manhid… o duwag?
December 19, 2009
Maraming ulit na akong iniwan, nilimot, sinaktan…
Dahil doon, ako’y isa nang manhid. Pinatigas na ng mga kabiguang makailang-ulit na ako’y labis na pinagdusa. Hindi na puso, kundi isang bato na ang nilalaman ng kaliwang bahagi niring dibdib na ito.
Noo’y madaling mahulog ang aking loob…
Datapuwat ngayon, manhid na… Wala nang nararamdaman… Ayaw ko na… Ayaw ko nang mapalapit pa sa kung sinuman…
Ngunit…
Manhid… Manhid…
Manhid nga bang talaga?
Malayo ako sa mga tao. Walang taong malapit sa akin. Dahil nga ba sa ako’y manhid? O, o… isang duwag? Marahil, ako’y hindi, hindi talaga malayo at manhid sa kanila… Sa halip ay dumidistansya lamang, sapagkat, nangangambang baka muling masawi. Natatakot na maunsyaming muli ang pusong sawimpalad…
Ah… Kung bakit ba kasi nanghahalina ka?
Lumapit ka… At nagkalapit-loob tayo… Pagkatapos, ika’y lilisan lamang pala! Pinaasa mo ako, iniwan, nilimot, lubha mo akong sinaktan. Kay lupit…
Ah…
Ibig kong maging manhid… Kailangan kong maging manhid.
Sapagkat hindi ko na makakayanan pa ang ibayong mga sakit, na idudulot ng muli pang pagkahulog ng loob. Pagkahulog ng loob na hindi ko batid — sa bandang huli pala ay bibiguin lamang ako ulit…
Um, ano na naman bang ek-ek ito?
…
Previous Comments
uhmmm okay lang mainlab ulit… normal yan… wak kang matakot, hindi lahat sad ang ending…
i’ve been there
Hehe… Kalokohan lang po iyan. Nag-i-emo-emohan lamang.
Salamat mga binibini, kayo’y napapadalaw sa abang blog na ito at nag-iiwan ng komento.
hmmm… emo-emohan nga ba?…ang alam ko nakakapagsulat lang tayo ng ganyan pag may pinanghuhugutan?
Posted by aninipot at December 21, 2009, 8:22 amHehehe. Nasapul niyo ako, Bb. Aninipot. Awts.
Susuko ka pa kung kailan naramdaman mo na ang pagkamanhid.
Hindi ‘yon totoo, nagsisinungaling ka lamang.
Pansamantala mo lamang iniiwan ang pagtibok ng puso kung kanino mang swerteng nilalang na ‘yon.
Akalain mo ‘yon, umiibig ang aking prinsesa.
Posted by J.Kulisap at December 21, 2009, 2:27 pmAray, nasapol niyo rin ako G. Kulisap. Hehe.
Posted by xdalisayx at December 21, 2009, 2:39 pmBabae ba yan ate? Hehe. Kasiii!
Posted by yiN at December 24, 2009, 1:13 pm?? Sinong babae ang tinutukoy mo kuya? :O
Posted by xdalisayx at December 24, 2009, 7:58 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:08 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:48 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
You are great! But I still did good! Hey!
Posted by Microsoft Office 2007 at March 16, 2012, 8:57 am


‘Di yata’t ikaw ang inlab?:D
Posted by katipunera at December 19, 2009, 9:23 pm