mabait tayo sa dayuhan…
June 3, 2009
Naalala ko na naman. Kwento ulet ng isang prof ko. Enjoy na enjoy talaga ako sa mga nakakapukaw na kwento ng mga nagiging titser ko. Tumatatak talaga sa aking isip… Ehehehe. Sana, pag naging titser na ako, mapukaw ko rin ang mga magiging estudyante ko. Wish ko lang. Haha.
Heto na – tungkol naman sa pagiging ‘mabait’ nating mga Pilipino sa mga dayuhan…
Nasa airport daw si prof noon. Hindi ko na matandaan kung pauwi siya sa probinsya nila o pabalik na rito sa Maynila. Basta, nasa pila siya. Tapos biglang may dayuhang pumunta roon sa unahan. Pinapasok nung gwardya yung banyaga. Nagtaka siya. At nainis. Nilapitan niya yung guard. “Bakit naman ho ganyan? Porket dayuhan yun ay pinapasok niyo na? Hayan, o, may pila?! Nakapila kami rito tapos iyon, basta-basta niyo lang pinapasok?! Hala, pabalikin ninyo iyon at papilahin.” At pinabalik nga nila yung foreigner at pinapila.
Tsk tsk. Sabi niya – iyan ang problema sa ating mga Pilipino. Mabait tayo pagdating sa mga dayuhan. Nangangatog ang ating tuhod kapag kaharap natin ang mga banyaga, habang ang lupit naman natin sa ating mga kapwa Pilipino. Ang ating gobyerno, tuta ng dayuhan. Ang batas natin, walang bisa kapag banyaga ang nasasakdal. Si Daniel Smith na nga lang – saan ka ba naman nakakita ng bansang ang nahatulang dayuhan ay nasa pangangalaga ng embassy nito? Ang US embassy, maituturing itong foreign territory – nahatulan si Daniel Smith, dapat ay nasa poder natin siya (Ewan ko na lang kung ano ang gawin sa kanya ng mga nasa Muntinlupa pag nagkataon. Pero, ayun, wala na, pinalaya na siya. At nakita nyo pa ang piktyur niya ‘before & after’. Tumaba siya nung pinalaya! Inaalagaan ba naman sa kanyang embassy, e. Sarap ng buhay ng lokong ito gayong convicted siya at dapat na naparusahan.). Habang ang mga kababayan natin na nasa ibang bansa, nirereyp, inaabuso, pinatay or bibitayin na – hindi natin maipagtanggol-tanggol.
Sino ang magmamalasakit sa atin kundi ang atin ding mga sarili? Concerned ba ang mga dayuhan sa atin? Hindeee! Nosi ba tayo sa kanila? Sino ba tayo? Kilalanin, igalang at mahalin muna natin ang ating sarili at tiyak na kikilalanin, igagalang at mamahalin din tayo ng iba. Mga epal tayo, e, papampam tayo sa kanila; pinapansin ba nila tayo?
Tingnan nyo na lang ang Japan at China. Naisip ko lang. Mukhang ang isang Kanluranin, kapag tinanong mo sila ng tungkol sa Asya, tungkol sa Silangan – ang agad nilang maiisip ay ang mga singkit na taong ito. When they talk about Asia, agad na pumapasok sa isip nila ang samurai, ang kung fu, ang ninja, chopsticks, ang cherry blossoms, yung music ng mga Chinese/Japanese, kimono, traditional Chinese/Japanese clothes – yung kultura ng Silangang Asya! Tayo, mga Pilipino, naninirahan sa Perlas ng Silangan, kilala ba nila?
Hindi gaano! Kasi, tayo mismo, hindi natin kilala ang ating sarili! Ang Japan, ang China, hindi sila marunong ng Ingles. Ipinagmamalaki nila at mahal nila ang kanilang kultura. Pero, naman, iginagalang at kinikilala sila ng mga taga-Kanluran!
Tayo, may alam ba tayong pantapat sa mandirigmang samurai? Meron ba tayong pantapat sa kung fu? Kapag nakakaharap ka ng isang dayuhan at nagtanong siya ng tungkol sa Pilipinas, tungkol sa Philippine culture, may maisasagot ka ba? Nililibak at pinagtatawanan pa nga natin ang sariling atin, e. Baduy ang baro at saya, at nakapamburol ka pag naka-barong tagalog ka. At ang mga Igorot, nilalait natin; ang mga Muslim, gayundin, inaapi natin. Pero kung tutuusin, sila ang may angking maipagmamalaking kultura. Tayong mga taga-lungsod, mga nasa Katagalugan, nasa kapatagan, ano ang kultura natin, iyong kulturang sariling atin, ano ang maipagmamalaki natin bilang Pilipino? Wala tayong mga katutubong sayaw, ritwal, ni wala tayong epiko…
Kopya tayo nang kopya sa Kanluran. Hangang-hanga tayo sa kanila. Sumisipsip tayo sa kanila. Nagpapakadalubhasa tayo sa kultura nila. Pero, kinikilala ba nila tayo?
Mga kababayan, mamulat tayo. Hanapin ang ating sarili. Hindi yung yakap nang yakap sa banyaga, dahil hindi naman nila tayo yayakapin. Makikilala tayo sa mundo kung ating kikilalanin at mamahalin ang ating mga sarili.
Pis!
Previous Comments
Hey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:43 amIt’s good to see this information in your post!
Posted by Coach Factory Outlet at December 13, 2011, 1:29 pmThis is a very good idea! Just want to say thank you for the information, you have to share Coach Outlet Store Online
. Just continue to write such a position. I will be your faithful reader. Thank you again.



Sinabi ko na yata dati ito dalisay na hindi pa tayo nakakawala sa tanikala ng kahapon…naging alipin tayo ng mga mananakop at hanggang ngayon ay mas inaalipin tayo ng sarili nating imahe.
Lahat yata ng Pilipino ito na ang naging kaisipan dahil kung hindi baka hindi na siya Pilipino.
Ito na nga ang ibinubunga ng ” racial diversity” kung kani kanino tayo nagpapalahi, hindi na buo ang pagiging lahing kayumanggi.
Kawalan ng pagpapahalaga sa lahing pinagmulan ang dahilan ng mababang pagtingin natin sa ating sarili, may mga utak naman tayo pero kapag dayuhan na ang ating kaharap pakiramdam natin alipin tayo sa gigilid.
Magsisimula ang pag-angat ng isang lahi kung sa sarili mismo magmula ang pagbabago at pagtingin.
Posted by J.Kulisap at June 4, 2009, 12:38 pm