ummm… sekswalidad ko…
April 17, 2009
“Bakit kaya ganun magdamit si Ate Katrine (palayaw ko sa bahay)? Parang lalake…” narinig kong komento ng isang batang pinsan ko, 10 taon lamang, sa aking pananamit. Tumatak sa akin iyon. Hindi maalis. Napag-isip-isip ko noon kung sino nga ba talaga ako – ano ang aking sekswalidad, kung babae nga ba talaga ako…
Totoo ang batang iyon sa kanyang tinuran. Karamihan sa mga damit ko – T-shirts at pantalon, ay panlalaki. Ayoko kasing magsuot ng mga maliliit at hapit na damit – na silang damit-pambabae na uso sa kasalukuyan. Naaasiwa ako sa masikip na damit. Hindi ako komportable. At saka, pakiramdam ko (at totoo naman yata), mataba ako. Siyempre, sa masikip na damit ay mahahantad ang malulusog kong mga laman. Kaya gusto ko ng maluluwag na damit. Subalit, ang mga nasa pamilihan kasing kasuotang pambabae ay mga hapit – large na ay masikip pa rin sa akin (ang saklap! LARGE NA, di pa rin kasya sa akin! ahuhuhu…). Kaya’t ang mga binibili ko ay panlalaking shirts at pantalon – small at medium.
Noong bata ako, pambabae naman ang mga suot ko. Pero nitong teenage years, panahon ng pagdadalaga, ay parang na-conscious ako sa aking sarili at nagsimulang magsuot ng mga maluluwag na damit, na kadalasan ay panlalaki. Nang lumaon, nagkaroon ako ng pakiramdam na transgender ako. Dahil sa lipunan ko – ang komento ng pinsan ko; ang minsang pang-aasar ng mga kakilala ko sa aking tomboy ako, tibo, silahis, alanganin; ang madalas na pagsasabi nila sa akin, “O, Katrina, tomboy ka ba? Bakit di ka magsuot ng seksi(ng damit)?” (at iba pa na hindi ko ginagawa bilang babae – mag-make-up, magsuot ng hikaw, singsing, step-in at iba pang sapatos/sandals na pambabae); at sa nakikita ko sa mapanghusgang mga mata ng mga tao – naging transgender ako. Pakiramdam ko, ako’y lalaki sa katawan ng isang babae.
Ngunit hindi naman ako homo. Bi ako (ito’y noon; ngayon kasi ay asexual ako, sa tingin ko). May crush din kasi ako sa lalaki. Gayundin sa babae. Marami akong crush (pero di ako polysexual) – babae at lalaki. Ngunit kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng karelasyon. Hanggang simpleng crush lang talaga ako, simpleng paghanga, pagkagusto, simpleng “pagnanasa.” NAMAN! Hehe…
Ngunit nitong third year ako sa kolehiyo, napansin kong nawalan ako ng “pagnanasa” sa kahit sino pa man – gaano man siya kagwapo, kaganda, kamacho, kaseksi. Pati mga crush ko, hindi ko sila naiisip at wala lang sa akin kapag nakikita ko sila. Hindi ko alam, pero wala ako sa kondisyon nitong nagdaang taon hanggang ngayon sa pag-iisip tungkol sa seks, gender, relationships, sekswalidad. Siguro, ang dahilan nito ay acads. Sobrang bugbog ako sa acads ko. Bawat sem ay 21 units, full load, at may CWTS at PE pa. GRRRR… Tapos, wala pa akong social life… hayzzzz, so boring ang life ko…..
Naastigan ako sa Gender Theory na natutunan ko sa isang sabjek ko nitong nagdaang sem. Napakalaking tulong nito sa mga taong nagugulumihanan at may mga pag-aalinlangan, tulad ko. At doon sa “fluidity of sexuality,” nalaman kong hindi pala ako abnormal, sapagkat normal at walang masama sa pag-iiba-iba ng sekswalidad. Naging malay ako. Nalaman ko kung sino ako, kung ano ako, at tanggap ko ito. Nagkaroon din ako ng kumpiyansa sa aking sarili. Anuman ang sabihin nila, ako ay ako, at hindi ako pakakahon sa makitid, mahigpit, malupit na lipunang heteropatriarchal, heteronormative, heterosexist.
Hekhekhek…
Pis tayo! ![]()
Previous Comments
Asexual. Pinipilit ko maging asexual. Ayoko maging homo, hetero, o bi.
Pero, ambot. Di ko pa rin maintindihan. Confused pa rin ako. Nalilito. Naguguluhan.
Posted by xdalisayx at July 29, 2009, 7:07 amHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:38 amthanks for that great info
Posted by Busana Grosir Indonesia at January 11, 2012, 3:32 pm


e ano ka n pla naun? grl, o tibo?
Posted by princess_30 at July 28, 2009, 5:03 am