Bakit kapag babae…….?!!
April 9, 2009
Bakit pag lalake, di natin malalaman kung virgin pa siya o hindi na,
Pero pag babae, malalaman mo yun?
At kapag nalaman natin na di na virgin ang babae,
Malandi siya, masama, haliparot, susumpain natin siya;
Pero pag ang lalake ang di na virgin, ok lang?
Bakit pag lalake, ok lang na magpagabi sa daan;
Kapag babae, hindi?
Ang babaeng nasa lansangan pa ng hatinggabi ay isang pakawala
At nag-aabang ng kostumer o manggagahasa sa kanya.
Bakit kapag lalake ang tumitingin-tingin,
Sumusulyap-sulyap, o tumititig sa mga magaganda at seksing babae,
Ok lang? Normal lang?
Pero pag babae ang tumitingin-tingin at tumititig sa mga lalake,
Masama?
Bakit pag ang lalake, may katabaan o may katandaan na,
Di naman gaanong pinapansin;
Pero pag ang babae ang mataba o matanda ang hitsura,
It’s a big deal?
Pag ang lalake, may ibang kinakasama
Ok, masama nga – pero sa tingin pa rin natin ay normal lang yun sa kalalakihan,
Kamachuhan pa nga raw minsan kapag maraming babae;
Ngunit pag ang babae ang nangangaliwa,
Di ok at di normal
At malandi at makati kang babae kapag ganoon ka?
Pag ang matandang lalake, bata ang karelasyong babae,
Di ito gaanong big deal, kumpara naman
Sa matandang babae na ‘kumekerengkeng’ pa –
May karelasyong batang lalake?
Kapag ang lalake, tumandang binata,
Ok lang;
Pero pag ang babae, tumandang dalaga,
Kawawa naman siya – walang nanligaw, walang umasawa?
Bakit kapag magulo ang kwarto o bahay ng lalake
Ok lang? Lalake kasi, e;
Pero pag babae ang may magulong bahay o kwarto,
Tamad na babae! Ano ba ‘yan?! Di marunong mag-ayos!
Kababaeng tao pa naman!
PUTANG INA mo! PUKE ng INA mo! MOTHER fucker! Son of a BITCH! PUTA ka! Ay, KIKI mo!
Bakit ang mga mura – puro sa babae?
Di ba pwedeng TITI NG AMA MO naman?!
— Pasintabi po sa mga mura at kabastusang ito! Lalo na po sa mga kabataan, at sa mga di masyadong bukas ang isip sa mga ganitong bagay…
SANA, PIS PA RIN TAYO! ![]()
Previous Comments
Napakaganda ng iyong isinulat. Dalisay na dalisay.
May tapang, nagsisimulang maging manunulat na totoo. Gusto ko ang iyong kaisipan dito prinsesa.
Kaming mga lalaki ay nilikhang dominante, hari, tagapagpasunod.
Ang mga babae ay ang kahinaan ng mga lalaki. Nakalakihan na pero isipin mo din kung walang lalaki, walang babaeng magiging putang ina…ang wakas Titing Ama Nia.
Posted by J.Kulisap at May 26, 2009, 12:23 pmUnang nilikha si Adan, saka si Eba… Si Eba, hinugot lang sa tadyang ni Adan… Sabi pa sa Bible, dapat pasakop ang babae sa lalake.
Naimpluwensyahan kasi ako ng mga kaisipang feminista sa iskul. Naging bitter ako sa pagiging babae sanhi sa mga ito… Hindi naman galit ang mga feminista sa mga lalake, kundi sa sistema, ang sistemang kiling sa isang gender at inaapi ang iba… Hehe, di naman masama ang loob ko sa mga lalaki, kundi sa lipunan, sa kalakaran, sa sistema…
Anu't anuman, kailangan talaga ng babae at ng lalaki ang isa't isa. Di mabubuhay ang isa nang wala ang isa. Dapat tayong magco-exist.
Posted by xdalisayx at May 26, 2009, 6:12 pmOo kailangan yon, isipin mo kung pantay pantay ang lahat, wala ng kulay ang mundo.
