• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Archives » September 2009

pansiyam na silahis…

September 25, 2009

 

Una sa lahat, pakibasa ito: http://ph.news.yahoo.com/gma/20090924/tph-senate-house-panels-ok-bill-adding-9-d6cd5cf.html

 

Kakalog-out ko lang sa yahoo mail ko at nadaanan lamang ng aking mata ang balitang iyan (dahil yahoo phils ang yahoo homepage ko). Ang sabi, daragdagan daw ng isang silahis ang araw sa ating Pambansang Watawat. Bale, 9 na sila.

 

Nagkaroon na ako ng entri hinggil sa mga silahis o sinag na iyan ng araw sa ating bandila, e. Kung di niyo pa nabasa, maaaring iklik lamang dito: http://xdalisayx.i.ph/blogs/xdalisayx/2009/07/29/ang-walong-sinag/

 

So, hayan. Bale sa entri kong iyon, aking tinuligsa ang walong sinag — mga Tagalog sila (may mga Kapampangan), nakasentro sa Katagalugan, “napaamo” ng mga Kastila, at sila ay nasakop (compared sa mga taga-Cordillera at mga Muslim na hindi naman nasakop). Pero sila ang may karangalan na mailagay sa watawat bilang “UNANG WALONG LALAWIGANG NAG-AKLAS SA MGA KASTILA.” 

HELLO?! E, si Sultan Kudarat, isang dakilang bayaning Pilipinong Muslim, 17th century pa lumalaban! Bago pa isinilang sina Rizal, Bonifacio, del Pilar, etc.! Bago pa nag-aklas ang 8 probinsyang iyan!!! At talaga namang hirap na hirap kay Sultan Kudarat ang mga “Coño boys” (hehe, galing ang patawa/patuyang katawagang ito sa “Bayaning 3rd World”)! Hindi ang walong iyon ang unang nag-aklas. Kalat sa buong kapuluan ang mga paglaban sa mga Kastila bago pa man lumaban ang 8 probinsiyang ito.

Alalahanin ninyo: si Tamblot, taga-Bohol, nag-aklas noong 1621. Si Francisco Dagohoy, Boholano rin, 1744 ang start ng paglaban niya. Ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang, 1763, sa Ilokos naman sila. At, hello?! Si Lapu-Lapu kaya! Siya na taga-Maktan, Cebu, na ayon sa kanta ni Yoyoy Villame ay pinatay si Magellan noong 1521!

Bago pa ang 8 lalawigang iyan ay marami nang mga lumaban sa Kastila. Kaya ano iyang 8 sinag na iyan?!

Ummm… Pero… Ano kasi iyan e, “unang walong nag-aklas” — “unang 8 nag-aklas” sa ilalim ng Katipunan, nung panahon ng Himagsikan ng 1896. Ang unang walo na iyan ay sa konteksto nung 1896, nung kumilos na sina Bonifacio at Aguinaldo… Bagaman, oo, napaka-significant naman kasi talaga ng event na yun — KKK, Himagsikan ng 1896, ang kauna-unahang “pambansa” at “pinakamalawakang” pagkilos laban sa Kastila (unlike ng mga naunang pag-aaklas na “regional” lamang), na talagang yumanig sa pamahalaang Kastila maging sa buong Europa (mga European colonizers). Pero bago pa naman kasi yun ay lumalaban na ang mga Pilipino. Ang problema nga lang ay watak-watak, kanya-kanyang pamayanan lamang, regional. Gayunman ay hindi dapat balewalain ang mga pag-aalsang ito.

Diyan kasi sa “WALONG SINAG NA IYAN,” SA “UNANG WALONG NAG-AKLAS” na iyan — para bang sinasabi mo na sila lang ang nauna, sila lang ang lumaban, when in fact, napakarami nang mga pagkilos at pag-aaklas bago pa man sila.

So, sa akin — ayaw ko nang may walong sinag o pansiyam. Sa balita, natutuwa ako na pinahahalagahan nila ang mga kapatid nating Muslim. Ngunit di pa rin masosolusyonan ng pansiyam na silahis na yan ang problema ko sa araw. Kasi, kung idadagdag ang pansiyam na sinag na mga Muslim nga ang kinakatawan, paano naman si Cebu at si Bohol, at si Ilokos, at ang iba pa? Ayaw ko nang ni-rarank ang mga lalawigan. Kesyo nauna si ganito, si ganyan, sila ang lumaban, sila ang nag-aklas. Hindi tayo dapat namimili. Huwag maglagay ng iilan lamang. Dahil LAHAT NAMAN KASI AY NAG-AKLAS, LUMABAN. At dahil nga sa paglaban nating LAHAT, LAHAT tayo ay lumaya, ang BUONG PILIPINAS ay lumaya, di ba? Dahil sa pagkakaisa, sa paglaban ng lahat, nabuo nga at nakapagsarili ang bansa natin noon, noong 1898 na iyon — nagkaroon ng bansang tinatawag na Pilipinas…

LAHAT TAYO, DAPAT LAHAT… HINDI YUNG IILAN LAMANG…

So… Ano na ang dapat mangyari sa araw sa pambansang watawat? Di naman pwedeng maglagay ng mahigit 7000 rays doon na sisimbolo sa mga pulo ng Pilipinas… How about 17 rays? 17 kasi ang mga regions natin… Hmmm… Ambot… Di ko rin alam… Kayo, ano’ng maimumungkahi ninyo? 

 

(Nowt: yung mga date nga pala na nabanggit ay nireview ko sa ilang mga sayt sa internet.)

 

bayan
Posted by xdalisayx at 10:01 pm | permalink | comments[10]

tinatamad na ako…

September 19, 2009

 

Hmmm…

Tinatamad na ako, nagsasawa na akong magblog… Ayoko na. Wala na akong mailathala na matino, interesante, makabuluhan, kapaki-pakinabang sa mga mambabasa…

Ayoko nang magblog nang tungkol sa aking sarili. Ng tungkol sa mga hinaing ko sa buhay. Ng tungkol sa mga kababawan. Ng tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. 

Blog ito. Nasa Internet. Ang mga pinagsususulat ko rito ay mababasa at mababasa ng sinuman, saanmang dako siya naroroon, anumang oras… Kung kaya’t dapat na maganda at may saysay ang mga inilalagay ko rito…

Ang mga entri ay hindi dapat tungkol sa sarili. Dapat ay tungkol sa mga paksa na makakaugnay o makaka-relate ang ibang tao. Kung tungkol man sa sarili ay dapat na kapupulutan man lamang ng diwa/aral/makabuluhang mensahe… Hindi yung tungkol sa pagpunta sa starbucks, sa mall of asia, kulay ng banyong ipinagawa, kulay ng sapatos na binili, mga kinahuhumalingang palabas/bagay/laro/hobby na walang kakwenta-kwenta…

Sana lang talaga, magblog ang mga tao ng mga makabuluhang bagay… Kaya lang baka ikatwiran nila sa akin, baka barahin nila ako — “So what ba? We don’t need you to read our blogs naman! It’s like our personal journal! Duh! Personal, as in personal, debah?! So anong pake mo kung ano ang gusto naming ipost?!”

Hoy! Hello?! Kung gusto mo ng personal na jornal, magdiary ka na lang. Bumili ka ng notbuk at doon mo ilagay ang mga gusto mong pagsasasabihin. Ang kaso kasi ay inilalagay mo iyan sa Internet. Though you don’t expect or you don’t wish other people to read your blog, here on the Internet, somebody, somebody, is gonna have to read it. Meron at merong mapapadaan sa site mo, sa napakamakapangyarihan ba namang internet na isang pag-enter mo lang ay napakarami nang lalabas na kung anu-ano! So your blog might as well be a sensible one… Yung may sense, yung may sinasabi, hindi yung tungkol sa sarili mo lang, sa mga walang kapararakang bagay.

Ano ba ang mga may sense na paksa? Social commentaries, mga pagpipilosopiya sa buhay, sa realidad, sa lipunan, mga ginintuang aral, tungkol sa kapwa, sa bayan, sa Diyos… Hindi yung puro tungkol sa sarili… Bakit, sino ka ba?!! Ang kabuluhan ng isang tao ay masusukat kung gaano ang kanyang kabuluhan sa ibang tao. Tandaan yan. Nagkakaroon lamang ng sense ang buhay natin kung may sense tayo sa iba. At saka nga pala, parati ring alalahanin — quality over quantity. Ang husay ng isang blogger ay wala sa dami ng kanyang entries, kundi nasa kalidad ng mga ito. Ang dami mo ngang posts, wala namang laman, walang ka-sense-sense…

Paumanhin… Wala pa akong maiblog na matino ngayon… Abalang-abala pa sa mga gawain sa eskwelahan, graduating na kasi… Next sem… Tsk. At saka tila nawalan na ako ng interes, ng alab, sa pagbablog… Well, ganun naman yata talaga sa buhay. Imposible na ikaw ay habambuhay na dedicated sa isang bagay/tao/hobby — likas sa tao ang magsawa, ang mapagod, ang manghinawa…

 

acads blogging buhay tao
Posted by xdalisayx at 12:57 am | permalink | comments[7]

pota na naman…

September 3, 2009

 

Kakamura ko lang sa nakaraang entri. Mura na naman ito…

 

Potang inang kapota-potahan ‘yan talaga! Woooooohhh!!!

Taenang exam ‘yan! Sukdulan ang hirap!!!

Pagsusuri ng mga tula gamit ang mga teoryang pampanitikang tinalakay sa klase… 

2 tula lang iyon — pero ang lupet! Susuriin mo sa loob ng 1 at kalahating oras… Tapos, ang hirap pa nung 2 tula — yung tipong tungkol sa isyung panlipunan, aktibismo, tungkol sa paglaban sa sistema. Good luck naman sa akin na isang burges na sheltered na apathetic na estudyanteng walang alam sa bayan at walang pakialam sa lipunan (Paking syet… Lagot ako nito sa aking mga prof pag nalaman ang atityud kong ito). Isa pa, yung mga pagpipiliang teorya na gagamitin ay mimetiko, expresibo (romantisista), at pormalistikong mga teorya. E wala namang “social” sa mga ito, lalo na iyang taenang pormalismong ‘yan.

Aaah! Pagsulatin niyo na lamang ako ng tula! Kung papapagsuriin ninyo ako, utang na loob, wag po!… Di talaga keri ng mahina kong powers iyan… Hanggang simpleng basa lang ako, enjoyment, sariling interpretasyon ng panitikan… Pero kung paggawa ng rebyu, kritisismo, pagteteorya… Oh, Diyos na mahabagin!…

Nakoh, ang bwiset na sabjek na iyan… Mahirap, napakahirap… Pero, marami naman akong natututuhan… Sana lang talaga, makapasa ako, para hindi naman sayang ang sem… At saka para makagradweyt na ako… :(

—————————————

Nakoh, isa pa palang bwiset na sabjek. Required ang field trip. Buti sana kung isang araw o overnight lang. Pero, hindi. Mula Biyernes hanggang Lunes! Ang haba! May pasok pa naman ako kinabukasan ng Martes ng umaga…

So, bukas ng gabi, bibiyahe ang geog class ko patungong Camarines Sur, sa rehiyon ng Bikol. Ang balik dito sa MM ay gabi ng Lunes… Syet, kapagod iyon… Tapos iisipin ko pa ang acads ko — di ako makakapag-aral…

Caramoan peninsula… Ito raw ang papalit sa Boracay kung sakaling may mangyaring kung ano rito… Haha. Tingnan nga natin ang ganda ng Caramoan na iyan…

Paalam pansamantala sa mga usok, sa maiitim na ilog, sa abuhing langit, sa mga basura, dura at tae sa lansangan, sa mapapanghing urinal, sa marurusing na gusali, sa masikip, maingay, at magulong NCR.  Salamat (kahit bwiset ang field trip na ito… bwiset — dahil nakikisabay sa nakakapagod talaga na acads! Ah! Ang daming papers at ang daming research na dapat gawin…) at kahit papaano, sa pamamagitan ng lakbay-aral na ito, ay mamamalas ko naman ang ganda ng bayan kong minumutya. Hay… Sabik na akong makalanghap ng sariwang simoy ng hangin, makapiling ang mga punongkahoy, mamangha sa puting buhangin, magtampisaw sa malinaw na dagat… Ang gaganda ng mga larawan sa IntOrnet… Sana gayon din sa aktwal…

Ummm… Dahil sa hindi naman mayaman ang pamilya ko, hindi maluho, kuripot/makunat — sa pamamagitan lamang talaga ng mga required na field trip ako nakakatakas sa Metro Manila… Ano na ba ang mga narating kong lugar? Cavite, Laguna, Ilocos Norte y Sur, Leyte, Batangas… Yun lang?!! Wala pang sampu! Gayong 80 ang probinsya ng bansa ko! Mahigit pitong libo ang mga pulo!… Ah! Pangarap kong makapunta sa mga sikat na Palawan, Baguio, Rice Terraces, Boracay… Hehehe…

Sana, pag nagkapera ako pagdating ng panahon, madalaw ko ang magagandang lugar ng ating bayan (at kung papalarin, maging sa ibang bansa)… Yun ay kung maaabutan ko pa silang maganda… Tsk… 

At saka sana rin pala, makisama si Labuyo… Magbabangka-bangka pa naman kami… Island hopping… Pota naman… Di ako marunong lumangoy… Pota talaga… Wag naman sana kaming maagang mamatay… Dadalawang dekada pa lamang ang naiilalagi namin sa daigdig… Marami pa kaming mga pangarap… Wag Niyo po muna sana kaming kunin Lord, wala pa kaming nagagawa sa aming mga buhay, para sa kapwa, sa lipunan, sa humandkind… 

Hay… ek-ek…

 

acads bayan kagandahan lipunan panitikan
Posted by xdalisayx at 10:10 pm | permalink | comments[9]

putang ina…

September 1, 2009

 

Napukaw lang ako sa paliwanag na ito ng isang prop…

Isang magandang ideya, magandang punto, isang magandang pagtingin ang sinabi niya hinggil sa kung bakit “putang ina.” Bakit ba putang ina, mother fucker, pekpek mo, puke ng ina mo, son of a bitch, etc.? Bakit ang mga mura, puro pagbaboy sa babae?

Ang babae ay imahe ng kagandahan, kalinisan, kapurihan, kadalisayan. Ang rikit at puri ng babae ay kanyang yaman at dangal. Oras na mawala ito, wasak siya. At, ang ina? Napakadakilang pigura niyan. Di ka lang niya pinaghirapang dalhin nang 9 na buwan sa kanyang tiyan at napakasakit na iniluwal sa kanyang puke. Kundi, paglabas mo, aalagaan ka pa niya, palalakihin, tuturuan, papayuhan, pagpapasensyahan, etc. etc. Mahal na mahal natin ang ating mga ina. Sinong tao ang di nagmamahal sa kanyang nanay?

E, ano ba kasi ang masarap babuyin? Ano ang pinag-iinitan nating dumhan? Sinisira mo ba ang sira na? Dinudungisan ang marumi na? Ang masarap wasakin ay iyong di pa sira, iyong pinakaaalagaan, iyong pinakaiingat-ingatan. Ang binabagsak mo ay iyong mataas, iyong dakila. Ang pinag-iinitan nating dumhan ay iyong matuwid, mabuti, banal, walang kapintasan, malinis, maputi, dalisay. Ang babae at ang ina — imahe/pigura sila ng lahat ng mga ito. Kung kaya nga siguro ganoon na lamang ang ating pagbaboy, pagwasak, pagmura sa kanila. Gustung-gusto nating sirain ang mabuti, dungisan ang malinis, ibagsak ang mataas. Kung inggit ba ito o sadyang kalikasan na lang ng tao ay di ko mawari… Basta ako, napagtanto kong hindi rin naman pala ako dapat maghinanakit hinggil sa pambabababoy at pagyurak na ito sa mga babae — kaya pala tayo minumura ay dahil sa “mataas” tayo, pinupuri, dinadakila, kaya gusto nila tayong ibagsak. Haha! 

Isa pa, ang “putang ina” sa panahon ngayon ay parang naging expression na lamang. Wala naman talaga itong mabigat o masamang kahulugan. Sa halip pa nga, ayos ang ibig sabihin nito. Merong mga tao, halimbawa sa mga magkakabarkada, mga taong malapit sa isa’t isa — pagbati ang pagmumurahan nila. “Tang ina mo! Buhay ka pa?! Sa’n ka nanggaling? Long time no see, pare!” Tapos, kamayan o yakapan ‘yan… Kaya naman, kapag minura kita, nangangahulugan lamang ito na close tayo. Magaan ang loob ko sa iyo at ikaw sa akin… Nice… Hehehe…

Hanep… Tang ina! Akalain mo nga naman, may nagbabasa pala nito. Ahahaha… Salamat sa iyo… (ops, wag mapipikon. Walang masamang kahulugan iyan. I’m just trying to be friendly. Hahaha…) ;)

 

 

— Hindi ko lang alam kung ano ang tama nito sa mga moral, edukado, mayayaman, sosyal, “matataas,” may delikadesang mga tao. Baka matahin ako ng mga taong ‘yan — para akong iskwater at walang pinag-aralang tao. Napakasama ng lumalabas sa bibig ko at aking isinusulat… Hay… Tang ina naman, o!… Kaputa-putahang buhay talaga itooo!.. Aaahh….

 

babae tao
Posted by xdalisayx at 8:14 pm | permalink | comments[12]
 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

September 2009
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

Sponsored Links

topix

acads babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan last post lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panahon pananampalataya panitikan paradise Pasko Pilipinas relihiyon sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (10961)
  • mayaman at mahirap… (8928)
  • ang walong sinag… (6923)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5358)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3670)
  • pag-ibig… (3548)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2317)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2205)
  • huwag nating hayaan… (1278)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1158)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • baidu: baidu [url=http://www.baidu.c om]baidu[/url] [link=http://w ww.baidu.com]baidu[/link]...
  • Moncler Outlet: So surprise in your article!...
  • arcel: sa ngayon bigo ako sa...
  • 2012 UGG Boots: Just continue to write such...
  • cheap shoes china: have to share Coach Outlet...

uy, mesej ^_^

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

xdalisayx:

Pete, nag-email ako sa iyo. Pakibasa at pakitugon. Salamat. Jejeje. xdalisayx@yahoo.com

pete:

good day, i need to know ur full name coz i need to “quote” u for a project and it might be publish in our filipino book in USC. thank u.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino