happy birthday…
August 26, 2009
ay potek… Nakatulog ako… Madaling-araw na ngayon ng Agosto ika-26… Ang entri na ito ay dapat kaninang mga ilang oras lamang ang nakararaan ko isinulat… Inalarma ko ang cp ko ng mga alas-11, pero heto, nahuli ako ng gising…
Anywayz…
Ika-25 ng Agosto…
Kaya happy ang birthday, kasi, dapat masaya. Masaya ang araw ng kapanganakan. Ipinagdiriwang natin ito sapagkat ito ang araw na tayo ay iniluwal, nag-exist, nabuhay rito sa mundong ibabaw. Isinilang tayo — pinagkalooban ng marahil ay siyang pinakamaganda’t pinakadakilang regalo ng Diyos sa tao — buhay, pagkakataong mabuhay sa daigdig…
Pero, meron namang ibang pananaw hinggil sa birthday. Sila, tinutuligsa nila ang kasiyahan, ang pagdiriwang ng kaarawan. Hindi raw dapat magsaya, bagkus ay dapat ngang malungkot. Kasi, pag birthday, tumatanda ang tao. Nadadagdagan siya ng isang taon sa buhay niya. Palapit siya nang palapit sa kanyang kamatayan…
Hay…
Birthday ko kaninang ilang oras lamang ang nakararaan. Sabi ni nanay at ni tatay, mga 8:45 ng gabi noong Agosto 25 ng 1990 ako nailuwal at nag-exist dito sa mundong ibabaw…
Wala man sa hitsura ko (mukha kasi akong matanda) pero 19 years old pa lang ako… Hehehe…
Malungkot ako, kasi ang tanda ko na. One year to go, di na ako teenager. Ang saklap. Lupet!… Magdadalawang dekada na pala ang inilalagi ko rito sa daigdig. Grabe, dekada, as in, dekada. Di na lang mga taon ang binibilang ko, a! Potek, dekada na, dekada, na equivalent sa 10 years! Wah! Ayoko pang tumanda! At saka, palapit ako nang palapit sa kamatayan!… Hay…
Datapwat gayunman, masaya na rin ako. Dapat magsaya rin kahit paano. Nagpapasalamat ako, maligaya, sapagkat ako ay binuhay. Binigyan ako ng pagkakataong mabuhay ng Maykapal. At heto, nakalabinsyam na taon na ako. Salamat, salamat, at hanggang ngayon, humihinga pa ako, buhay na buhay, at eto, nakaharap sa monitor, nagtatayp, pablog-blog pa… Hehehe…
Hay…
Maligayang kaarawan sa aking sarili…
Matanda ka na, xdalisayx… Maging responsable ka na. Mag-aral, dumanas, matuto. Tumayo sa sariling mga paa. Manindigan. At, maging matapang, huwag duduwag-duwag, sa pagharap sa tunay na buhay…
Shocks, I’m entering the stage of adulthood. Handa na ba ako?… Tumanda sana at dapat ako nang pasulong, hindi paurong…
Hay, ek-ek…
Previous Comments
Ang totoo niyan, hindi talaga ako marunong lumangoy. Sumasawsaw-sawsaw lang ako sa tubig. Hindi ako marunong lumublob. Asus, ni-literal ko naman. Jowk lang ito, literal na paglangoy yang tinutukoy ko. Hehe.
Pero sa figuratibong pagtingin, tunay, ako ay lalangoy na sa tunay na buhay. Lalangoy, sisisid… Sa buhay, gaya ng karagatan, marami akong makikita — mga isdang sarisari ang kulay at laki, seahorse, dikya, balyena, dolphin, at siyempre, mga pating at ahas-dagat. Naku po. Basta ingat na lang ako sa mga nakamamatay na hayop na ito ng karagatan. And then, mawawala ba naman ang mga basura? Takte, sa panahon natin ngayon, namumutiktik sa mga basura ang nangingitim na karagatan. I hope, kahit na ganito, makakatagpo at makakahanap pa rin ako ng mga magagandang coral reefs at mga perlas sa maririkit na mga kabibe… Kahit gaano karumi at kaitim ang dagat, may mahanap pa rin sana akong mga kagandahan…
Posted by xdalisayx at August 26, 2009, 4:20 pmOo naman, may mahahanap kang magagandang koral kahit na nagtatago ito sa sari’t saring basura.
Nasa saiyo na kung paano ka mamumulot pag lumangoy ka.
Pwede mong lahatin, pwede kang mamili
Posted by J.Kulisap at August 27, 2009, 8:44 amHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:34 amThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.



Namumukadkad gaya ng asul na bulaklak sa iyong blog.
Posted by J.Kulisap at August 26, 2009, 8:24 amMaligayang kaarawan sa’yo, ako ay iyong tagahanga, sa edad mong yan ay malayo na ang nararating ng iyong isip, iba ka sa pangkaraniwang kabataan.
Namnamin ang bawat yugto ng iyong buhay, hwag mong hayaang pigilan ka ng iyong takot.
Paano mo masasabing malalim ang tubig kung hindi mo susubukang lumangoy?