sa kabilang buhay….
April 19, 2009
Naalala ko lang ang kinuwento sa amin ng Physics teacher namin noong 4th year high school, about sa kabilang buhay… Favorite teacher namin siyang magkakaklase. Interesante kasi siyang titser - kakaiba ang takbo ng isip niya, ang kanyang ugali, at ang style/method niya ng pagututuro…
Minsan, nagsalaysay siya sa ‘min ng kanyang pagmumuni-muni sa buhay. Di ba, sabi sa Bible, pagkatapos ng lahat-lahat, pagkatapos ng Paghuhukom, kapag naipatapon na ang lahat ng mga masasamang tao sa dagat-dagatang apoy ng impyerno, at pinagkalooban na ng Diyos ng buhay na walang hanggan ang mga matutuwid - dun sa Kingdom Niya, wala nang paghihirap, wala nang pagdurusa, wala nang sakit, wala nang gutom, wala nang kalungkutan, wala nang kamatayan… Pinaghaharian ng Maykapal ang paraisong iyon, at ang mga tao’y walang gagawin kundi ang sambahin at purihin Siya…
Comment naman ng titser namin sa paraisong yun (Ito, humigit-kumulang, ang mga sinabi niya): Masaya kaya ‘yon? ‘Yong sinasabi nilang paradise na yon? Wala nang sufferings, miseries, wala nang sakit, even death… E, di ba, mararanasan mo lang ang kaligayahan kapag may kalungkutan? Alam mo kaya ang kaligayahan kung walang kalungkutan?
Napukaw ang klase namin sa mga sinabi niyang iyon. Oo nga, ‘no? May punto siya… Kung puro ka na lang kasiyahan, masaya kaya yun? Panatag na panatag ang buhay, mapayapa, masaya, walang pasakit, walang alalahanin, walang suliranin - ok kaya yun?… Ang buhay nga, anila, ay challenging, exciting, nagkakaroon ng kulay dahil sa mga problema. Hindi mapaghihiwalay ang buhay at ang problema - magkakambal sila… Katulad din ng kalungkutan at kasiyahan. Mahirap paghiwalayin ang lungkot at saya, ang hirap at ang ligaya. Hindi mo alam ang isa kung wala ang isa.
What do you think?
Oh, well… Ako naman, oo, sa sinabi niyang iyon ay nag-doubt din ako sa heaven, sa paradise… Pero, ano ba naman kasi ang isip ko sa isip ng Diyos?! Kahit pagsasa-samahin ang talino at galing ng lahat ng tao, wala yan sa kalingkingan Niya. Maraming description sa Bible kung gaano Siya karunong, katalino, kung gaano katindi ang wisdom Niya. Kaya ipaubaya na lang natin sa Kanya ang mga bagay-bagay. Bawas-bawasan ang mga pag-aalinlangan, ang mga pagkwestyon. Wag maliitin ang Kanyang dakilang kapangyarihan at karunungan. Kailanman ay hindi natin maaarok ang hiwaga ng Kanyang pag-iisip. Ang kailangan talaga ay faith, pananampalataya, pananalig sa Kanya, na kahit maraming bagay tayong hindi maintindihan, Siya ang bahala sa atin.
“Teach me to trust in You with all of my heart, TO LEAN NOT ON MY OWN UNDERSTANDING…” sabi nga nung kanta…
Yeah! Praise the Lord! Purihin ang Panginoon!
Aaah…


