ang lameeeg…
December 23, 2009
Putek, ang tindi ng lameeeg… Sarado na’ng mga bintana at pinto, nakatalukbong na ako ng kumot, wala nang electric fan, grabe pa rin ang ginaw. Madaling araw, mga oras ng simbang gabi, nagigising ako sa lamig. Paano na kaya kung may snow sa Pilipinas? Yan tuloy, tinamaan na ako ng sipon. Kainis, tulu nang tulo…
May pumuntang pres-vp na tandem kahapon sa Albay para mamigay ng tulong. Ani nung presidentiable, “Di namin sila sinasabihang iboto kami, a. Wala kaming streamers.” Wehhh. E yung mere presence niyo, ano ang ibig sabihin niyan? Kainis talaga ang mga papampam na kandidatong iyan.
Pero, bad trip, nangunguna pa rin sila sa mga sOrbey. Aaah. Ganyan talaga sa bayan ko, ang mga pasikat ang nananalo…
Tas, may ginahasa raw na 2 dalagita. 13 at 14 años, magsisimbang gabi lang sana, pero napagtripan, biglang tinangay at nireyp ng isang Kano… Mga ‘neng, si Uncle Sam, mabait ‘yan. Oki lang ‘yon. Natuwa lang siya sa inyo. Tingnan niyo si Nicole at si Smith, ok na sila ngayon. Di ba? Eto ang pera, senyo na — kapalit ng pagkawasak ng inyong puri at karangalan at kawalang-malay sa buhay…
Ayan, tumulo na naman ang sipon ko…
Siya, pinagpoplorwaks pa ‘ko ni ermats. Kelangang maglinis. 2 days to go na lang, marami na namang bibisita…
Lameeeg talaga… XD
Previous Comments
Sino pa? E di yung gumagamit ng mga magulang na bayani at ng asawang sikat na broadcaster para sa kanilang popularidad… hehe.
Si Gibo?! Wahaha. Bahala kayo, G. Taga-Bundok. Oks naman siya sumagot sa mga interbyu at forum. Si GMA lang naman panira sa kanya… Yung mga dalaginding, ambot, iniiba pa nga ung istorya nung Kano… Tayo pang mga Noypi, nangangatog tau pag dayuhan na ang pinag-uusapan… tsk.
Oks na sana ung plorwaks. Dumating utol ko, ayan, ang dumi na naman ng bahay. Kainis talaga mga lalake, dugyot… tsk. hehe.
Salamat po sa pagdaan.
Posted by xdalisayx at December 23, 2009, 2:33 pm*singhot
aaahhh, si banlag! Hehe..
Maligayang pasko dalisay! =p
Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:08 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:49 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
You are great! But I still did good! Hey!
Posted by Microsoft Office 2007 at March 16, 2012, 8:56 am


aw, sino naman kandidato yun?!
pangangampaya na nga yun eh… hay, pakitang-ewan lang. wala ata akong maiboboto sa kanila…
…si Gibo siguro.
anyway my way… wala lang. pauso. ako rin me sipon at uhog. yak! haha… napadaan lang sa kuta mo bago ako matulog.
kawawang mga dalaginding… sana’y mabigyang katarungan ang kanilang sinapit.
o siya, logtu na si ako. pakintabin ang sahig at bunutan ng maige ha ng maging makintad at puwedeng panalaminan. hehe… zzzzzzzzz…
Posted by taga-bundok at December 23, 2009, 10:07 am