lasing…
November 18, 2009
Noong bago magpasukan nitong 2nd sem, mga ilang linggo ang nakararaan… Nag-get-together kami ng barkada ko noong hayskul. Katulad ng madalas mangyari, dito na naman kami sa bahay. Ewan ko ba sa mga ‘yon, bakit pinag-iinitan ang haybol namin. E ang sikip-sikip dito…
Anywayz… Ano nga ba ang mga ginawa namin? Nagkwentuhan… Nagfezbuk-fezbuk… Piktyuran… Kainan… At siyempre pa, gaya ng sinasabi sa taytol ng post na ito — naglasing…
First time kong nalasing noon… Mga B.I. na mga ‘yon!… Good girl kasi ako at sheltered na anak (hmm…)… Walang bisyo. As in. Di umiinom, di marunong manigarilyo, siyempre di nagdadrugs, di nagsusugal, walang kinalolokohang barkada o boypren o girlpren o kung sinuman, at wala ng kung anupamang bisyo na maiisip ninyo… Isang bote lang ng alak ni angelica panganiban ang ininom naming 5 magkakaibigang babae… Ano nga ba yun? the bar? Tama, ‘no? Vodka… Isang bote lang yun na pinaghati-hatian pa namin, pero, syet, tinamaan na ako. Sensya na, mahina. First time e. Pati yung isa kong kaibigan na first time lang din uminom, matindi rin ang tama…
Gayunman, wow, ganun pala ang feeling ng lasing… Balewala ang paligid mo. Balewala kung ano ang dapat mong ikilos. Napaka-carefree mo (o careless? — depende sa tao, at sa tindi ng tama), wala kang pakialam… Masarap pala ang pakiramdam ng lasing… Nakakakalas ka, nakakawala, nakakalaya…
Kaya pala…
Kaya pala naglalasing ang mga taong may matitinding dinadala, may malulubhang problema… Kaya pala may mga writer na kailangan munang maglasing bago sila makapagsulat… Kaya pala, naalala ko, kwento ng prof ko — may student teacher daw siya noon na bago mag-demo teaching (yung final na pagsubok sa student teachers — pakitang-turo na panonoorin ng mga VIPs ng eskwelahan gaya ng principal, head teachers, propesor, etc.) ay tumungga raw ng gin pampatanggal-nerbiyos… Kaya pala, sa bawat parti, di nawawala ang inuman, para lubus-lubos ang kasiyahan…
Kaya pala… Kaya pala sila naglalasing…
Hekhekhek… Tumatanda na talaga ako… Umiinom na ako ngayon ng alak… Hehehe…
Maganda itong pampaboost ng confidence, pampawala ng kaba pag may report sa klase, at lalo pa ngayong practicum na ako — student teaching na… Sana lang wag mabuking. Pag nagkataong may naakamoy ng maalkohol na hininga, patay tayo diyan. ‘Yan yung nangyari sa nabanggit ko sa itaas na student teacher — naamoy siya nung isang estudyante niya, hayun, sinumbong. Di naman siya binagsak nung prof o pinatalsik o kung anupaman — winarningan lang… Lagot, bawal ata sa titser ito. Hehehe. Bawal nga bang uminom ang titser bago at habang nagkaklase?
Previous Comments
Minsan lang naman yun. Pag may kasiyahan lang. Gaya nga ng sabi ko, good girl ako e. hehehe.
Posted by xdalisayx at November 19, 2009, 4:30 pmhehe..ayos ang mga kwento mo. tuwang tuwa rin ako sa mga nakalagay sa sidebar mo.
Posted by eli at November 20, 2009, 8:04 amsabayan na rin natin ng tanong na
“pwede bang magyosi ang titser bago at habang nagkaklase?”.
parang kambal na inidoro kasi iyan.
kung ang layunin mo lamang ay mabawasan ang yong kaba at tumaas ng bahagya ang iyong confidence, katanggap tanggap pa na lumagok ng konting alak sa una, pangalawa o kahit pangatlong pagkakataon.
pero kung dumating ka sa punto na maaamoy ka na ng estudyante mo…
eh adik na ang tawag dyan kapatid.
pagpatuloy mo po ang yong pagsusulat!
Posted by duduy at November 23, 2009, 1:58 pmSalamat sa inyo, eli at duduy, sa pagbasa at pa-iwan ng komento.
Posted by xdalisayx at November 23, 2009, 7:34 pmThat they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 11:58 ambuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 1:05 pmith the price tag, or even obtain the price cut code.dddddddddddddddddd
Posted by tn pas che at April 7, 2012, 9:44 am


Huwark..huwark..pweh..punyetang alak ka sana hindi na kita ininom!?!
Noong kalakasan ko pa ako ay patay gutom sa alak. Dumating ang puntong hindi na ako makatayo at kulay berdeng likido na ang aking isinusuka.
Doon ko lamang napagtantong, isa akong halimaw na walang bayag at sungay.
Hindi masamang tumikim huwag lang gawing bisyo na to…
Posted by J.Kulisap at November 19, 2009, 4:01 pm