kapag ipinamukha sa ‘yo ang kabobohan, kaengotan, kapangitan, at iba pang kahinaan/kapintasan mo…
June 20, 2009
Sino ba ang di masasaktan kapag ipinamukha sa kanya ang kanyang kabobohan, katangahan, kamangmangan, kapangitan, katabaan, kapayatan, kabahuan, at iba pang kung anumang kahinaan/pagkukulang/pagkakamali/kapintasan niya?… Siyempre, wala…
Kanina, habang nagninilay-nilay, kainis, bakit ba biglang sumagi na lang sa akin ang mga nakakahiya at nakapagngingitngit na pangyayari sa buhay ko?! Sa dinami-rami ng pwedeng maisip ay bakit ‘yon pa ang naisip ko? Nakakainis talaga nung patayuin ako ng titser ko dahil ako’y di nakasagot, kapag nilalait-lait ako ng prof na pang-high school ang gawa ko, walang kwenta ang paper ko, nung bumagsak ako - nakasingko ako, kapag pinapagalitan ako ng mga magulang ko sa kabobohan ko, kapag pinagsasabihan ako ng ibang tao na ang tanga-tanga ko, etc. etc. etc. - napakaraming pangyayari na napakasasama, napakasasakit kung alalahanin…
Sa buhay ng tao ay di mawawala ang mga tinatawag na embarrassing moments… Sa mundo kasi, sadyang may mga taong pagtatawanan ka, hihiyain ka, prangka, kung makapamintas ay ‘kala mo kung sinong perpekto, kung makapangyurak ng pagkatao ay ganun-ganun na lang, napakalupit… Talagang mahapdi kapag nasugatan ang ego mo, basag ang self-esteem mo. MASAKIT, TALAGANG MASAKIT… Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na habang minamata ako, nagtitiim ang aking mga bagang, naluluha na ang mga mata ko pero pilit kong pinipigilan dahil sa hiya. Pagdating sa bahay, saka ako agad tatakbo sa kwarto at iiiyak ang lahat sa unan…
Galit talaga ako sa kanila na pinahiya ako. Ang sama ng loob ko sa mga taong ‘yon… Ngunit ito’y noon… Na-realize ko ang katotohanan ng sinasabi nilang ang panahon ay isang mahusay na manggagamot, magaling manghilom ng sugat… Nung moment na kini-criticize nila ako, pinapahiya nila ako, sobrang sakit talaga, at umaabot pa ng ilang araw at maging buwan ang bigat ng loob ko sa kanila… Pero later, napagtanto kong dahil naman sa kanila, naiwasto ko ang mga kamalian ko, napunan ko ang mga pagkukulang ko, napabuti at napatatag ko ang aking sarili…
Magiging matibay ka sa mga taong ganun - mapamuna at mapanlait… Oo’t masakit, talagang ilulubog ka nila sa kahihiyan, winawalan ka nila ng dangal… subalit pagdaan ng panahon, maiisip mo ring dapat mo pala silang pasalamatan…
Kapag panay papuri ang natatanggap mo, kabahan ka. Oras na may mamuna sa iyo, baka hindi mo kayanin. Kung kaya’t ok na rin ang puro negatibo ang sinasabi sa iyo ng mga tao. At least, kapag may manlait man uli sa iyo, sanay ka na, immune ka na…
“Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin.”
- Francisco “Balagtas” Baltazar,
mula sa kanyang “Florante at Laura”
Marupok ka kung di ka sanay sa kritisismo. Konting puna lang, pikon ka na agad. Alalahanin mong walang perpektong tao - kaya’t kung mapuna ka, huwag masyadong masasaktan. Lahat ng tao, may pagkukulang, may kahinaan…
—–
powtek, asar talaga… ang sakit ng lalamunan ko… Pagkagising ko lang ‘to kaninang umaga… Mukha pa akong sisipunin… Ang init ng pakiramdam ko… Paksyet, huwag naman sana akong lagnatin…. Paksyet talaga…
Yung kapatid ko, nasa hayskul… July 2 na raw ang pasok nilang muli… Nagkaroon kasi ng kaso ng AH1N1 sa kanila, sinuspinde ang klase nila nitong linggo… Sa iskul namin, may isang kumpirmadong kaso, pero di raw isususpinde ang klase… Ang laki-laki ng campus, mahirap daw i-close down… Takte kang virus ka, wag mong mainfect-infect ang katawan ko, kundi… Taena, di ako pwedeng umabsent!!!! Mahirap ang mahuli sa mga lesson!!!! Woooh!!! Kainis!!!
Pis!
Previous Comments
huh? bakit, aiza?
Posted by xdalisayx at July 3, 2009, 7:34 pmUi.. nakakainspire ka hihihih
gusto ktang mging Friend
alam mu tma k jan!!!
dpat tLga ma22 taung 2manggap ng mga puna,, mga negative comments b
heheheh
Posted by Ruby Rosa at July 28, 2009, 9:27 amUy, salamat. Sige, friends tau. Asus, wala ka namang link. Hehe. Salamat sa pagdaan sa hamak na blog na ito.
Posted by xdalisayx at July 29, 2009, 7:11 amKapag ganyan ang nangyayari sa akin.
Ang iniisip ko na lamang ay:
“Nangyayari lamang ang mga dapat mangyari”
hehehe.
simpleng pananaw.
PS:
Lagi kita nakikita sa kayumanggingdamdamin ah hehe. ganda ng site n to. dami writer sarap magbasa ^^
Posted by PinoyFastTraffic at August 10, 2009, 10:18 amHehe. Salamat sa pagdalaw rito. Salamat sa pagbabasa.
Hehe. Kayumanggingdamdamin. Kaibigan ko kasi sa blogosphere yung si kuya kulisap e. Hehe.
Ui… its been a long time since ive viewed ur blogs
hahah
heres my E-add
Bhezies_02@yahoo.com
add me on FB,FS,Ym,twitter, Plurk
ggnda ng mga posts mu
hahha
Posted by Ruby Rosa at November 22, 2009, 5:44 pmUi, salamat, ruby rosa. Binabasa mo pala entries ko. Hehe….
Pretty ka pala. Nakita ko facebook mo.
Email na lang siguro… Hehehe… May facebook naman ako (ung iba, wala), kaya lang, mahirap iexpose ang identity. Di naman sa nag-iinarte ako, kaya lang, pag may nakakilala sa aking kakilala ko, nakakahiyang malaman nila itong mga pinagbabablog ko. hehehe.
Posted by xdalisayx at November 23, 2009, 7:32 pmastig tlaga neto.
tama nganman.
dpat mging strong..
:)
You are still what you were, while I have learnd how to keep distance.
Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:45 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:18 amHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 4:55 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 12:36 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.
woww great post good luck
Posted by model busana murah at January 11, 2012, 3:43 pmThat they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:36 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:47 pm


bkit huh1
Posted by aiza at July 3, 2009, 4:45 pm