• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Post Item » hay…

hay…

July 16, 2009

 

Hay. Puro na lang puna. Puro na lang hinaing. Ang daming reklamo. Wala na akong narinig na maganda at tama. Puro na lang pangit, mali, panay batikos at paninira.

Patalsikin si Gloria! Ibagsak ang pasista, tuta, kapitalista, imperyalista! Mga mapang-abuso, sakim, mapangamkam, mapang-api, mga ganid, mga ahas, linta, buwaya! Oo, sige na, tama kayo, mga pahirap talaga ang mga iyan sa buhay. Pero bago natin sila punahin, bago natin sila problemahin, asikasuhin muna natin ang ating mga sarili.

Ito po ay paalala lamang. Baka kasi sobra-sobra tayong mamuna gayong ang ating mga sarili naman mismo ay hindi maayos. Paano mo mababago ang iba kung ang sarili mo lang ay hindi mo mabago? Magsimula muna sa maliliit at simpleng mga bagay – bago makialam sa mas malalaki at malalalang usapin. Gawing matino muna ang sarili bago ang iba. Atupagin ang buhay bago ang lipunan.

 

  • Iyong balat ng kending iyong kinain, kapag walang basurahan, ibulsa mo muna. Hindi yung kung saan-saan mo na lang iniitsa. Matuto kang ligpitin ang iyong kalat. Paano mo maaayos ang mga basura sa sistema kung ang simpleng kalat lang ay hindi mo maitapon sa tamang lugar? At isa pa, nagdudulot ka ng problema sa baha na kay raming mga mamamayan ang pinipinsala. Akalain mo, dahil lang sa balat ng kending iyong itinapon, naging salot ka na ng lipunan at ang dami mong naperwisyo.
  • Magsegregate ng basura. Mahirap ba yung magkaroon ka ng magkahiwalay na plastik para sa mga nabubulok at sa di nabubulok? Hindi ka ba nandidiri na yung kaning-baboy ay inihahalo mo sa papel o bote? Yung mga di nabubulok gaya ng papers, bote, plastik – mga kalakal yan, pwedeng pagkakitaan ng mga kababayan natin sa junk shop. Huwag mong ihalo sa mga tira-tira o nabubulok na pagkain. Eeew…
  • Huwag kang dumura sa kalsada. Masama yan. Nakakarumi ng paligid, so kadiri sa paningin, at nagkakalat ka ng germs na magiging cause ng sakit. Paano mo malulunasan ang sakit ng lipunan kung ikaw mismo ay nagdudulot nito?
  • Sa mga kalalakihan, kapag umiihi sa urinal, hindi ba pwedeng i-shoot naman?  May butas ba yung urinal o hindi niyo lang mai-shoot? Kadiri kasi, e, nagkalat ang ihi sa daan at kay panghi.
  • Magmaneho nang maayos kung may sasakyan ka. Sumunod sa batas-trapiko. Sa mga mananakay, sumakay sa tamang sakayan. Ang mga tumatawid, tumawid sa tamang tawiran. Sundin ang traffic signs at dumaan sa pedestrian lane. Gumawa-gawa ang MMDA ng mga footbridge, ginastusan natin yan, tapos di natin gagamitin. Para naman sa ating kaligtasan iyan, e. Ang dami kong nakikita, tumatawid dun pa mismo sa ilalim ng footbridge. Titigas ng ulo. Tapos, kapag nakasagasa o nasagasaan, magagalit, panay reklamo na naman. E kasalanan mo naman. Naghihimutok ang karamihan - kung anu-ano raw kasi ang pinaggagagawa ni BF sa ating mga lansangan. Kung anu-anong harang, ang daming arte, mga pahirap - e kasi naman tayo, mga walang disiplina.
  • Reklamo ka nang reklamo na ang mga nasa gobyerno, hindi ginagawa ang kanilang trabaho. E ikaw, ginagawa mo ba ang mga dapat mong gawin? Pahikab-hikab ka, paupo-upo, merienda nang merienda, nakikipagtsismisan, nakikipaglandian, asikasuhin mo muna ang trabaho mo. Maraming nangangailangan ng iyong serbisyo. Yung iba naman na walang trabaho, naghahanap ba? Baka naman nakatambay lang. Hindi babagsak mula sa langit ang trabaho. Huwag tumunganga. Kung hindi tayo kikilos, walang kikilos para sa atin. Ang tanging makakatulong sa atin ay ang ating mga sarili mismo.
  • O, nakakatulong ka ba sa gawaing bahay? Maayos ba ang bahay mo? Baka naman hindi ka man lang makapagwalis o hindi mo man lang maayos ang hinigaan mo pagkagising mo. Nagkakandakuba na si nanay o si ate o si lola o si misis o si kasambahay – di ka man lang tumulong. O kahit iwasan mo na lang magkalat. Bago ka lumabas at magsisisigaw sa lansangan, ayusin mo muna ang balay mo. Para pag-uwi, hindi mainit ang ulo mo dahil sa mga kalat.
  • Baka naman sigaw ka nang sigaw na pabagsakin ang imperyalista at kapitalista, panay naman ang mall o Starbucks mo. Huwag magreklamo na wala kang pera gayong may pantext ka o pangmall. Pabagsakin sila, e tinatangkilik mo naman ang kanilang mga inihahaing produkto at serbisyo.
  • Pabagsakin uli ang imperyalista – e gustung-gusto mo naman ang kultura nila. Puro Ingles ang mga kantang paborito mo. Puro Ingles ang paborito mong pelikula. Idol na idol at crush na crush mo ang mga artistang dayuhan . Hangang-hanga ka sa mga banyaga. At ang damit mong suot, ang mga gamit mo, panay imported. Suklam na suklam ka sa mga gawa at kulturang Pinoy. Sige nga, sabihan mo ako ng paborito mong kantang Pinoy, pelikulang Pinoy, nobelang Pinoy, epikong Pinoy, painting ng Pinoy, tulang Pinoy – ewan ko lang kung may maisagot ka.
  • Mabuhay ang mga magsasaka at manggagawa! E, iyang kanin mo – inuubos mo ba? Baka may tira-tira ka dyan sa plato mo, simutin mo! Kung makapagtapon ka ng bigas o kanin, ganun-ganun na lang! Bawat butil ng bigas ay pahalagahan mo, produkto ng magsasakang iyong ipinaglalaban! At saka sa manggagawa – kung apakan mo’t dumihan ang pader, ganun na lang! Kung makapagkalat ka sa lansangan, ganun na lang. Kung makapag-aksaya ka ng papel, sobra-sobra; di ka na naawa sa mga nagpagod gumawa niyan sa pabrika. Isipin mo ang pawis nila na gumawa ng mga bagay na iyong ginagamit at lugar na iyong pinupuntahan.
  • Ang mga magulang mo, baka nilalapastangan mo! Ang kapatid mo, lagi mo na lang inaaway! Ang asawa o bana mo, kinapopootan mo, sinasaktan mo ang damdamin! Ang anak mo, galit sa iyo! Sinasabi mong may malasakit ka, mahal mo ang bayan, e ang pamilya mo lang hindi mo mapagmalasakitan, hindi mo magawang mahalin! 

 

Maraming mga patalastas tungkol sa pagsisimula sa sarili ng pagbabago. Tama naman iyon. Kalokohan kasi yung nakikialam ka sa problema ng bayan, samantalang jowk ang buhay mo.

Huwag hangarin ang pagbabago ng lipunan kung ang sarili mo ay hindi mo mapagbuti. Wag problemahin ang problema ng iba, saka mo na sila intindihin kapag maayos na ang buhay mo. Para hindi ka masabihan na ipokrito/a. Genuine, tapat at totoo, ang iyong pagmamahal sa iyong kapwa at lipunan kung gayon ka.

 

“Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika’t aalisin ko ang puwing mo,’ gayong gatahilan ang nasa mata mo? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo’y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.” – Hesus, Mateo 7:3-5

 

Galit na galit ka kay Gloria, kay Erap, kay Garcillano, kay Fernando, kay Marcos, sa Abu Sayyaf, kay Lozada, sa mga dayuhan, sa kapitalista, sa imperyalista, sa MMDA, sa pulis, sa kapitbahay mo, sa asawa ni ganito ni ganyan, sa boss mo, sa katrabaho mo, sa titser mo, sa kaklase mo, sa kabarkada mo, sa syota mo, sa utol mo, sa erpats at ermats mo, at kung kani-kanino pa. Hindi ka nagagalit sa sarili mo – e wala ka namang magawang mabuti. Sarili mo, hindi mo maayos. Tsk, tsk.

 

 

Puna ako nang puna, akala mo kung sino akong matuwid, e gago naman pala ako.

 

 

bayan lipunan
Posted by xdalisayx at 11:08 pm | permalink

Previous Comments

Kapag minahal na natin ang ating sarili, kapag natanggap na natin ang ating pagkukulang, kapag ikinusa nating makakita ang ating mata, at kapag musika na ang ating naririnig mula sa ating taynga, doon magsisimula ang pagbabago sa sarili, wala ng kahirap-hirap tumulong upang ibangon ang ibang nais din bumangon.

Maganda ito Dalisay.

Posted by J.Kulisap at July 18, 2009, 6:21 pm

Salamat, kuya Kulisap.

Napagtanto ko iyan. Puna ako ng puna sa mga isyung panlipunan, samantalang ako - hindi man lang ako naghuhugas ng pinggan sa bahay. Kapal talaga ng mukha ko. Sinasabi kong tutulungan kong bumangon ang bayan, pabagsakin ang mga mapang-aping makapangyarihan - gayong hindi ko man lang matulungan si Nanay sa mga gawaing-bahay. Tsk, tsk.

Posted by xdalisayx at July 19, 2009, 2:46 pm

Parang itong ating mga isinusulat, maaring pumuwing, maaring magsilbing panghilamos ngunit, sarili nati’y hindi siguradong malilinis- mapagbalatkayo.

Posted by J.Kulisap at July 20, 2009, 6:53 pm

The goose canadian are good brand-name clothes, which is established in Canada. canada jacket is the latest ugg boots market. This external shell material is processed, it’s patented PTFE protection this Canada Goose Mens Jacket can be closed or money order or by the former zipper nylon zipper flap coverage. You just want to increase the Winter boots and comfortable, will increase the charm of your personality. Canada Goose Women are ready to keep you warm this winter. With the onset of winter, everyone began to store near a comfortable winter coat. canada goose is so comfortable, you warm. Great design and fashion style will show your great personality. Our true capabilities and reduce Canada goose jacket edge model of a great mix.

Posted by Canada Goose Baby at November 25, 2011, 4:46 am

Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.

Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 4:49 am

It’s good to see this information in your post!

Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 11:48 am

This is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.

Posted by Coach Outlet Store Online at December 16, 2011, 3:27 pm

Add a comment








 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

July 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

topix

acads anime babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God identity isip kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panaginip panahon panitikan Pasko Pilipinas sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (11324)
  • mayaman at mahirap… (9280)
  • ang walong sinag… (7746)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5727)
  • pag-ibig… (3804)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3753)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2477)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2325)
  • huwag nating hayaan… (1382)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1246)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • Air Jordan 11: What has come into being...
  • Cheap Nike Uniform Wholesale: Is really a good article,...
  • louis vuitton: Thanks for providing such informative...
  • cheap beats by dre,beats by dre,beats by: cheap beats by dre benefits...
  • cheap beats by dre,beats studio sale,bea: cheap beats by dre might...

uy, mesej ^_^

Creating History Together With Arenabetting Piala Eropa 2012:

thanks

forex:

http://forexjakarta.com
http://forexsukses.com
http://lowerrightbackpaininwomen.com
http://mendotainsurance.org
http://workmanscompinsurance.org
http://panduanmarketiva.blogspot.com
http://jenispenyakit.blogspot.com
http://forexsukses.com/creating-history-together-with-arenabetting-piala-eropa-2012

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino