na, hayan na naman, ang mapanghusgang mga mata ng mga tao… D: Kainis…


