sa mga mata ng isang dayuhan (unang bahagi)…
June 6, 2009
Hindi lingid sa atin ang mga kamakailang sunud-sunod na naglabasang pagyurak ng mga dayuhan sa lahing Pilipino. Paglait sa ating mga mediko, Pinay bilang katulong, nation of servants, mail-order bride…
Datapwat, narito, ipantatapat ko sa kanila – ilang magagandang bagay tungkol sa Pilipinas, mula sa isang aklat ni Pramoedya Ananta Toer ng Indonesia. Ang libro, ang “Anak Semua Bangsa,”* ay ang ikalawa sa kanyang Buru Quartet, 4 na bolyum na nobela. Itong Buru Quartet ay parang Noli at Fili natin. Tungkol ito sa kasaysayan ng Indonesia – kasaysayan sa ilalim ng kolonyalismo. Kung tayo, napasailalim ng mga Español (na, later, ng mga Amerikano at Hapones naman), sila, sa Olandes o Dutch. Mga late 19th at early 20th centuries ang saklaw na panahon ng mga akda niyang ito.**
Si G. Pram (1925-2006) ay isang mahusay at dakilang manunulat. Ayon kay Thelma Kintanar,*** noong kalagitnaan ng dekada ’80, ninomina siya para sa Nobel Prize for Literature at umabot sa short list ng mga pinili para sa award. Ito raw ay napakalaki nang karangalan sapagkat wala pang taga-Timog Silangang Asya na nagawaran ng prestihiyosong award na iyon.
Kung paanong ang Noli at Fili ni Rizal ay sinalamin ang sitwasyon ng ating bansa noon, ang Buru Quartet ay hango rin sa tunay na buhay, sa tunay na lipunan, napakahistorikal. Si G. Pram ay hindi lang writer, siya ay researcher din, nagtatala, nagdodokumento. Kaya naman, ang mga nabasa ko sa kanyang nobela – hindi piksyon ang mga iyon, totoo sila, talagang nakaayon sa kasaysayan.
Iyong unang dalawang bolyum pa lang ng Buru Quartet ang aking nabasa, ang Filipino translation ng “Bumi Manusia” (Daigdig ng Tao) at English ng “Anak Semua Bangsa” (Child of All Nations). Sa pasukan, sana’y magkaroon ng panahon, susubukan kong basahin yung 2 huling bolyum – hiramin ko sa library. Maganda kasi, e. Talagang magaling na writer si G. Pram. Ang kanyang mga nobela ang highlight, ang pinakatampok na pinag-aralan namin sa isang sabjek ko last sem. Salamat sa sabjek na iyon, marami talaga akong natutuhan.
Heto na po, halaw mula sa “Child of All Nations,” salin sa English mula sa Bahasa Indonesia ni Max Layne. Dinialogue form ko ang usapan nina Minke at Khouw Ah Soe (mga tauhan sa nobela) – yung usapan nila tungkol sa Pilipinas.
[Si Minke ay Javanese, 18-year-old na binata, edukado at maykaya, na siyang bida sa nobela. Si Khouw Ah Soe naman ay isang Chinese, 20-year-old, kabataang aktibista na sa pagnanais na mamulat at magpalaganap ng mga ideolohiya ay nangibang-bansa, at napadpad sa Indies (ang tawag sa Indonesia nang mga panahong iyon – Dutch East Indies). Isipin niyo na lang, si Minke ay parang si Ibarra, at si Khouw Ah Soe ay si Elias. Tinuturuan, iminumulat ni Khouw si Minke sa mga tunay na pangyayari sa lipunan, sa mundo, isa na rito ang tungkol sa Pilipinas:]
Mula sa Chapter 4 ng Child of All Nations, pp. 88-89:
Khouw: You no doubt know what happened in the Philippines.
Minke: (His words came at me like an accusation. The Philippines was for me no more than a place on the map, a geographical location. The Philippines is not far from my own country but I knew almost nothing about it.) A pity, but no.
Khouw: (He laughed and his narrow eyes disappeared completely from his face. His sparse pointed teeth emerged to represent his absent eyes.) They studied well from the Spanish, from Europe, even before the Japanese. Even before the Chinese. It is a pity they were a colonized people, unlike Japan. The Filipinos could not develop because they were colonized. The Japanese have developed – developed too well. The Filipinos were good pupils of the Spanish. And the Spanish were bad teachers, rotten and corrupting. But the Filipinos didn’t just accept their teachings uncritically. The Filipinos are also great teachers for other conquered peoples of Asia. They were the founders of the first Asian republic. And it collapsed. A great historical experiment.….. So, you don’t know anything about the Philippines?
Minke: Unfortunately, no. I only know there was a war between the Spanish and the Americans there.
Khouw: (He laughed.)
Minke: What’s the matter?
Khouw: The Spaniards and the Americans – their war – it was all an act (ito yung Mock Battle sa Maynila na ’sumiklab’ noong Agosto 13, 1898). There was no conflict between them; it was all to do with letting the Spaniards sell the Filipino people to the United States without having to lose face before the eyes of the world.
Minke: How do you know all this?
Khouw: How? Wasn’t all this reported in the newspapers?
Minke: I’ve never come across any such reports……
Khouw: The Philippines cannot be forgotten, can they? Even if they were deceived by Spain and America? It is inevitable that other conquered peoples will follow in their footsteps. Yes, even in the Indies. If not now, then later, when people know how to handle their teachers (o ‘colonial masters’).
BUTI PA SI PRAM! Isang dayuhan, pero napakamaalam sa ating kasaysayan! BUTI PA SIYA! Alam niya ang kadakilaan nating mga Pilipino! Habang tayo, isinusumpa natin ang sarili nating bayan, ang ating mga sarili!!!
Sa usapan sa itaas, ating nakita sa katauhan nina Minke at Khouw ang pagkilala sa ating mga Pilipino ng Indonesia at China. Na-inspire sila ng ating lahi, naging modelo nila tayo. At saka, nakita niyo naman, naihanay tayo sa China at Japan? Naks naman! Mas nauna pa pala tayong mamulat tungkol sa Europa, sa mundo, kaysa mga Chinese at Japanese?! Totoo ito, kung titingnan mo sa kasaysayan… Pero ngayon, nakakalungkot, ang layo ng agwat natin sa kanila, nahuhuli tayo. Ang saklap. Tama rin talaga ang sinabi ni Khouw – “It is a pity they were a colonized people.” Pahirap talaga, demonyo, bangungot ang kolonyalismo. Matindi, malalim ang sugat na iniiwan, napakahirap mahilom, hindi mapagaling-galing.
May karugtong pa ito, may ikalawang bahagi pa. Si Ter Haar naman ang magpapaliwanag ng tungkol sa Pilipinas kay Minke. Isa siyang Dutch journalist, liberal, aktibista, radikal.
- Itutuloy… - (Pakiklik ito para sa Ikalawang Bahagi)
Notes:
* “Anak Semua Bangsa” – “Anak ng mga Bansa” – hehe, panisinin niyo, hindi nagkakalayo ang wika natin sa wika nila. Magkakapamilya kasi ang mga wika natin sa Pilipinas at ang mga wika roon sa kapitbahay na Indonesia.
** Nang mga panahong ito, grabe, namangha ako, naging kilala, tanyag pala ang Pilipinas sa mundo. Hindi ako malay tungkol dito noong hayskul. Dito lang talaga ako sa kolehiyo natutuwa at malalim na natututo hinggil sa kasaysayan ng aking bayan. Tsk, tsk. Hay, maraming pagkukulang ang basic education. Hirap na hirap ang mga propesor sa tersyaryo na punan ito. Mga guro, huwag nating sayangin ang 10 taon ng buhay ng ating mga mag-aaral! Turuan natin sila, imulat!
*** Isinalin niya sa Filipino ang “Bumi Manusia,” na naging “Daigdig ng Tao,” unang bolyum ng Buru Quartet.
Previous Comments
So much interesting contents here! You can go to see Eh bien, je vous remercie pour le partage
Posted by Ugg Outlet at October 19, 2011, 2:17 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:28 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 1:21 pmJust hope that you will keep publishing such great ones in the future too.
Posted by North Face Apex Jacket at January 10, 2012, 4:03 pm


Kagaya ng ibang bansa, nakamtan din natin ang pagsasarili pero ginamit na tayo ng mga dayuhan, ang dalisay na paniniwala natin ay unti unting dinungisan ng maitim na hangarin ng mga mananakop.
Hindi rin natin masisi ng tuluyan ang ating mga kapwa dahil ang dugong nananalaytay sa atin ay hindi na puro.
Magkaganun man, inaasahan kong sa mga mahahanap mo pang sulatin ay maibabalik ang dangal na minsan na nating nakamtan, nga lamang ay muling ninakaw na mapaniil na hangarin ng ilan
Posted by J. Kulisap at June 7, 2009, 3:48 pm