Posted by J.Kulisap at May 27, 2009, 12:23 pmMay punto kayo sa sinabi ninyo hinggil sa pagkakapantay-pantay. Pero maliligalig nito ang mga 'komunista,' ang mga nananalig sa 'classless society'…
Ako, malay ako sa mga hirap, kalupitan, kasaklapan, kawalang-katarungan ng lipunang di-pantay-pantay ang mga tao. Merong mga taong relo lang ay milyun-milyon na ang halaga, bag lang ay daan-daang libo ang presyo; habang ang iba, gutom, ni wala man lang makain, namumulot sa basurahan. Shineshare ko ang mga sentimiyento ng mga nakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay…
Pero, kung paano makakamit, kung paano maisasakatuparan ang lipunang iyon - di ko alam. Parang imposible ang 'classless society.' Ang hirap nun. Di ko ma-imagine. Sa kabilang buhay na lang siguro mangyayari iyon, sa pagahahari na lang ng Diyos.
Ah, kumplikadong usapin ito…
Prinsesa, ang katotohanan ng buhay ay nalalasap na natin.
Ang milyong halaga ng relo ay ‘di ibig sabihin ng walang kapantay na ligaya sa pulubing nakakain na ng tiratira sa kalsada.
Kanya kanyang kaluguran ika nga. Maaring sa iba hindi iyong ang kaligayahan pero sa iba yon ang kaligayahan at kapayapaan
Posted by J.Kulisap at May 27, 2009, 6:18 pm“double standard” talaga ang lipunan natin.
Posted by prettylatebloomer at June 4, 2009, 6:41 pm…xa… it is the best …stor i like it ..why …dahil.. maipaliwanag kuna naman …kung ano ung nasa isip ko at…ang mga kasalann ng mga guy…sa mga grl..jejeje ..first sabihin nalang nating alang babaeng malandi kung di nlandi nang lalaki dibah,, sbhin nalang nating.. guy is the best manloloko no…but…ahmmm lalaki is the best loving hahahha…xa.. ang drama no maxado kung kinawawa ung mga guy eh mas babae naman ung my mga guy….. asap hai…tnx for ur………..\\beautifull story about…. love and what other..
Posted by berlie at December 5, 2009, 3:40 pmSalamat din sa iyo Berlie sa pagdaan at pagbabasa rito.
Isang malaking galak sa puso ng isang blogger ang malamang may bumabasa pala at nakaka-appreciate sa kanyang mga kung anu-anong ipinapaskil sa mundo ng Internet. Hehe. Na-inspire mo akong magpatuloy lang sa blogging… Malay natin, may mapukaw akong kahit sino at kahit konting mambabasa — nakapagbigay-aliw ako sa kanila kahit papaano…
There is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.
Posted by coach stores at December 20, 2010, 9:56 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 25, 2010, 9:22 amThis story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*
Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:36 amMore praise others - do not spend money, but also make you happy, why not?
Posted by supra shoes at December 29, 2010, 9:38 amG R E A T !
Thanks for publishing about this article. There’s a lot of useful info on the internet, You’ve got a lot of that info here on your web site. I’m impressed You’ve done a fantastic job
MAGALING..MAGALING..MAGALING..BRAVO!!!(clapx5)
napakaganda ng nilalaman ng blog n ito..mga babaeng api..mga lalakeng dominante..
+1
Posted by #28 at March 13, 2011, 1:48 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 26, 2011, 5:35 amI like that that you say {as|like} my friend thanks
Posted by Trendy Busana Murah at January 11, 2012, 3:29 pmThat they will not be the most effective people. Not surprisingly, brand-new home theater system,
Posted by Louis Vuitton at March 6, 2012, 2:31 pmbuy the best container with the price tag, or even obtain the price cut code.
Posted by Louis Vuitton Outlet at March 6, 2012, 3:45 pm


lolz natawa naman ako dito! oo nga korek ka dyan!
Posted by bahaghariako at May 25, 2009, 10:05 pm