corruptor of youth…
November 17, 2009
Ito ay aking naoobserbahan at napagmumuni-munihan hinggil sa aming mga kabataan: ang tungkol sa aming pagiging tamad, hindi kami palabasa, mababaw ang aming karunungan o wala kami gaanong alam sa panitikan.
Aminado ako dahil karanasan ko ito at nakikita ko rin sa karamihan ng ibang kabataan – sa halip na lunurin namin ang aming mga sarili sa pagbabasa ng panitikan ay, heto, humaling na humaling kami sa cell phone, sa TV, sa computer games, sa Internet. Hindi katulad noon, noong henerasyon ng mga magulang namin, ng lolo’t lola, ng mga ninuno na pangunahin o tanging libangan ang pagbabasa (libro, magasin, komiks) o kaya’y pagsusulat, sa amin ngayon na mga kabataan, marami nang kaagaw o kakompetisyon ang print. Sa halip na aklat, cell phone o kompyuter ang aming hawak. Sarisari kasi ang mga inihahaing produkto at serbisyo ng napakatuling umunlad na modernong teknolohiya, na talaga namang nagdudulot ng kakaiba, nakatutuwa, at kamangha-manghang karanasan, kumpara sa “boring” na pagbabasa o pagsusulat ng panitikan.
Mahigpit na kalaban talaga ng libro (at iba pang printed materials) ang modernong teknolohiya. Tingnan na lamang natin ang aking karanasan. Mga ilang taon ang nakararaan, mga Grade 6 o 1st year high school ako noon – di pa uso ang cable, cell phone, at computer. Tandang-tanda ko, wala talaga akong magawa noon, wala akong mapaglibangan, hanggang sa matagpuan ko ang ilang mga aklat. Ipinasok ako ng mga iyon sa daigdig ng panitikan. Nag-enjoy ako sa pagbabasa sa kanila. Tunay na napukaw o na-inspire nila ako. Tapos, tinangka ko ring magsulat. Kay gandang karanasan. Hanggang sa, heto, dumating ang teknolohiya. Sumikat ang cable TV, ang cell phone, ang play station, at ang Internet. Na-etsapuwera ang libro. Nalulong ako sa panonood ng telebisyon, texting, paglalaro ng video games, at online gaming at chatting sa Internet.
Dahil sa modernong teknolohiya, sabi ng matatanda, napapariwara ang kabataan. Nasisira ang aming pag-aaral, nabobobo kami. May katotohanan ito. Totoo, bumababa ang aking grades kapag inuuna ko ang mga “bisyo” ko sa cell phone, TV, at computer. Napansin ko rin na dahil hindi na ako nagbabasa, humihina ang communication skills ko, hindi na ako marunong magpahayag ng aking sarili, hindi na ako maalam sa wika at panitikan.
Gayunman, hindi naman natin dapat na sinisisi ang modernong teknolohiya. Sapagkat, kahit papaano, may “panitikan” din naman dito. Halimbawa, sa paglalaro ng video games, sa pagkahumaling sa play station. Ako, inaamin ko, naadik ako rito dahil tunay akong namangha. Gustung-gusto ko ang fantasy/adventure RPG (role-playing game) na genre. Ang ganda-ganda –– ang graphics, ang music, ang animation, ang buong gaming experience. Pag naglaro ka, talagang kagila-gilalas, kakaibang karanasan. Biruin mo, nakita ko ang Yggdrasil at napunta ako sa Asgard. Naging isa akong valkyrie at napabagsak ko si Odin. Naranasan ko ring maging isang diyos sa Ancient Greece –– kinalaban ko si Medusa, ang Cyclops, ang Minotaur, ang mga Harpies, at maging si Zeus at iba pang mga diyos ng Olympus ay tinangka ko ring pabagsakin. Nag-adventure din ako bilang gladiator, pirata, samurai, at ninja. Anupa’t naging isang magiting din akong knight na nagligtas sa prinsesa at buong kaharian mula sa mga undead, sa pagkalaki-laki at bumubuga ng apoy na dragon, sa iba’t ibang klase ng nakakatakot na mga halimaw o kung anu-anong mga nilalang. Talagang kamangha-manghang mga karanasan. Pantasya, pero parang totoo –– damang-dama ko ang pagparoon ko sa mga mundong iyon. Dalang-dala ako sa naratibo ng mga laro. Hindi ba ito panitikan? Ang karanasan ko kasi sa kanila ay katulad din ng karanasan ko sa pagbabasa ng libro.
Marahil, isa itong usapin na dapat nating mapag-ukulan ng pansin. Huwag ihiwalay, ikahon, ikulong ang panitikan sa texto na nakalimbag sa papel, sa mga itinatakda ng eskwelahan o akademya na “panitikan.” Huwag gawing kriminal, napakasama, ng modernong teknolohiya. Huwag akusahan na parang si Socrates –– “corruptor of youth.” Bakit hindi natin kausapin ang mga kabataan? Bakit ba nahahalina at humaling na humaling ang modernong henerasyon sa modernong teknolohiya? Baka makita natin, mamulat tayo, na hindi naman pala ito gayon kasama kagaya ng ating inaakala…
Previous Comments
Ang paggamit ng cellphone, paglalaro sa internet, at kung anu-ano pang mayron sa cyberworld- hindi masama kung hindi napababayaan ang sarili.
Hindi masama kung isa pa ring responsableng kabataang hinaharap ang reyalidad ng buhay.
Mag-aaral ayon sa itinakda ng paaralan. Susunod sa mga mabuting ipinag-uutos ng mga magulang at kapatid.
Walang pinagkaiba sa masamang bisyo ang pagkahumaling sa mga naglipanang may layuning pabagsakin ang iyong oras na doon ka lamang nakatutok.
Ilan lamang ang pagkalimot sa: pagkain sa tamang oras, paliligo, pagkain sa harap ng kompyuter, pagliban sa klase, pagnanakaw, pagbebenta ng sarili kapalit ng computer games.
Tamang disiplina at paggabay lamang. Sa bawat ginagawa ay may nakalaang pagkakatuto.
Mahusay ang iyong artikulo.
Posted by J.Kulisap at November 18, 2009, 8:41 amTama kayo sa inyong mga sinabi, Ate Aninipot at Kuya Kulisap. Disiplina ang kailangan, sa anumang uri ng bisyo…
Ngunit, ang pinupunto ko rito ay hinggil sa pagbibigay ng puwang o pansin sa video games/computer games, bilang makabagong mga anyo ng panitikan. Ah, ewan kung pwede iyon… Sige, magbibigay ako ng halimbawa para malinaw. May nabanggit kasi sa akin ang aking nakababatang pinsang lalake at utol ko. Magsing-edad sila, kapwa nasa hayskul. Kapwa rin sila adik sa computer games… Tamad na tamad sila sa pagbabasa ng mga akda — mga kuwento, nobela… Ang kaso — may mga proyekto sila na review ng nobela, short story, atbp. Tinanong nila ako — “Di ba pwedeng magreview ng video game na nalaro at natapos na namen? Imbes na magbasa kami ng pocketbook, yun na lang ang gagawan namin ng project? Pwede naman siguro yun, no? May istorya rin naman kasi yung mga nilalaro namen, interesting pa, at magaganda… Nakakatamad naman kasi magbasa ng libro e (lalo pa’t yung mga tipong ‘Banaag at Sikat,’ ‘Pinaglahuan,’ ‘Ibong Mandaragit’)…” Bakit hindi natin kasangkapanin ang modernong teknolohiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral?
Kung gustong pag-aralan ng mga kabataan ang istorya ng video game, ng anime, ng kung anong teleserye — bakit hindi? Basta’t siyempre, naiaaplay nila ang mga lesson nila sa panitikan, basta’t hindi lumalabas sa saklaw o scope ng mga aralin sa eskwela, basta’t naroroon ang gabay ng guro… Tsuk! Yun lang point ko. Sana, paminsan-minsan, pakinggan naman natin ang kabataan sa kanilang mga interes at pagbigyan natin sila sa mga iyon…
Posted by xdalisayx at November 18, 2009, 8:48 pmpwede naman yong sinasabi, it makes lesson more interesting, pero paano na lamang ang pilipinong literatura, mawawala na lang ba dahil sa mas mapanghalina ang bagong teknolohiya?
Posted by aninipot at November 19, 2009, 8:31 amdi naman po. siyempre, mahalaga ang mga yun. kahit na ang lalalim talaga nila, nakakadugo ng ilong, kelangan pa rin tlaga silang basahin, sapagkat, salamin sila ng kulturang Pilipino, yaman at pamana ng ating lahi…
balance, gabay, at disiplina lang talaga… hehe… nasa diskarte na yan ng guro kung paano magiging interesante, masaya at relevant, tama ang mga lesson.
Posted by xdalisayx at November 19, 2009, 9:08 amMagandang ideya ang inyong naisipan, makabagong hatid para sa mga tinatamad na kabataang pag-aralan ang nakagisnan na.
Interaktibong pakikilahok dahil moderno na ang sayaw.
Posible itong inyong naisip.
Posted by J.Kulisap at November 19, 2009, 3:56 pmdapat malaman din ng tao ang masmang naidudulot ng mga tao para s gayon alam nila at makontril nila ang sarili nila sa paggamit nito pero pag hindi ito ginamit ng mabuti tayo rin ang magsisi s huli=))
Posted by jonah maicah at December 13, 2009, 10:30 amOo nga. Balanse at disiplina lang talaga. Jonah Maicah, salamat sa pagbisita.
Posted by xdalisayx at December 14, 2009, 12:16 pmYou are still what you were, while I have learnd how to keep distance.
Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:24 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 26, 2010, 9:36 amThis story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*
Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:38 amMore praise others - do not spend money, but also make you happy, why not?
Posted by supra shoes at December 29, 2010, 9:41 amHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:27 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 1:13 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
That they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:14 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:43 pm


sa tingin ko, depende pa rin sa gusto ng tao, bakit ako…expose din sa ganyang mga bagay pero mas pipiliin ko parin ang magbasa…kanya-kanyang trip lang yan, kung sa tingin mo dun ka matututo o di go…
pero wag nating kalimutang na halos lahat ng sinasabi mong nahuhumalingan ng mga kabataan ngayon ay hindi naging distraction ng mga kabataan ngayon..
marami akong kakilala, nahumaling sa DOTA ayon singko ang resulta.
Posted by aninipot at November 18, 2009, 8:33 am