• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Post Item » kung bakit malaki ang suot kong damit…

kung bakit malaki ang suot kong damit…

July 27, 2009

 

Tingin sa akin ng mga tao

Ako’y isang tibo

Dahil malalaki ang T-shirts ko

Maluluwag ang pantalon ko,

Pagkat di ako seksi manamit

Gaya ng idinidikta

Sa mga kababaihan

Ng media at pamilihan.

 

Tinanong ako ni Ina,

“Tomboy ka ba, anak?”

At ang tugon ko:

 

“Babae ako, Ina,

Isinilang mo akong babae

Pareho tayo

May suso at puke

Ganito lang talaga ako manamit

Pagkat ako’y nahihiya…

 

Alam mo kasi, Ina,

Laging nakatitig sa akin si Ama,

Di ko maintindihan,

Ang mga mata niya

Parating nakatingin

Sa aking katawan;

Nailang ako

Kaya’t malalaking damit

Ang isinusuot ko.

 

Pero kahit na ganito

Balot na balot na ako

Hindi siya tumigil 

Sa mga titig niya sa akin…

 

 

- Para sa mga biktima ng reyp…

Ang karaniwang tingin kasi natin sa mga biktima ng panggagahasa ay — malandi kasi ‘yan, nang-aakit, nanunukso, kaya hayan tuloy, nareyp… Ngunit, hello?!! Ano ang masasabi ninyo sa mga biktimang batang paslit, lolang uugud-ugod, buntis, misis, apo o anak na dalagang walang kamalay-malay, at mayroon pa ngang sanggol???!!! At ako?! Ilang na ilang ako kapag nararamdaman o nakikita kong may nakatitig sa aking lalake, kahit pa nga ang aking ama! Malalaki na ang t-shirt ko at di ako nagsusuot ng maikling shorts. Laging katapat o lampas sa tuhod ang mga salawal ko… Tsk, pero kasi, babae ako… Basta’t babae ka, anuman ang edad mo, nasaan ka man o anuman ang katayuan mo sa buhay, o kahit kamag-anak ka pa ng reypist - wala kang takas at ligtas sa pagnanasa at libog ng kung sinong hayok sa laman na lalake. 

[A]ng gahasa ang kaisa-isang krimen na ang biktima (ang babae) ang kailangang magpatunay ng kanyang kawalang-sala.  Hindi siya ang humalay, humarot sa lalaki; hindi siya nakabihis na parang hahalayin o nanghahalay.  At sa una’t huling pagkakataon, hindi siya babaeng mahalay ang reputasyon… - Anatomiya ng Gahasa, ni Rolando Tolentino

 

 

babae lipunan
Posted by xdalisayx at 11:55 am | permalink

Previous Comments

Sapagkat ang tawag nang laman ay talaga namang nakahuhumaling, mabubulag ka sa pagsakop ng kung anumang animo nag-uutos nito.

Sana hindi na pinauso ang titi at puke.

Wala ng kasarian, pwede ba yon?

Kung magbuntisan na lang sa pamamagitan ng pagdadaupang palad o dili kaya ay pagdidikit ng taynga sa taynga.

Posted by J.Kulisap at July 28, 2009, 6:07 pm

May himig kayo ng pag-uyam sa inyong mga tinuran.

Ngunit reyp ho ang usapin dito. Hehe.

Hindi masama ang sex. Ang sex ay isang gawaing banal. Ito’y ipinagkaloob ng Diyos. Isa itong napakagandang regalong bigay Niya sa tao.

Ngunit ginagawa kasi ng taong karimarimarim, e, dahil sa kanyang mga kabuktutan at kahalayan. Tsk.

Posted by xdalisayx at July 29, 2009, 7:26 am

Ganun ba ang nabasa mo sa aking tinuran?
Ipagpaumanhin dala ito ng bilis ng akyat-dugo sa aking kalamnan.

Paano na kung ang tao ay piniling mag-isa, paano na makakatikim ng seks na katanggap tanggap?

Posted by J.Kulisap at July 29, 2009, 12:55 pm

Piniling mag-isa?
Aba. Mahirap yan. Tayong mga tao ay likas kasing mga sexual na nilalang. Kahit pari o madre ka pa, imposible ang hindi ka ma-”arouse.” Pagkat walang taong hindi na-aarouse, hindi nagnanasa, walang sexual needs & desires.
So kapag nag-iisa ka - ang sagot lang diyan ay pigilan ang sarili. Aba, kasalanan mo yan, kalbaryo, bakit kasi pinili mong mag-isa. Panagutan mo. Kayanin mo. Tiisin. Magtimpi. Pag nag-iisa ka, di ka makikipagseks, dahil wala ka namang partner (iyong partner na siyang dapat mong maka-seks) - ito ay kung matino kang tao.
Pero, kasi, nagiging idealist na naman ako. Bata pa ako, di ko pa alam ang tunay na takbo ng mundo…

Posted by xdalisayx at July 29, 2009, 4:35 pm

Isang malaking tawa, bata ka pa nga. Oo at napakainam ng pakiramdam ng pakikipagniig lalo na kung ang iyong kasuyo ay yaong iyong minamahal, sinasamba.

Subalit..mahirap maging ideyalista lalo na pagdating sa pakikipagtalik.

Kanya kanyang pananaw Dalisay.

Irespeto natin yan.

Posted by J.Kulisap at July 30, 2009, 6:42 pm

namangha ako sa unang pagkakataon na ipinunyal ang salitang ‘puke’ sa isang obra. hindi ko siguro mapapatawad ang sinumang lalaki na sa kasakiman ay ipinantawid ang kanilang libog sa isang inosente babae.

ninakawan. pinatay. inalisan ng isang bagay na magpapabago sa buhay ng isang babae.

may punto ang kulisap.
may punto ang dalisay.

natuwa ako hanggang sa dulo ng mga puna.

hitik na hitik ang inyong wikang tagalog ni kulisap. nakakamamangha at sa i.ph mismo ninyo isinatitik ang inyong magnum opus.

mabuhay kayo.

marahil nararapat na palitan ko ang aking ngalan-sayber. mula sa ax ako na si.. palakol.

Posted by Palakol at July 31, 2009, 10:12 am

Palakol, maari mong sugatan ang aming obra, ngunit kung ito ay iyong gagawin, mas huhusay pa ang aming takdang gawain dahil mararamdaman namin ang kirot na makapagpapagising pa sa natutulog na himaymay ng aming ugat at laman.

Sapagkat ang puke at titi ay katawatawa kapag ating pinag-uusapan, hindi tayo nagseseryoso kapag ito ang laman ng ating isip..marahil tinatakpan lamang nito ang reyalidad..mas nananaig ang libog kaysa sa linaw ng kaisipan

Posted by J.Kulisap at July 31, 2009, 5:29 pm

Hehe. Ganyan naman kapag wika natin - ating minamaliit. Sa Ingles, pag sinabing vagina o penis, walang malisya iyon. Sa atin, naku, napakabastos ng puke at titi. Ano ang mali rito? Ang mga ito naman talaga ang tawag natin sa kanila, ang mga salita natin, ang termino natin sa kanila.

Pag Ingles - intelektwal, scientific, advance, modern, mataas na uri ng wika ‘yan. Ngunit kapag mga wika natin - tsk, ang baba ng tingin natin. Hinahamak natin, di ginagamit, at di pinauunlad. Hay…

Ako, di naman ako malalim managalog. Duguan nga ang ilong ko diyan kay G. Kulisap e. At mukhang dadadag ka pa, G. Palakol. Maganda iyan, gamitin natin, itanghal ang ating sariling wika.

Posted by xdalisayx at July 31, 2009, 6:02 pm

Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.

Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:06 am

It’s good to see this information in your post!

Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:46 pm

This is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.

Posted by Coach Outlet Store Online at December 16, 2011, 3:49 pm

That they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,

Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:34 pm

buy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.

Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:46 pm

Monster dr dre headphones now have become more and more popular. It has excellent wearing comfort and a good sense of listening. Many users have no longer used in-ear phone to listen to music

Posted by Cheap Beats By Dre at March 24, 2012, 2:32 pm

Add a comment








 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

July 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

topix

acads anime babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God identity isip kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panaginip panahon panitikan Pasko Pilipinas sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (11324)
  • mayaman at mahirap… (9280)
  • ang walong sinag… (7746)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5727)
  • pag-ibig… (3804)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3753)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2477)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2325)
  • huwag nating hayaan… (1382)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1246)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • Air Jordan 11: What has come into being...
  • Cheap Nike Uniform Wholesale: Is really a good article,...
  • louis vuitton: Thanks for providing such informative...
  • cheap beats by dre,beats by dre,beats by: cheap beats by dre benefits...
  • cheap beats by dre,beats studio sale,bea: cheap beats by dre might...

uy, mesej ^_^

Creating History Together With Arenabetting Piala Eropa 2012:

thanks

forex:

http://forexjakarta.com
http://forexsukses.com
http://lowerrightbackpaininwomen.com
http://mendotainsurance.org
http://workmanscompinsurance.org
http://panduanmarketiva.blogspot.com
http://jenispenyakit.blogspot.com
http://forexsukses.com/creating-history-together-with-arenabetting-piala-eropa-2012

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino