agosto…
August 8, 2009
Buwan ng Agosto. Espesyal na buwan ito sa akin, dahil ito ang buwan ng aking kapanganakan (mag-na-19 na ako… 1 taon na lang, di na ako teenager… anong saklap!
)…
At dahil ito rin nga pala ang buwan ng wikang pambansa.
Buwan ng wikang pambansa… Sabi ng mga manunulat, mga akademiko, mga eksperto - sa buong mundo, dito lamang daw sa Pilipinas mayroong ganitong pagdiriwang (mula sa “linggo” noon ay naging “buwan” na ito kamakailan lamang, mga 2007 yata - salamat sa effort ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino). Kelangan pang magkaroon ng ganitong okasyon taun-taon para lamang ipaalaala sa mga mamamayan ang pagmamahal at paggamit ng wikang sarili. Mas mahal kasi nating mga Pilipino ang mga wikang banyaga at mas mamatamisin pang magpakadalubhasa roon kaysa gamitin ang ating mga wika na ating hinahamak at kinasusuklaman. Tsk. Sa buong daigdig, dito lang naman sa Pilipinas nangyayari na ang pangunahing wika ng gobyerno ay banyagang wika, ang wika ng mga institusyon at negosyo ay Ingles, at ito ring wikang dayuhan na ito ang pilit na ipinapagamit sa edukasyon. Saan ka nakakita niyan? Sa Tsina, sa Hapon, sa Europa, sa Amerika, sa Indonesia, sa Thailand - ang wika ng pamahalaan at mga paaralan, at maging sa media - ay ang sarili nilang wika. Onli in da Pilipins ang di pagmamahal sa katutubo at sariling wika na kelangan pa ng Agosto bilang buwan ng wikang pambansa (o buwan ng mga wika ng bansa) para ang mga tao ay salitain ito at gayundin ay magsuot sila ng baro’t saya at barong tagalog at iba pang katutubong kasuotan. Occasional ang pagiging makabayan. After August, back to English tayo.
Buwan ng wikang pambansa… Wikang pambansa - Filipino (ayon sa Konsti - de jure; pero de facto rin naman, ito ang national language) - ito ang medyor ko… Pero, takte. Bad trip talaga. Kainis. Ang kapal ng aking mukhang sabihing medyor ko ito, nagpapakadalubhasa ako rito…
Taena kasi! May sabjek ako ngayon, “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” - midterms namin noong Huwebes. Hindi ako gaanong nakapagrebyu (bwisit kasi, ang hirap ng full load). Objective. x3 na multiple choice, x3 na tama o mali. Ang dami kong mali! E, di, kada mali, triple yon! Nangapa talaga ako ng mga sagot. Wala pa sa kalahati ang aking sigurado, puro ako hula… Mahina ako sa memorization. Nagdahilan pa ako… Pero, totoo, nahirati na kasi ako sa essay type na exams. Bobo ako sa objective… Sana kahit paano, maka-tres ako. Pasang-awa. Pero, mukhang malabo ‘to…
Nakakahiya lang kasi. Major ko iyon. Tapos, binagsak ko… Feeling ko tuloy, ang bobo-bobo ko tungkol sa wikang pambansa. Yung mga kaklase ko, wala pang 30 mins, tapos na. Habang ako, hirap na hirap - ako yung huling natapos sa exam (nakakapanliit yung pakiramdam na nag-alisan na ang lahat. Ikaw na lang ang natira. Tapos, ang dami mo pa ring di nasasagutan! Ang lupeet…)… Sinasabi kong tagapagtaguyod ako nito, pinagdadalubhasaan ko, pero wala naman akong alam tungkol sa kanya. Kabobohan ko talaga…
Kelangan kong mag-aral. Kelangang magbasa. Reading mode ako ngayon. Di na ako makapagsulat, makapagblog. Kelangang bumawi. Kelangang lagyan ng laman ang bobong utak na ito…. Hell week ko rin pala next week… 3 reports, isang paper, 1 long exam… Wooh!
Ang hirap… Potek.
Previous Comments
Oo nga po. Napakarami nating wika rito sa Pilipinas - mahigit isandaan - datapwat ayaw nating gamitin. Mas ibig pa natin ang wikang banyaga. Tsk.
Ang ibang bansa - mahal nila ang wika nila at iyon ang kanilang ginagamit. Di naman ito hadlang sa kanilang pag-unlad. Umunlad ang Hapon, ang Korea, hindi naman sa wikang Ingles, kundi sa sarili nilang wika. Ngayon, nag-aaral sila ng Ingles, para sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
Habang tayo - Ingles daw, mga banyagang wika, ani gobyerno, ang susi sa ating pag-unlad, sa ating pagiging “globally competitive.” Tingnan mo ang mga Hapones, ang mga Tsino, ang mga Taiwanese, ang mga Koreano - bubulol-bulol sila, di mahusay bumigkas, di magaling sa Ingles - pero mas mayaman sila sa atin!
Hay, ambot…
ewan ko sa inyo
kabaliwan nio



Pag-alala na lamang ang tangi nating naiuukol sa pinakamahalagang bahagi ng buhay nating mga Pilipino, ang pagpansin at paguukol ng ilang oras at panahon sa ating wika.
Ewan ko lamang pero pag nakarinig ako ng wikang Ingles o banyaga, parang musika baga sa aking pandinig.
Pero pag Pilipinong wika, walang pumapansin.
Hwag nating ilibing ang buhay na pagkakakilanlan sa atin. Ito ang ating kaibahan sa ibang bansa o lahi, ang ating wika.
Posted by J.Kulisap at August 9, 2009, 9:39 am