• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Post Item » sana, maganda ang mapanaginipan ko…

sana, maganda ang mapanaginipan ko…

November 23, 2009

 

Nanalo raw si G. Efren Peñaflorida. Wow. Congratz! Nakakatuwa naman. Isa kang bayani. Na-inspire ako ng taong ‘yan. Kasi, siyempre, ka-field ko, eduk, so naka-relate talaga ako… Kaming mga kapwa mo guro ay sundan sana ang iyong magandang halimbawa…

Buti nanalo siya… siyempre… nakailang oras din ako nung isang araw sa harap ng kompyuter na ilang windows at ilang tabs ang nakabukas, wala akong ginawa kundi iboto siya. Sus! Hinde, malaking tulong lang talaga ang mga patalastas at pagbabalita sa kanya sa telebisyon, kaya siya ang nagwagi… Hehehe…

Hmmp… Kagaya lang din siya nina Pempengco at Pineda… Kung di pa kikilalanin ng ibang bansa ay di pa natin makikilala… Kung hindi kaya siya nanomina dun sa CNN, mababatid kaya nating mga Pilipino na, heto, meron pala tayong isang kababayang may ganitong dakilang paglilingkod sa mga kapuspalad?… Tiyak na di lang si Efren — marami pang iba diyan na may mga kabayanihang ginagawa, di lang natin alam… Ang bayani kasi nating ipinopromote ay yung mga OFWs… Haha, naalala ko lang ‘tong pagsusuri na ito ng isang prof ko —

Kayo, class, pabor ba kayo na tawaging bayani ang mga OFW?… Isipin nyo, ha… May isang prostitute. Sexual worker, o whatever, kung ano man ang itawag niyo — basta, isa siyang puta… Tapos, nagpunta ng Japan… E, di, isa na siyang OFW, as in, overseas Filipino worker, nagtatrabaho sa ibang bansa… Imagine, class, isang puta — bayani?! Wow! E, di, pupunta lang pala ako sa ibang bansa tapos sasayaw-sayaw lang ako — bayani na ako! Haha!

Oo nga naman! Haha… Pasensya na lang sa matamaan… Nagsa-satire lang prof ko… Nagbibiro lang… Hindi naman sa minamata namin ang mga mahihirap, ang mga kumakapit sa patalim na sa tindi ng hirap ay nagpuputa na, o nagpapakatulong, o kung anupamang “mabababang uri” ng mga trabaho… Alam namin ang kasalimuotan ng mga isyu na iyan ng lipunan… It’s just that — may magandang punto lang na inire-raise dun sa sinabi niyang yun yung prof ko… 

 

Ah…

 

VP daw ang tatakbuhan ni Chiz… Pa’no na yan?! Sino na ang iboboto kong presidente?!! O, hindeee…. Ayoko kay Noynoy, di ako bilib, ginagamit ang mga magulang. Siyempre, yung masaker pa sa hacienda nila.. Ayoko rin kay Villar! Ang yaman-yaman niyan! Walang taong tapat sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa na yumayaman! Walang tao na yayaman sa pagtulong sa mahihirap!… Lalo pa, kay Erap. Please naman. Nakulong, nahatulang guilty, na-impeach — di na nahiya sa mga tao…. At si Gibo, asa, men! Isa pa itong makapal ang mukha. Kahit anong gawin mo, di ka mananalo. Tsupi na kayo ng boss mo sa gobyerno. Wag nang magpumilit pa… At si BF! Isa ka pa! Naiinis na ako sa mga pink mong harang!  

 

Ah…

 

Bad trip talaga ang araw na ito… Nakakapagod… Kainis… Ilang beses akong nagpabalik-balik, wala naman pala yung taong hinahanap ko… Walang nangyari sa mga lakad ko… Ang hirap talaga nung pinapaasa ka…

 

Sana talaga, maganda ang mapanaginipan ko mamaya… Ang magandang panaginip na lamang ang tangi kong takas sa malupit na mundong ito… Please lang, Bro, bigyan Mo naman ako ng matamis na panaginip, para gumaan at masiyahan man lang ang loob ko, kahit sandali, kahit papaano…

 

acads bayan buhay career lipunan tao
Posted by xdalisayx at 8:07 pm | permalink

Previous Comments

Usapang OFW

Dalisay, ito naman ang ibabalik kong tanong sa iyong propesor. Alam kong nagbibiro siya sa kaniyang ginawang halimbawa pero hindi natin maikakailang may nangangalakal ng laman sa ibang bansa.

Kung sakaling magtagpo ang aming landas at sinagip ko siya sa kaniyang kamatayan, ano ngayon ang ituturing niya sa akin kung malaman niyang isa akong kriminal?

Hindi pinag-uusapan dito kung anong uri ng trabaho mayroon ang isang OFW. Kung sakaling pangangalakal o illegal na gawain man na kinukutya ng lipunan, kung ang OFW na ito ay itinatawid ang mga kumakalam na sikmura ng higit sa isa o isangdaang tao- maituturing ba siyang kalawang o bayani? Nasa taong humuhusga ba ang batayan ng pagturing?

Tayong tao madalas humusga sa pangkalahatang aspeto. Halimbawa, kapag tinanong mo kung saang bansa siya nagtatrabaho ang isang OFW at sinabi niyang sa Japan, sasabihin nating “ Ay, Japayuki ka? “. Maano bang, alamin muna natin ang maliit na detalye bago tayo humusga.

Usapang Pulitika.

Huwag mong hanapin ang pinunong perpekto, tatanda kang magtatanong at maghahanap na walang nangyari. Hanapin mo yong kahit papaano ay kayang panindigan ang kaniyang pagiging Pilipinong tunay. Yong kaniya niyang ipatupad ang batas at dumisiplina sa 90 milyones mahigit na Pilipino.

Huwag mong sayangin.

Posted by J.Kulisap at November 24, 2009, 4:38 pm

Usaping Robin Hood… The end justifies the means… hehe…
Kaya ko nga nabanggit ang "kasalimuotan ng mga isyu na iyan ng lipunan." Mahirap talaga ang usapin ng kabayanihan ng mga OFW.
Ang point ko lang naman ay — basta-basta kasi ang pagturing ng bayani sa mga OFW… Siyempre, di dapat ganun. Depende yan sa OFW. Kung, gaya nga ng nabanggit niyo, nagtatrabaho siya para makatulong sa isa o kung ilang tao - aba'y isa siyang dakilang tao, bayani siya… Pero, magpakatotoo tayo, ang karaniwang tao naman ay kadalasang sarili at pamilya lang ang tanging iniisip, e…. Marami ngayon, nag-aaral mag-nurse, nag-aaral ng SPED, o kung anuman ang in-demand sa abroad — para ano? Para makapangibang-bansa… Marami ang makapangibang-bansa ang pangarap, ang bukambibig… Ang sama pa niyan, isinusumpa pa ang Pilipinas…

Kayo na rin ang nagsabi, hindi dapat manghusga "sa pangkalahatang aspeto." Ibig sabihin, hindi dapat maglahat, di tama ang mag-generalize… E kasi sila (ang gobyerno), nilalahat nila ang mga OFWs — sila raw ang "mga makabagong bayani"… Ang nabanggit ko sa itaas na kwento nga ng prof ko ay isang analisis, isang puna lang sa gayong pakana ng gobyerno na ang mga OFWs ay mga bayani. Kung ang isang OFW, kahit na puta pa siya o katulong — sinisikmura niya ang kababaan ng kanyang trabaho, sinasakripisyo ang sarili, para sa kapwa, siya ay bayani para sa akin. Ngunit kung sarili lang naman ang iniisip (na sa tingin ko ay karaniwan; dahil kung marami sa mga Pilipino ay hindi makasarili/sakim, hindi maghihirap itong nililiyag nating bayan), hello, siya, bayani?

Bibihirang tao ang pwedeng maging bayani. Napakabihira. Sa mundong ito na balot ng pagdurusa at kapighatian, na ang mga tao'y lubhang makasalanan, corrupt, sakim, walang inisip kundi ang sariling kapakanan — bihira ang bayani…

Sa karanasan ko sa immediate environment ko (pamilya, iskul, dito sa lugar/komunidad namin) — tinitingala ang nangingibang-bayan… Ang manatili ka sa Pilipinas at magtiyaga sa trabaho at paglilingkod dito ay kanilang inuuyam…

Posted by xdalisayx at November 24, 2009, 11:25 pm

Kung direktang pag-uusapan ang salitang “makabagong bayani” ang OFW- ito ay katawagang pangkalahatan para sa mga taong ito pero kahit ang isang OFW kung alam niya sa sarili niyang hindi siya dakila o bayani-mangingimi rin naman siyang tawaging bayani, after all, ano ba ang prize na matawag kang makabagong bayani?

Parang katawagang “mag-aaral” tinatawag na mag-aaral dahil pumapasok sa eskwela, paano na kung hindi naman pala sa eskwela pumapasok.

Kaya nga Bayani ang tawag dahil bihira, iilan dahil kung lahat tayo ay Bayani na, hindi na dapat naimbento ang salitang Bayani kundi simpleng TAO ka lang.

Magandang umaga sa iyong paninindigan.

Posted by J.Kulisap at November 25, 2009, 8:31 am

Kk, Kuya Kulisap… Sumasalimuot ang ating pinagdidiskuyunan… Salamat sa inyong mga punto.

Posted by xdalisayx at November 25, 2009, 8:53 pm

This is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.

Posted by Coach Outlet Store Online at December 16, 2011, 4:27 pm

Add a comment








 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

November 2009
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

topix

acads anime babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God identity isip kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panaginip panahon panitikan Pasko Pilipinas sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (11324)
  • mayaman at mahirap… (9280)
  • ang walong sinag… (7747)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5727)
  • pag-ibig… (3804)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3753)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2477)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2325)
  • huwag nating hayaan… (1382)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1246)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • Air Jordan 11: What has come into being...
  • Cheap Nike Uniform Wholesale: Is really a good article,...
  • louis vuitton: Thanks for providing such informative...
  • cheap beats by dre,beats by dre,beats by: cheap beats by dre benefits...
  • cheap beats by dre,beats studio sale,bea: cheap beats by dre might...

uy, mesej ^_^

Creating History Together With Arenabetting Piala Eropa 2012:

thanks

forex:

http://forexjakarta.com
http://forexsukses.com
http://lowerrightbackpaininwomen.com
http://mendotainsurance.org
http://workmanscompinsurance.org
http://panduanmarketiva.blogspot.com
http://jenispenyakit.blogspot.com
http://forexsukses.com/creating-history-together-with-arenabetting-piala-eropa-2012

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino