• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

xdalisayx

kanlungan ng isang sawimpalad, pinagkaitan ng tadhana, nalulumbay, walang makausap, KSP, tamad, walang direksyon, palutang-lutang, parating naguguluhan sa buhay at lipunan. Ng taong isip nang isip pero wala namang magawa at engot pa rin... ah, ek-ek...

Home » Archives » April 2009

para ba sa mga dayuhan?

April 21, 2009

May naalala na naman ako…

Sinabi ng prof ko tungkol sa pagpapakaloko nating mga Pinoy sa Ingles…

Ang mga karatula o signs ng mga tindahan/pamilihan, ng mga establisiyemento, ng mga gusali, maging sa lansangan (pero ngayon, okey na Filipino ang gamit ng mmda sa mga babala/paalala) - nasa Ingles. Sa bansang Tsina kaya, sa Singapore, sa Thailand, sa Indonesia, sa Europa? Wika nila ang mababasa mo kapag umapak ka sa kanilang lupain. Hindi mo mauunawaan ang mga characters/salita nila. Bahala kang intindihin sila.

At ang mga dokumento natin - nasa Ingles. Ang mga finifill-up-an (or fill out?) na kung anu-anong forms sa kung saanmang opisina, kumpanya, tanggapan, bangko, maging mga eskwelahan - saan ka makakakita ng nasa wikang Filipino? Lahat ‘yan nasa Ingles. Sige nga, patingin ng withdrawal slip o deposit slip mula sa kung saang bangko na nasa Filipino, kung meron man? Kakatuwa naman kung meron. At ang birth certificates, marriage certificates, o kung anu pa mang legal na dokumento, nasa Ingles din - kung minsan, merong Filipino sa ilalim ng mga salitang ingles (tsk, nasa ilalim talaga; pangunahin ang Ingles!)… Sa ibang bansa kaya, dun sa mga karatig natin at sa mga mauunlad na bayan? 

At ang mga nasa gobyerno natin? Sa mga dokumento/papeles nila at mga hearing - English ang dominante. Maging sa paaralan, ipinagpipilitan ang banyagang wika… Ang mga Koreano kaya, Hapones, Tsino, Thai, Indones, Pranses, Aleman, Italyano - sa pamahalaan at mga paaralan nila - ano kaya ang sinasalita nila?

KATWIRAN naman ng iba, para maintindihan tayo ng mga dayuhan kaya tayo nag-i-Ingles. Sabi naman ng prof ko, BAKIT? PARA BA SA MGA DAYUHAN ANG MGA ITO? 

OO NGA NAMAN! Lagi at lagi na lang nating inaalala ang mga dayuhan. Sa kanila na lang tuwina nakatuon ang ating mga paningin at atensyon. Kailan ba tayo mag-uukol naman ng pansin sa ating mga sarili, sa ating sariling bayan?

Oh, well. Siguro kasi, kaya lagi natin silang inaalala ay naka-depend heavily sa ibang bansa ang ating ekonomiya. Wala naman tayong mga industriya. Nakaasa tayo sa foreign investments at pag-eeksport ng resources/crops/raw materials natin, pati lakas-paggawa. Amo natin ang mga dayuhan sa ibang bansa, at pati sa sariling lupa natin sapagkat ang mga may-ari ng mga negosyo ay mga dayuhan…

Tsk, tsk, di tayo makatindig sa sarili nating mga paa…

 

(note lang po: I have nothing against the English language. Ayan nga, ginagamit ko, o! At marami akong utang na loob sa wikang ito - ang dami kong nalalaman at natututuhan sa pamamagitan ng wikang ito - international lingua franca, e! My point lang naman is, masyado ang pagpapahalaga natin dito to the point na binabalewala at minamata natin ang ating sariling wika. NAMAN!)

 

Pis!  :)

 

bayan lipunan wika
Posted by xdalisayx at 7:59 am | permalink | comments[5]

tibak-tibakan…

April 20, 2009

 

Observations and comments ko lang po sa mga activists o tibak na kakilala ko o nakikita sa iskul na aking pinapasukan…

 

Tibak ang tawag nila sa kanilang mga sarili. Sila ang mga nag-a-RTR o nagru-room-to-room, nanghihikayat sa mga estudyante na sumali sa mob, sa rali, o sa kung anupaman. Sila ang mga madalas na makitang nagsisisigaw sa AS lobby o sa mga kalsada ng kampus tungkol sa mga ipinagtatanggol nilang mga demokratikong karapatan laban sa mapang-aping sistema. Sila ang mga lumalapit sa mga kumpulan ng mga estudyante upang pagpaliwanagan ang mga ito sa mga isyung panlipunan. Sila ang mga aktibistang kabataang mulat, kritikal, at matatapang na binabaka ang mga pasista, imperyalista, kapitalista, tuta, at iba pang mga naniniil sa ating bayan…

Ummm, totoo naman ang mga ipinaglalaban nila. Magagaling silang magsalita at alam naman nila ang kanilang mga pinagsasasabi. May ilang mga puna lamang ako…

I had these 2 professors kasi na may nabanggit about the lifestyle of these people. Dahil sa kanila, sinimulan kong obserbahan, pagmasdan ang mga ‘tibak’ sa aking paligid (dun nga sa iskul na aking pinapasukan)…

Pero note lang po - hindi ko po nilalahat. Ilang tibak lang ang mga patatamaan ko (nakowh? patatamaan talaga ang word?! pis!) May mga tibak kasi akong hinahangaan dahil dedicated at totoo talaga sila sa kanilang pakikipaglaban - sa isip, sa salita, sa gawa, sa lifestyle. Hindi sila yung tibak-tibakan lang.

Heto na po ang observations ko, sa mga, iyon na nga, tibak-tibakan:

- Wow! Ang ganda! Ang soft, ang dulas! Ganda ng hair ng lola mo! Ano kaya ang treatment na pinagawa niya sa buhok niya? Straight na straight. At may highlights pa…

- Awts, pare. Astig ng cell phone. Hebigat. Di na lang keypad ang pangkontrol. Pwedeng pindutin na lang ng daliri o kung anumang stik yung screen ng cp. ASTEEEEG!!!   (Samantalang sa akin, black and white lang… *titingin sa baba at mag-eemote*… Ang cheap ko, no?… Cheap kayo dyan?!! Kunan ko kayo ng video gamit tong cp ko, e. Makita nyo!!! Hmmph! Ehehehe. Pis tayo!)

- Oooooh! Tingnan mo’ng porma. Ang seksi. Sosyal! Ganda ng blouse at boots. Di ba, active ‘yan sa pag-a-RTR at pagrarali?

- Anak ka ng toots! Ganda ng laptop, o! Dala-dala niya kahit saan. Tapos, mauupo pa yan sa corridor o sa hagdanan. NAMAN! Gustong ipakita sa mga lugar na maraming taong dumaraan. Parang ipinagyayabang ang laptop niya. Di vah?! Pwede namang sa isang vacant room tumambay na walang ibang tao at doon gamitin ang kanyang precious laptop o notebook o kung anumang chuva ek-ek na gadget o device o computer pa ‘yan. Kainggit tuloy… (Habang ako, 2 years na sa internet cafes lang nagkokompyuter, doon nagtitiyagang magresearch at mag-type ng papers ko. Nitong 3rd year lang ako napaayos at napakabitan ng internet ang pc namin sa bahay… ahuhuhu. Hirap maging mahirap talaga.)

- And, last observation na lang. Madalas kong pinagmamasdan ang kamay ng mga tao, maging sa kanilang mga tibak. Ang mauugat na mga kamay ay tanda ng isang taong sanay sa paggawa. Pero karamihan sa kanila, mukhang malalambot ang mga kamay, makikinis, walang bakas ng ugat. Naalala ko ang kwento ng isa sa 2 profs na binaggit ko kanina, about sa pinsan niya na tibak. Ang galing-galing daw nitong magsalita at sumigaw sa mga rali. Pero sa bahay, señorita - di man lang tumulong sa nanay nitong nagkakandakuba na sa paggawa ng mga gawaing-bahay.

 

Ahummmmmm. Tsk, tsk, tsk…

 

Ako… Di ako sumasali sa rali, sa pakikipaglaban para sa karapatan ng uring api, ng uring magsasaka at manggagawa, kung ang lifestyle ko mismo ay tinutunggali ang uri nila...

 

Ayokong magsisigaw sa lansangan

Kung sa sarili kong bahay

Ay hindi man lang ako makapaghugas ng pinggan.

 

Huwag sanang sa isip at salita lang. Sa praktika din. Praxis nga, di ba?!

 

Ako, di naman ako nagmamalinis. Marami rin akong mga pagkukulang at kapintasan. My point is, eto lang naman: pinupuna nila ang ibang mga estudyante na hindi nakikiisa sa kanila, gaya ko (di naman directly na pinupuna ang mga apathetic, ‘walang pake’ na students, pero mararamdaman mo e, sa mga titig nila at mga pahiwatig) - pero, hello, ang mga lifestyle nila ay hindi tugma sa kanilang ipinaglalaban?! Ayokong nakikipaglaban, sumawsaw sa mas malalaking mga problemang panlipunan kung ang sarili kong buhay ay di matino o taliwas na taliwas sa ideyolohiyang isinusulong ng mga naghihikayat. Kaipokritahan yun e.

 

Ummm… Hala…

 

PIS tayo! :)

   

activism
Posted by xdalisayx at 4:44 pm | permalink | comments[4]

sa kabilang buhay….

April 19, 2009

 

Naalala ko lang ang kinuwento sa amin ng Physics teacher namin noong 4th year high school, about sa kabilang buhay… Favorite teacher namin siyang magkakaklase. Interesante kasi siyang titser - kakaiba ang takbo ng isip niya, ang kanyang ugali, at ang style/method niya ng pagututuro…

Minsan, nagsalaysay siya sa ‘min ng kanyang pagmumuni-muni sa buhay. Di ba, sabi sa Bible, pagkatapos ng lahat-lahat, pagkatapos ng Paghuhukom, kapag naipatapon na ang lahat ng mga masasamang tao sa dagat-dagatang apoy ng impyerno, at pinagkalooban na ng Diyos ng buhay na walang hanggan ang mga matutuwid - dun sa Kingdom Niya, wala nang paghihirap, wala nang pagdurusa, wala nang sakit, wala nang gutom, wala nang kalungkutan, wala nang kamatayan… Pinaghaharian ng Maykapal ang paraisong iyon, at ang mga tao’y walang gagawin kundi ang sambahin at purihin Siya…

Comment naman ng titser namin sa paraisong yun (Ito, humigit-kumulang, ang mga sinabi niya): Masaya kaya ‘yon? ‘Yong sinasabi nilang paradise na yon? Wala nang sufferings, miseries, wala nang sakit, even death… E, di ba, mararanasan mo lang ang kaligayahan kapag may kalungkutan? Alam mo kaya ang kaligayahan kung walang kalungkutan?

Napukaw ang klase namin sa mga sinabi niyang iyon. Oo nga, ‘no? May punto siya… Kung puro ka na lang kasiyahan, masaya kaya yun? Panatag na panatag ang buhay, mapayapa, masaya, walang pasakit, walang alalahanin, walang suliranin - ok kaya yun?… Ang buhay nga, anila, ay challenging, exciting, nagkakaroon ng kulay dahil sa mga problema. Hindi mapaghihiwalay ang buhay at ang problema - magkakambal sila… Katulad din ng kalungkutan at kasiyahan. Mahirap paghiwalayin ang lungkot at saya, ang hirap at ang ligaya. Hindi mo alam ang isa kung wala ang isa.

What do you think?

Oh, well… Ako naman, oo, sa sinabi niyang iyon ay nag-doubt din ako sa heaven, sa paradise… Pero, ano ba naman kasi ang isip ko sa isip ng Diyos?! Kahit pagsasa-samahin ang talino at galing ng lahat ng tao, wala yan sa kalingkingan Niya. Maraming description sa Bible kung gaano Siya karunong, katalino, kung gaano katindi ang wisdom Niya. Kaya ipaubaya na lang natin sa Kanya ang mga bagay-bagay. Bawas-bawasan ang mga pag-aalinlangan, ang mga pagkwestyon. Wag maliitin ang Kanyang dakilang kapangyarihan at karunungan. Kailanman ay hindi natin maaarok ang hiwaga ng Kanyang pag-iisip. Ang kailangan talaga ay faith, pananampalataya, pananalig sa Kanya, na kahit maraming bagay tayong hindi maintindihan, Siya ang bahala sa atin.

“Teach me to trust in You with all of my heart, TO LEAN NOT ON MY OWN UNDERSTANDING…” sabi nga nung kanta…

 

Yeah! Praise the Lord! Purihin ang Panginoon! :)  Aaah…

 

buhay death faith God paradise tao
Posted by xdalisayx at 5:29 pm | permalink | comments[6]

bsed, major in fil

April 18, 2009

 

Bachelor in Secondary Education (BSEd) ang kurso ko, Major in Filipino. Magfofourth year na me sa darating na academic year. Marahil, nang malaman niyo ang kurso ko, mababa ang naging tingin niyo sa akin, lalo na at nabasa niyo pa na ang medyor ko ay Filipino. Oo, alam ko naman iyon, huwag na kayong magkaila. Sa lipunan natin ngayon, sino nga ba ang mga titser? Napakababa ng suweldo nila at hindi na kagalang-galang sa lipunan. At ang wikang Filipino? Huwag na ’yan, Ingles ang kailangan natin. Dapat ay marunong mag-English ang isang Pilipino dahil kung hindi, wala siyang mapapasukang magandang trabaho…

 

Sa katunayan, hindi naman ako ang may nais na maging guro ako, kundi ang aking ina. Noong nag-aaplay kami ng nanay ko sa mga universities and colleges ay wala pa akong desisyon sa aking sarili kung ano ang ibig kong karera. Marami akong pinangarap tulad ng pagiging doktor, writer, chemical engineer, sundalo, dentista, pulitiko, abugado, at psychologist, ngunit sa mga iyon ay nalilito ako’t walang tiyak na magustuhan. Dahil dito, ang nanay ko na lang ang nagpasya para sa akin. Pumayag na rin sa desisyong pagiging titser ko ang tatay ko, bagaman ibig sana niyang maging doktor o sundalo (sundalo ang tatay ko) ako, BUT takot naman ako sa dugo at sa lamang-loob. Kaya, sa mga application form para sa mga entrance exam sa mga unibersidad at kolehiyo, ang inilagay kong kursong kukunin ko ay BSEd at ang pangalawa kong  choice ay BS Psychology.

 

Pumasa ako sa isang unibersidad sa kursong BSEd at dito ako nag-aral. Wala naman akong mabigat na pagtutol sa nanay ko hinggil sa kurso ko kaya’t magaan naman ang loob ko sa aking pag-aaral. Dito sa unibersidad na ito, unti-unti kong natuklasan ang puso ko sa edukasyon. Ang mga propesor ko rito (maliban sa mangilan-ngilan na matatapang at hindi kanais-nais ang pamamaraan sa pagtuturo) ay mahuhusay at talaga namang kahanga-hanga. Maayos ang trato nila sa mga estudyante – pantay-pantay at walang diskriminasyon. Hindi nanghihiya, inirerespeto at mataas ang tingin sa students. Malawak at bukas ang isip nila sa loob at sa labas ng silid-aralan. May malasakit sila sa mga estudyante at tunay na marami kang matututuhan sa kanila. Higit sa lahat, kinakitaan ko sila ng dedikasyon sa kanilang propesyon, ang pagiging guro, at sa pinagdalubhasaa’t itinuturo nilang disiplina. Mula sa pagpasok nila sa klasrum hanggang sa pagtayo at pagsasalita nila sa harap ng klase, naririnig ko’t nadarama ang pagtibok ng kanilang puso para sa edukasyon, sa pagtuturo nila sa aming kanilang mga mag-aaral. Ang pagtibok ng puso nilang iyon ay nagpapintig ng sa akin. At, sa loob ko ay sumibol at unti-unting lumago ang binhi ng kalaanan at tungkulin sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Natagpuan ko ang sarili ko’t nagkaroon ako ng direksiyon sa kung ano ang isa sa mga misyon ko sa buhay. Hindi naglaon mula nang pumasok ako sa kolehiyo ay naging desidido na ako sa kung ano ang “gusto kong maging,” nalimutan ko na ang iba kong mga pangarap, at hindi na ako nagbalak pa na mag-shift sa ibang kurso.

 

Ngayo’y dumako naman tayo sa aking medyor. Madalas maitanong ito sa mga education student. At kung ako ang tatanungin, gaya ng nasabi ko na’t nasa pamagat, Filipino ang medyor ko. Marami ang nagtatawa at kumukutya sa akin sa tuwing sasabihin kong Filipino ang medyor ko. Ewan ko kung iyon ba’y dahil sa napakadaling sabjek ang Filipino (Pilipino na nga tayo’y  mag-aaral pa ng Filipino?), o kung ayaw nila ng Filipino, o dahil sa hindi ka intelektuwal, di ka matalino, kapag sa Filipino ka nagpapakadalubhasa. Ngunit magkagayunman, hindi ako nagpapaapekto. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, gawin na nila ang nais nilang gawin, basta ako, sinusunod ko lang ang ibig ko at alam kong wala naman akong ginagawang masama. Ummm, Filipino kasi ang favorite subject ko simula’t sapul pa noong elementary, kaya dito ko napiling magmedyor.

 

Subalit, datapwat, ngunit, hindi naging madali para sa akin ang pagpupursige ko sa aking kurso at medyor. Kabi-kabila ang mga balakid sa daan ko. Nariyang matahin ako ng aking mga kamag-anak at kakilala sa pag-aambisyon kong maging isang “TITSER LANG.” OUCH! AREKUPO! Habang ang ibang mga kakilala na sinasabing nursing ang kinukuha, engineering, ang sososyal, napapa-WOW sila. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lipunang Pilipino, mababa ang tingin sa pagtuturo na isang napakadakilang propesyon. Magkakaroon ba ng inhinyero, arkitekto, senador, doktor, abugado kung wala ang guro? Sa kurso ko ay kakampi ko ang aking ina. Subalit sa aking medyor, kasama siya sa aking mga kalaban. Bakit daw hindi SpEd (Special Education)  ang kinuha ko? Balita kasi na sa Amerika ay in-demand ang mga SpEd teacher – kailangan ng mga Kano ng mga magtuturo at mag-aalaga sa may depekto nilang mga mamamayan. Maging dito man sa ating bansa, kailangan at malaki ang suweldo ng mga SpEd teacher. O kaya nama’y bakit hindi raw English ang minedyor ko gayong ayon sa gobyerno’y kulang na kulang tayo sa mga “competent English teachers” at kailangang-kailangan pa naman ng mga Pilipino ang Ingles para makapagtrabaho sa ibang bansa o makapaglingkod dito sa atin sa mga dayuhang negosyante. Nariyan din ang nakapanghihina ng loob na sitwasyon ko sa kolehiyo ko (Kolehiyo ng Edukasyon) kung saan napakakaunti, wala pa nga yatang sampu, hindi, wala pa nga yatang lima, ang kumukuha sa Filipino bilang medyor. Kapag may tinatanong ako na ka-kolehiyo ko kung ano ang medyor niya, madalas na ang natatanggap kong sagot ay SpEd o English. Samantalang ako’y heto, nagpapakabayani, nag-iisa sa batch ko (’06) na nagmemedyor sa Filipino. Hanggang sa ngayon, magfofourth year na me, ang mga kakilala ko sa Eduk na nagmemajor sa Filipino tulad ko ay dadalawa lang, mga senior ko. At sa isang major subject ko pa na kinuha sa kolehiyo ko nung 2nd year ako, “Palatunugan at Balarila ng Filipino para sa mga Guro ng Filipino,” aanim lamang kami sa klase – 3 taga-CAL (College of Arts & Letters; BA Filipino) at 3 kaming taga-Eduk (ang mga kasama ko’y nagmemedyor sa Social Studies, minor sa Filipino). Muntik na ngang ma-dissolve ang klase kong ito dahil hindi man lamang kami umabot sa sampu, subalit salamat at hindi natuloy dahil ang isang taga-CAL ay graduating na. Dahil sa pangyayaring ganito, minsan nag-aalala ako dahil baka ma-delay ako sa paggradweyt (WAG NAMAN SANA! O, HINDEEEE), baka hindi ako makatapos agad – kinakabahan ako na baka marami akong mga major subject (iyon nga, mga sabjek sa Filipino) na hindi ko matapos kaagad dahil hindi mabuksan ang mga ito sa kakauntian ng mga kumukuha (ng mga nagmemedyor sa Filipino). Isama pa sa mga paninira ng loob na mga ito ay ang pagbawas ng DepEd sa oras ng klase sa Filipino. Noong ako’y nasa hayskul, apat na araw sa isang linggo ang klase ko sa Filipino. Ngunit ngayon, ayon sa kapatid ko na nasa ikatlong taon ng hayskul, dalawang araw na lamang ang Filipino nila. Paliwanag kasi ng gobyerno, nakakahadlang daw ang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang Ingles. Anong klaseng takbo ng pag-iisip iyon? Gawin daw bang sagabal ang wikang pambansa, ang pagka-Pilipino natin, sa pag-aaral ng mga bata ng wikang dayuhan? Natawa na lamang ako sa ibinalita sa akin ng kapatid ko na umabot na sa puntong iyon ang gobyerno sa pagsupil sa Filipino. At nagkaroon na naman ako ng isang alalahanin na baka sa paggradweyt ko ay burahin na ng DepEd sa kurikulum ang Filipino. Paano na ako magtuturo?

 

Magkagayunman, sa harap ng ganoong mga negatibong puwersa, nananatili pa ring matatag ang inyong lingkod. Anu’t anuman ang mangyari, hindi ako matitinag sa pagtataguyod ko ng Filipino. Hekhekhek… Ewan ko nga ba, gusto ko kasi ng Filipino, mahal ko kasi ang ating wika’t panitikan. Kahit na mahirap, kahit ilang daang pangungusap pa ang ipagawa sa akin ng guro ko sa balarila, kahit ilang daang talata pa ang ipasulat sa akin ng guro ko sa panitikan, kahit na mag-nosebleed pa ako sa kakasuri ng mga tula at maiikling kwento at nobela, at kahit ano pa ang paghamak na gawin ng iba sa akin, hindi ko matalikuran ang Filipino. Gayon nga yata kasi, ano? Maging gaano man kahirap ang isang bagay, maging anuman ang mga balakid, basta’t gusto mo ang bagay na iyon, tunay na walang makapipigil sa iyo.       

 

Pis! :)

 

acads career
Posted by xdalisayx at 10:12 am | permalink | comments[9]

ummm… sekswalidad ko…

April 17, 2009

 

“Bakit kaya ganun magdamit si Ate Katrine (palayaw ko sa bahay)? Parang lalake…” narinig kong komento ng isang batang pinsan ko, 10 taon lamang, sa aking pananamit. Tumatak sa akin iyon. