pansiyam na silahis…
September 25, 2009
Una sa lahat, pakibasa ito: http://ph.news.yahoo.com/gma/20090924/tph-senate-house-panels-ok-bill-adding-9-d6cd5cf.html
Kakalog-out ko lang sa yahoo mail ko at nadaanan lamang ng aking mata ang balitang iyan (dahil yahoo phils ang yahoo homepage ko). Ang sabi, daragdagan daw ng isang silahis ang araw sa ating Pambansang Watawat. Bale, 9 na sila.
Nagkaroon na ako ng entri hinggil sa mga silahis o sinag na iyan ng araw sa ating bandila, e. Kung di niyo pa nabasa, maaaring iklik lamang dito: http://xdalisayx.i.ph/blogs/xdalisayx/2009/07/29/ang-walong-sinag/
So, hayan. Bale sa entri kong iyon, aking tinuligsa ang walong sinag — mga Tagalog sila (may mga Kapampangan), nakasentro sa Katagalugan, “napaamo” ng mga Kastila, at sila ay nasakop (compared sa mga taga-Cordillera at mga Muslim na hindi naman nasakop). Pero sila ang may karangalan na mailagay sa watawat bilang “UNANG WALONG LALAWIGANG NAG-AKLAS SA MGA KASTILA.”
HELLO?! E, si Sultan Kudarat, isang dakilang bayaning Pilipinong Muslim, 17th century pa lumalaban! Bago pa isinilang sina Rizal, Bonifacio, del Pilar, etc.! Bago pa nag-aklas ang 8 probinsyang iyan!!! At talaga namang hirap na hirap kay Sultan Kudarat ang mga “Coño boys” (hehe, galing ang patawa/patuyang katawagang ito sa “Bayaning 3rd World”)! Hindi ang walong iyon ang unang nag-aklas. Kalat sa buong kapuluan ang mga paglaban sa mga Kastila bago pa man lumaban ang 8 probinsiyang ito.
Alalahanin ninyo: si Tamblot, taga-Bohol, nag-aklas noong 1621. Si Francisco Dagohoy, Boholano rin, 1744 ang start ng paglaban niya. Ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang, 1763, sa Ilokos naman sila. At, hello?! Si Lapu-Lapu kaya! Siya na taga-Maktan, Cebu, na ayon sa kanta ni Yoyoy Villame ay pinatay si Magellan noong 1521!
Bago pa ang 8 lalawigang iyan ay marami nang mga lumaban sa Kastila. Kaya ano iyang 8 sinag na iyan?!
Ummm… Pero… Ano kasi iyan e, “unang walong nag-aklas” — “unang 8 nag-aklas” sa ilalim ng Katipunan, nung panahon ng Himagsikan ng 1896. Ang unang walo na iyan ay sa konteksto nung 1896, nung kumilos na sina Bonifacio at Aguinaldo… Bagaman, oo, napaka-significant naman kasi talaga ng event na yun — KKK, Himagsikan ng 1896, ang kauna-unahang “pambansa” at “pinakamalawakang” pagkilos laban sa Kastila (unlike ng mga naunang pag-aaklas na “regional” lamang), na talagang yumanig sa pamahalaang Kastila maging sa buong Europa (mga European colonizers). Pero bago pa naman kasi yun ay lumalaban na ang mga Pilipino. Ang problema nga lang ay watak-watak, kanya-kanyang pamayanan lamang, regional. Gayunman ay hindi dapat balewalain ang mga pag-aalsang ito.
Diyan kasi sa “WALONG SINAG NA IYAN,” SA “UNANG WALONG NAG-AKLAS” na iyan — para bang sinasabi mo na sila lang ang nauna, sila lang ang lumaban, when in fact, napakarami nang mga pagkilos at pag-aaklas bago pa man sila.
So, sa akin — ayaw ko nang may walong sinag o pansiyam. Sa balita, natutuwa ako na pinahahalagahan nila ang mga kapatid nating Muslim. Ngunit di pa rin masosolusyonan ng pansiyam na silahis na yan ang problema ko sa araw. Kasi, kung idadagdag ang pansiyam na sinag na mga Muslim nga ang kinakatawan, paano naman si Cebu at si Bohol, at si Ilokos, at ang iba pa? Ayaw ko nang ni-rarank ang mga lalawigan. Kesyo nauna si ganito, si ganyan, sila ang lumaban, sila ang nag-aklas. Hindi tayo dapat namimili. Huwag maglagay ng iilan lamang. Dahil LAHAT NAMAN KASI AY NAG-AKLAS, LUMABAN. At dahil nga sa paglaban nating LAHAT, LAHAT tayo ay lumaya, ang BUONG PILIPINAS ay lumaya, di ba? Dahil sa pagkakaisa, sa paglaban ng lahat, nabuo nga at nakapagsarili ang bansa natin noon, noong 1898 na iyon — nagkaroon ng bansang tinatawag na Pilipinas…
LAHAT TAYO, DAPAT LAHAT… HINDI YUNG IILAN LAMANG…
So… Ano na ang dapat mangyari sa araw sa pambansang watawat? Di naman pwedeng maglagay ng mahigit 7000 rays doon na sisimbolo sa mga pulo ng Pilipinas… How about 17 rays? 17 kasi ang mga regions natin… Hmmm… Ambot… Di ko rin alam… Kayo, ano’ng maimumungkahi ninyo?
(Nowt: yung mga date nga pala na nabanggit ay nireview ko sa ilang mga sayt sa internet.)
Previous Comments
Kung anu-ano ang mga isyung pinagsususulat ko. Araw ng bandila. Ayan tuloy, nawala ang araw; binagyo tayo, dinelubyo.
Walang araw noong Sabado at Linggo. Napakalagim ng nangyari. Sabado — buong araw at magdamag ang ulan. Linggo - napakakulimlim ng kalangitan. Nakasilay ako ng silahis ng araw noong umaga lamang ng Lunes. Pero nung bandang tanghali, biglang bumuhos na naman ang malakas na ulan. Ngunit salamat at di naman tumagal. Hanggang ngayong Miyerkules, wala naman nang ulan. Umaraw na rin. Nagbalik na ang init ng panahon. Sobrang lamig nung umuulan, sobrang init naman ngayon.
Tunay na nakakatakot maghiganti ang kalikasan…
Posted by xdalisayx at September 30, 2009, 8:31 pmUlang walang pagbabadya ng delubyo. Sabi ko nga si Ondoy ay isang perpektong ehemplo ng:
Silent water runs deep.
Posted by J.Kulisap at October 1, 2009, 4:04 pmkorek ang sinulat mo, kun pwede lang dito na parang sa facebook na i- iLike yun post ginawa ko na.
hahaha. unfair nga naman talaga sa mga ibang lugar na nauna pa.
Sa totoo lang ayoko din na si Rizal and national Hero. Basta ayoko sa kanya. Mas guto ko si Bonifacio. At tapos hindi na gawing hero si Emilio Aguinaldo. Buti nalang wala na yun 5-peso bill kun san naron yun muhka nya. Yang mga taong traydor at balimbing hindi dapat binibigyan ng tamang “honor”
Rant rant rant ng mga ganitong bagay…. pero kun tutuusin may mga importanteng dapat unahin.. ang mga biktima ni Ondoy.. tapos parating pa eting si Parma/Pepeng. Maswerte lang cguro ako at ang pamilya ko dahil hindi kami nadamay…
Posted by nienna at October 1, 2009, 7:02 pmBTW, nabasa mo na ba ang mga libro ni Ambeth Ocampo?? If not, I strongly suggest u get a copy! I am sure magugustuhan mo din eto tulad ng pag-treasure ko sa mga libro nya. History junkie kasi ako kaya trip ko talaga ang mga articles nya. lalo na ang Looking Back.
Try mo! kakaaliw! Mga trivias about Philippine History na hindi mo mababasa sa textbook
Hehe. Pag may pagkakataon, titingnan ko ho iyan.
May nakapagsabi lang sa akin, isang prof — aniya, si Ambeth Ocampo raw, napakahusay na researcher. Bilib daw siya rito kung pangangalap at pagkokolekta ng datos ang pag-uusapan. Pero di raw ito maaasahan sa critical analysis. Oops, yun ay opinyon ng prof ko. hehe. Pis tayo. Try kong hanapin siya sa library.
Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:12 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:58 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
Just hope that you will keep publishing such great ones in the future too.
Posted by Pink North Face at January 10, 2012, 3:54 pmThanks for taking the time to discuss this, I feel strongly about it and love learning more on this topic.
Posted by Cheap Handbags at February 13, 2012, 10:46 amCool site! Thanks for the information!
Posted by Ray Ban Sunglasses Outlet at February 29, 2012, 3:38 pmMens Designer Jeans
Posted by Designer Shopping at March 2, 2012, 4:51 pmThat they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:03 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:42 pmWomens Designer Sandals
Posted by Womens Designer Shops at March 9, 2012, 3:59 pmThanks for taking the time to discuss this, I feel strongly about it and love learning more on this topic
Posted by swimwear clearance at March 19, 2012, 10:38 amThis is very good information i learn more details to the articles .good work author it well be more useful to the all the user.i have book mark this information for the further reading .
Posted by domain hosting india at March 31, 2012, 3:08 pmCheap Handbags are comprised of one of the most supple leather available, producer started the effect of a simple hand wear cover, he Cheap coach bags wanted an even better leather, which is how Coach took its start. No matter form of girl is coach handbags online style, the plethora of cheap coach bags always have is cheap brand jewelry allow you to satisfied.
Posted by Coach Handbags Outlet at April 1, 2012, 3:31 pmCheap cartier aims with regard to in other words inspired perception. The idea gets going through zoom lens, snapshot body several Cartier glasses additional facts. MiuMiu spectacles by using edgy collection, help make it has the cheap cariter frames stick out. This specific style from the fresh collection is actually cartier eyewear vigor. It’s not at all quite happy with the standard design nonetheless increase stylish features determined by Cheap cartier regular cosmetic experiencing in addition to perform colouring collocation.
Posted by Cheap cartier at April 26, 2012, 5:14 pmSnapback hats carry the business logo or occasion, then they becomes a sort of billboard along with the workers and mlb hats for cheap also the prospects who put on them come to be walking billboards for the company’s identity. They may be cheap nfl hats excellent presents for corporate parties and to make brand awareness. These hats use diverse kinds of nfl new era hats clothes for example pure cotton, pure wool, wool and cheap MLB hats acrylic, brushed canvas, and acrylic and cotton.
Posted by Snapback hats at May 3, 2012, 3:21 pm


Ang watawat ay sumisimbolo bilang pagkilala sa isang bansa.
Sinag ba ika mo ang pinagbabangayan?
Gawing araw ang buong bandila, may kulay pula at asul, na may puti.
Pati ba naman yan kailangan pang pagbangayan?
Posted by J.Kulisap at September 29, 2009, 2:37 pm