grad pix
December 21, 2009
X_X
Ganyan ang ekspresyon ng mukha ko nang makita ko ang aking grad pix o graduation pictures (na kakakita ko lang ngayon. Pinadala thru email). Umekis ang mga mata.
Taena. Ilang ulit na “TAENANG ‘YAN” ang bumulalas sa aking bibig. Tapos tinatambalan ko na lang ng tawa para di masyadong masama sa pandinig. T_T
Bad trip. Kaya nga ba’t ayaw na ayaw ko ng pictures. Kasi alam ko na ang kalalabasan — dehins maganda. Kyut lang naman ako sa pix nung bata ako. Nung tumanda, nung magdalaga, ambot kung ano ang nangyari. Tsk.
Ang panget ko kapag ngumingiti. Kainis yung ilang pix na pinilit akong ngumiti ng camerawoman, yan tuloy, mukhang ewan.
Aahh. Nikakabahan ako. Pagrad pic grad pic ako, gagradweyt ba?… Sana, sana, isang malaking SANA…
X_X
Previous Comments
Maarte si Dalisay.May kaartehan si Dalisay. Maarte si Dalisay. May kaartehan si Dalisay, ipapasagasa ko na talaga sa tren.
Bago mo tanggapin ang ibang tao sa paligid mo, matutunan mo munang tanggapin ang sarili mo.
Aral sa akin ang binitiwan kong salita Katrina.
Dati ni ayaw kong humarap sa lente ng kamera lalo na pagtuntong ko sa Menela, aba naman wala akong elibs sa sarili ko, duwag ako at iniisip kong hindi ako magandang nilalang.
Pero sino pa ang tutulong sa akin na maging ako kungdi ako rin.
Ngayon, marami na akong larawan, mga larawang nagkukwento ng makukulay na tagpo sa aking buhay.
Posted by J.Kulisap at December 21, 2009, 6:04 pmPektyur! Pektyur!
Nakagigiliw pagmasdan, mga ekis sa mata’y kumikinang. Ngiting aso’y pilit kinuhanan, sa lente mukha lang timang.
Ngunit kung iyong susuriin, tunay na ganda’y nariyan.
Dalisay iyong damhin, sa puso’t kalulwa’y nanahan.
Mamamasko po! Hohoho!
lagay na dito ang grad pix hehehe
Congratulations and merry Christmas…
Bb. Aninipot: Wow, bukod sa pagtatrabaho'y nag-aaral din kayo? Ang sipag, a. Geh, good luck po!
G. J Kulisap: Opo, maarte ako. Tara, ang dapat talaga sa nilalang na ito ay ipasagasa sa tren. Wahaha.
G. Taga-Bundok: Naghohohoho kayo. Kayo ho ba si Santa? Nice po ako, regalo ko? Hehe.
G. Taribong: Salamat po sa pagdaan at mga pagbati. Ilalagay ang pix? X_X Wag na, baka masira itong blog ko. Hehe.
Posted by xdalisayx at December 22, 2009, 3:18 pmMaligayang Pasko, Dalisay.
Pansamantalang mamamahinga si J.Kulisap.
Alagaan ang mga sarili.
Posted by J.Kulisap at December 22, 2009, 5:15 pmoo ilagay ang larawan! At ikaw yan eh, bakit may duda sa sarili, hmp!
Posted by yiN at December 24, 2009, 1:17 pmFangetz nga, G. Yin. Eekis lamang ang mata ng mga pipol pag nakita. Mahirap nang mapahiya T_T heheheTsaka, ikinukubli ko talaga identity ko, mahirap na, sa kung anu-ano ba namang kaekekang pinagpopopost ko e. hehehe.
Posted by xdalisayx at December 24, 2009, 8:13 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:11 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:57 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
You are great! But I still did good! Hey!
Posted by Microsoft Office 2007 at March 16, 2012, 8:56 am


hehe…ako din halos di magpapicture kasi di ko pa tapos ang thesis ko during schedule para sa yearbook…napilitan lang ako kasi lahat nagpapapiktyur na…hehe
pero in fairness…ok naman ang labas..hehe
Posted by aninipot at December 21, 2009, 3:43 pm