• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Post Item » panaginip…

panaginip…

December 4, 2009

 

Hindi ako makapaniwala… Hindi ako makapaniwala na napanaginipan ko siya kaninang umaga! Pagkamulat ko ng  talukap ng aking mga mata, siya agad ang unang laman ng  aking isip. Aba’t sa tinagal-tagal ng panahong walang buhay ang aking buhay, bigla niya akong dinalaw sa panaginip. Bahagyang sumigla at sumaya ang aking pusong malaon nang nababalot ng karimlan ng kapanglawan…

Hindi ko naman siya iniisip. Ni minsan ay hindi siya sumagi sa aking alaala (dahil sa mga suliranin sa buhay at pagiging abala sa pag-aaral). Kung kaya’t bakit bigla na lamang siyang sumulpot sa kamalayan ko nitong nakaraang magdamag habang ako’y natutulog nang mahimbing? Maipaliliwanag siguro ito ng mga sikoanalista — id, unconscious thoughts, unconscious desires…

Tapos, tapos… Nitong bago ako umuwi! Iyon naman pala… Pahiwatig ang panaginip na yaon. Akalain mo. Nakita ko siya! Palihim ngunit labis na nagalak ang aking puso. Noon, madalas na siya’y aking nakikita. Ngayon, bihirang-bihira nang magkrus ang aming mga landas (ewan, nagshift na ata, kasi namataan ko siya sa ibang kolehiyo). Kung kaya’t anong saya nang mabanaagan kong muli ang kanyang mukha, lalung-lalo na ang kay gaganda niyang malalalim na mata at ang kay tatamis niyang ngiti. Nalunod sa kaligayahan ang aking dibdib habang pinagmamasdan siya kanina, kahit sa ilang saglit man lamang.

Subalit… hindi niya ako pansin. Hanggang tanaw lamang ako. Hanggang mga sulyap lamang. Hindi niya alam, matagal ko na siyang pinagpapantasyahan. Malaon ko na siyang pinapangarap… Ah, ito ang masakit. Tunay na napakasakit. Kagyat na napapawi ang ligaya ko habang siya’y aking minamasdan, o maski kahit iniisip ko lang siya, oras na nagugunita kong hindi naman niya ako alintana…

Ang makita siya hindi man sa aktuwal bagkus ay maging sa pangarap lamang ay kapara ng pagsikat ng araw sa silangan na ang kahali-halinang tanawin ay kagalakan at katiwasayan ang dulot sa aking damdamin. Ngunit kapag sumagi na sa aking hindi naman pala niya ako pansin, kapag nararamdaman kong hindi niya ako gusto, kumukulimlim, sumasama ang kalangitang lumalambong sa aking daigdig. Kay lungkot na makita siyang ni hindi man lamang sumusulyap o nag-uukol ng kahit kaunting pagtingin sa direksyon ko tuwing ako’y napapalapit sa kanya. Anong saklap…

Pero… Ayos lang sa akin. Mapait, ngunit tanggap ko na…

Hindi mo man ako nakikita… Ni hindi mo man lamang nga alam na ako ay umiiral… Wala man ako ni katiting na pag-asang susuklian mo ang aking pagtingin… Oo, batid ko, ako’y nahihibang… Ngunit gayunman, sana, sana, kahit paano, kahit minsan, dalawin mong muli ako sa panaginip. Iyon lamang, anong ligaya na ang idudulot mo sa akin. Ah, anong laking pasasalamat ko…

 

Para kay X (hindi ko nalaman kailanman ang kanyang pangalan) na matagal na at kailanman ay hindi ko na nakita pang muli. Nitong nagdaang taon ko pa siya huling nasilayan. Sa kabila noo’y malinaw na malinaw pa rin sa akin ang kanyang magandang mukha. Hindi kailanman kumukupas ang larawan niya rito sa aking gunita…

 

(Eewww. So baduy… Ano na lang kaya ang sasabihin sa akin ng mga nakakakilala sa aking tunay na identidad kapag nabasa ang mga kabaduyang ipinaglalalagay ko rito sa aking blog?… Ehehehe…)

 

emo emohan pag ibig panitikan sakit sarili tao wika
Posted by xdalisayx at 8:42 pm | permalink

Previous Comments

uiiii, inlababo siya, hehehehe… ang panaginip kasi hindi lang sa araw na iyon eh, nasa mga deepest thoughts mo yun. =)

Posted by yiN at December 6, 2009, 10:29 pm

Hehehe… may interpretations na deepest, unconscious thoughts/desires ang panaginip…
Oo nga e, ‘inlababo.’ Pero, wala na yan, lumipas na yan. Isa na lamang matamis na alaala… ay sus…

Posted by xdalisayx at December 7, 2009, 6:23 pm

Ver good site! I am loving it!! Will come back again - taking your feeds also. Thanks.

Posted by moncler online at November 10, 2011, 10:47 am

Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.

Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:12 am

It’s good to see this information in your post!

Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:57 pm

This is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.

Posted by Coach Outlet Store Online at December 16, 2011, 3:53 pm

Add a comment








 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

December 2009
M T W T F S S
« Nov   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

topix

acads anime babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God identity isip kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panaginip panahon panitikan Pasko Pilipinas sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (10961)
  • mayaman at mahirap… (8928)
  • ang walong sinag… (6923)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5358)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3670)
  • pag-ibig… (3548)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2317)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2205)
  • huwag nating hayaan… (1278)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1158)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • baidu: baidu [url=http://www.baidu.c om]baidu[/url] [link=http://w ww.baidu.com]baidu[/link]...
  • Moncler Outlet: So surprise in your article!...
  • arcel: sa ngayon bigo ako sa...
  • 2012 UGG Boots: Just continue to write such...
  • cheap shoes china: have to share Coach Outlet...

uy, mesej ^_^

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

xdalisayx:

Pete, nag-email ako sa iyo. Pakibasa at pakitugon. Salamat. Jejeje. xdalisayx@yahoo.com

pete:

good day, i need to know ur full name coz i need to “quote” u for a project and it might be publish in our filipino book in USC. thank u.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino