lumang litrato…
February 2, 2010
Habang nag-aalikabok, nagpupunas, nagbubuklat, nagsasalansan ng mga bagay-bagay sa mga ‘baul’ kanina, napadaan ako sa mga lumang litratong iyon… mga litrato noong ako’y sanggol, musmos na bata, hanggang sa ako’y lumaki’t nakaabot ng hayskul (mga litratong produkto ng Kodak, wala pa o di pa uso ang digi cam noon)…
Kay raming mga alaala ang bumalik. Ang kyut ko pala noon? Ako ba ‘to? Wah! Hahaha. Ay, bakit ako nakasimangot dito? Parang ang laki ng galit ko sa mundo dito, a… Dito naman, todo tawa. Saan ‘to? Nagpunta pala ako do’n? Sino ‘yon? Ah, si ano… Sina ano, o… Hehehe… Kelan ‘to? Ah, Oo nga pala…
Napakahiwaga ng mga piraso ng karton na iyon. Inaliw ako. Nagpinta ng ngiti sa labi ko. Kiniliti ako’t pinahalakhak. Gayundin ay makailang-ulit na kinurot ang aking puso, pinagsisi, pinanghinayang, pinaagos ang luha sa mga mata ko…
Mga taong nakilala, dumaan sa buhay ko. Ngayo’y malayo na, nagbago na, ibang-iba na, maaari ring nakalimot na, ang iba’y wala na…
Ang aking kabataan, kamusmusan, mga panahong lumipas na, hindi na maaaring maulit pa…
Pero alam ko, sa mga sandaling yaon — ako iyon, ako’y naroroon, kapiling sila. Kahit ilang segundo lamang, alam kong magkasama kami, nagkasama kami, sa sandaling kislap ng liwanag na iyon, sa mahiwagang mga piraso ng karton na iyon, sa mga lumang litratong iyon…
Previous Comments
Hindi na kaya pang magbalik sa nakaraan. Alaala na lamang ang tanging nagdudugtong upang ang isang papalit na dahon ng buhay ay magpatuloy.
Umusad, mangarap, kumuha ulit ng bagong anggulo at ikulong sa larawan.
Mga larawang magpapaalala ng isang buhay.
Buhay na dapat sinusulit habang may hininga pa.
Kamusta na aking prinsesa?
Posted by J.Kulisap at February 2, 2010, 3:43 pmang sarap magreminisce noh? kaso minsan nakakalungkot kase kahit anong gawin natin di na maibabalik lahat ng yun… lahat ay magsisilbing alaala na lang… kaya dapat ineenjoy mo ang bawat oras ng buhay mo.
Anjong, J. Kulisap, Joyo… Salamat po sa inyong mga sinabi… Awts… Mga alaala na lamang sila. Kailangan lang talagang enjoyin ang bawat sandali. Sapagkat pag lumipas na yan, lumipas na yan. Di na magbabalik…
Napakabilis ng panahon. Parang speed of light!!! Ambilis!!! Ambilis!!! February na o… Di man lang ako nakapaglagay ng paskil para sa enero…
Na-miss ko ang sayt ko at ang makipag-usap sa ibang tao. Kaya nagbabalik ako sa blogosperyo. Gracias po sa mga komento.
Posted by xdalisayx at February 2, 2010, 7:59 pmwow! ngayon lang pala ako nakadalaw…. backread tuloy…
minsan may pagkakataong gusto nating balikan ang nakaraan para maramdaman ulit yong saya at lungkot…pero mas masaya paring gumawa ng bagong karanasan, yong may agam-agam kasi alam mo, lumalaban ka at may gustong puntahan at matagpuan.
Posted by aninipot at February 9, 2010, 9:09 amAni: Naks, may pa-agam-agam pa kayo. Ehehe. Salamat at nadadalaw kayo rito at nagkokoment.
Posted by xdalisayx at February 13, 2010, 6:04 amang ganda.. >.
Posted by nicole at July 4, 2010, 12:54 pmSonriendo ante la vida, usted se sentirá mundo realmente buena!
Posted by cheap lv bags at December 13, 2010, 3:52 pmThanks for the sharing of those article! That will be helpful.*
Posted by coach bags at December 16, 2010, 9:12 amVer good site! I am loving it!! Will come back again - taking your feeds also. Thanks.
Posted by moncler online at November 10, 2011, 10:47 amHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:00 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:40 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
That they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:29 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:44 pmYou are great! But I still did good! Hey!
Posted by Microsoft Office 2007 at March 16, 2012, 8:53 am


At sa mga panahong iyon na masarap gunitain… May aral kang natutunan. Ang pakikisalamuha at pakikibagay sa kapwa at sa mundo iyo nuong ginagalawan.
Huwag ka ng mag-sisi, bagkus magsaya ka kahit na may mga luhang hatid ang mga larawan.
Musmos ka nuon, dalisay ang pag-asam sa hinaharap… Maaari pa rin naman na maging musmos at dalisay ang iyong mga susunod na hakbang sa buhay.
Ako… Mga pirasong karton ang tanging pinagbabalingan ko ng lungkot at muling sinasariwa ang ngiting nagdaan.
Gayunpaman, huwag tayong makulong sa nakaraan.
Magandang araw Bb. Dalisay!
Posted by Anjong at February 2, 2010, 6:50 am