ah, salamat…
December 1, 2009
Tanggap na ni ermats na hindi ako makakapagpasa ng paper ko ngayong Disyembre. Thus, di ko makukumpleto ang grades ko, di ako makakapagpasa ng true copy of grades, at therefore, di na ako makakatanggap ng pera sa iskolarsyip ko. Kasi, ang hirap naman, pressured na pressured na ako, stressed na stressed na sa paper na iyon, as in PIGANG-PIGA na… Tapos, upset pa ako sa nangyari roon sa Maguindanao. Isasama ko pa kaya ‘to dun sa papel?… Ah, gusto ko, dapat kong bonggahan ang paper na ‘yon dahil ang prof ay matalino, magaling, tsaka, multi-awarded author yun, e. Nahihiya akong magpasa ng basta-basta at minadaling fafer…
Magaan na ang loob ko ngayon… Ah… Salamat… Di na nagtatampo sa ‘kin si Nanay. Basta’t gawin ko na lang daw kung ano ang makakaya ko…
Ah… Salamat… Nakaraos din sa mga kalituhan, kabalbalan, kagaguhan, kahangalan, kahungkagan nitong mga nakaraang araw (dala nga ng stress)… Napakalaking tulong sa akin nung kantang “God Gave Me You” ni Bryan White. Narinig ko lang sa radyo, nakyutan ako, kaya’t heto, dinownload ko na at paulit-ulit na pinakikinggan at kinakanta-kanta. Nakaka-inspire… Actually, yung “God” sa kantang iyon ang talagang pumukaw sa akin…
Matagal, napakatagal na panahon ding hindi ko Siya inisip. Kinuwestyon ko Siya, pinagdudahan, inuyam, di pinansin, kinalimutan… Wala namang Diyos, e! Kung totoo Ka, magparamdam Ka nga! Wala Ka naman, e. Pinaglalaruan mo lang kaming mga tao…. Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng isang kanta, nagbalik ako sa Kanya. Hehehe…
Sige na nga, maniniwala na akong may God. Sige na, bilib na ‘ko sa ‘Yo… Wala namang mawawala kung maniwala ako. Nakagagaan pa nga ng loob, nakaka-inspire, nagbibigay ng purpose at meaning sa buhay yung may pinaniniwalaan ka… Mabuti na ito kesa naman yung walang pinaniniwalaan….


