krismas na…
December 14, 2009
Wala nang mga klase ngayong linggo… Vacation, Christmas mode na ang madlang pipol…
Mga kumukutitap, nagkikislapang parol, lights, Xmas trees… Parties… Sayawan, kantahan, inuman… Simbang Gabi… Mga regalo… Wooh, pera… Tataba na naman sa masasarap na pagkaing tuwing Pasko lang naaamoy at nasasayad sa dila… Reunion ng pamilya… Mga kaibigan…
Masaya, napakasaya ng Pasko dahil sa mga iyan… Sa sobrang saya, nakalimutan na ang tunay na dahilan ng pagdiriwang…
Habang nagpapakabusog sa Noche Buena
Habang nagsasaya sa mga regalo at pera
Alalahanin natin
Ang mga namamalimos sa lansangan
Ang mga nilindol, binaha, nasunugan
Ang mga walang makain at walang tahanan
Huwag nating kaligtaan
Na sa labas ng ating mga bahay
Merong ninanakawan
Merong ginugulpi
Merong nirereyp
Merong binobomba
Merong pinapatay…
Di ko mawari kung paanong
nasisikmura ng mga Kristiyano
ang kumain ng masarap
Gayong napakarami
ang nagdurusa sa hirap?
Malaking bahagi ng populasyon ng mundo
ay mga Kristiyano, nagdiriwang ng Pasko
Mga Pilipino ang tanging mga Katolikong Asyano;
Ating ipinagmamalaki, mahal natin ang Diyos
Mahal natin si Jesus
Ating Panginoon
Ating si Bro!
Haha…
Kaya pala
Kaya pala…
“Mahal namin si Jesus!”
Ang mundo’y balot ng karimlan
“Purihin ang Panginoon!”
Naghahari ang kasamaan
“Shout for joy! Rejoice! Sing His praises! Glory to God! Sambahin ang Banal Niyang Pangalan!”
Maraming nanghoholdap, nagdodroga, kumikidnap, nagpuputa, nang-aalipin, nangugurakot, nananamantala, pumapaslang
Kay raming naguguluhan, naghihirap, namimighati, napopoot, nasasaktan…
Sa pagdiriwang natin
Ng Paskong darating
Wala sa pakiwaring simba, dasal,
selebrasyon, kanta, sayaw
Ang pananampalataya kay Jesus na dakila
Kundi, nasa pagsasakatuparan at pagsasabuhay
Ng mga turo Niya at hiyas na aral
Sa pamamagitan
Ng mabubuting gawa
At pagtulong sa kapwa.
Kaya bago mo isubo
Ang salad at menudo
Isipin mo
May minasaker
May tinaboy na namang mga kapuspalad
Patuloy sa pagnanakaw ang gobyerno mo
Walang makain ang batang
Nangangaroling, nagrarugby,
Namamalimos sa iyo…
P. S.
“Ano iyang Christmas lights na iyan,
Magagarang Belen,
Nag-uumapaw na pagkain sa hapag?
Gayong pinaghaharian ni Satanas
Ang inyong daigdig?
Mga mapagpaimbabaw!”
- Jesus (sa magulong mundong ito, tiyak na ito ang sey ni Bro)
Tsk. Napakaironiko — napakagulo, napakasalimuot ng mundo, gayong ang majority ay mga Kristiyano… Ano ngayon iyang relihiyon niyo?!
Previous Comments
Astig. Namamangha ako, talagang naging Katipunera ka na, rstlne. Salamat sa pagdalaw.
Dalisay, imulat mo ako sa iyong Pasko.
Bale baga’y matanda na itong si J.Kulisap subalit musmos sa kalakaran.
Kapag hinigop ng kasiyahang kaniyang nililingap, ito na ang kahulugan ng selebrasyon.
Isulat mo sa blangkong espasyo ang iyong pahayag, punuin mo ang kayumangging damdamin nating mga Pilipino.
Kasali ka, hindi ka tagamasid sa aking paligsahan.
Posted by J.Kulisap at December 15, 2009, 2:20 pmOpo, Kuya Kulisap. Heto’t kina-copy paste ko na, o. hehehe.
Posted by xdalisayx at December 15, 2009, 2:31 pmMatagal ng walang Pasko… Kailan ko ba huling naramdaman ito? Hindi ko na mahagilap sa aking ala-ala. Nakakaawa, nakakalungkot ang mga tagpo sa iyong sulatin. Ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko sa luob at labas ng pagiging Kristyano? Basta ang pagkakatanda ko walang pasok sa araw na ito.
Posted by taga-bundok at December 15, 2009, 11:00 pmHahaha, bakit ka naman namamangha? Onga pala, nabasa ko ang mga entry na kalahok sa pa-contest ni Ginoong J.Kulisap (naki-usyoso lamang), sa ngayon, panalo ka por mi! Hahaha:)
Posted by katipunera at December 15, 2009, 11:04 pmG. Tagabundok: Noong bata ako, ang Pasko ay nangangaluhugan ng pera, regalo, masasarap na pagkain, bakasyon…
Kapag pala tumatanda ka na, kapag namumulat ka na, pulos kasalimuotan na. Kay lupit… Tunay na kabalintunaan, kabalbalan, walang kabuluhan ang mga nangyayari. Wala nang diwa ng Pasko.
Madarama lamang natin ang tunay na diwa nito sa pagsaalang-alang sa mga kapuspalad, kahit sa munting mga paraan lamang. Imbes na mainis sa at mandedma ng mga nangangaroling at humihingi ng konting tulong, pagkalooban na natin ng anuman. Sa totoo lang kasi, gaya ng sabi ni Jesus, naroroon Siya sa mga kapatid nating aba…
Uy, Bb. Katipunera, wag kang makiusyoso lamang, lumahok ka rin.
Tiyak kong walang iisang panalo sa paligsahang iyan. Kasi, lahat ay panalo. Basta’t magbahagi lamang ng mga ideya at saloobin.
ang pasko ay berdei ni Bro, kung nalulungkot ka sa mga nangyayari mas lalo siya kasi parang wala nang nakakaaalala sa kaarawan niya… hindi ba dapat siya ang pinapasaya natin sa berdei niya? hindi ba dapat siya ang binibigyan natin ng regalo?
Posted by Joyo at December 17, 2009, 4:05 amMarami kasi tayong gawang di katanggap-tanggap.
Halimbawa ay eto:
Simbang Gabi sa madaling araw.
Banal na hapunan sa umaga.
Tirik kandila sa araw.
Handa pagkain para sa patay.
atbp.
Nadaan lang po.
Oo nga e, Ate Joyo, laki talaga ng problema ni Bro. Problema Niya tayong lahat. Sana, wag na natin dagdagan. Bumawi tayo sa Kanya.
Hehe. Baptism ng mga baby, gayong si Jesus, 30 anyos na ata nung magpabinyag ke St. John… Komunyon, kumpil, kasal, binyag, libing — lahat may bayad; habang si Jesus, nangaral, nagpagaling at gumawa pa ng iba’t ibang himala, nagpakain pa — libre… Dami talagang kabalbalan ng mga relihiyon (mga peke, di-sa-Diyos na relihiyon), kaya matauhan sana tayo.
Salamat po sa pagdaan, G. Ely Biado.
Wow, bakasyon na ba ineng?
Ang dami mong kakwentuhan ah.
Posted by J.Kulisap at December 17, 2009, 3:59 pmSyimpri naman, Kuya Kulisap, syimpri. Gaya ng sabi niyo, tanggalin ang inhibitions, sa pakikipagkapwa… Yan po ay resulta ng pagdalaw-dalaw ko sa ibang pook-sapot at pag-iiwan ng bakas. Hehe.
Posted by xdalisayx at December 17, 2009, 4:15 pm:) Tama nga naman, lahat dun ay panalo. Ngunit…napahanga mo talaga ako sa sinulat mong yan!:)) Wahaha.
Posted by katipunera at December 17, 2009, 7:04 pmMasaya kapag maraming nakapalibot hindi ba?
Masarap magmunimuni pero kapag may kausap kang iba, masarap makipagpalitan ng ideya.
Kailangan mo ito, lalo na at magiging guro ko. Kailangan mo ng karanasan, ng ibang kaalaman mula sa iba.
Salamat sa artikulo mo.
Posted by J.Kulisap at December 18, 2009, 4:25 pmThat they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:06 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:43 pmYou are great! But I still did good! Hey!
Posted by Microsoft Office 2007 at March 16, 2012, 8:58 amtainer with the price tag, or even obtain the price cut codddddddddddd
Posted by tn pas che at April 7, 2012, 9:46 am


Napakaganda at thought-provoking:)
Posted by katipunera at December 14, 2009, 2:28 pm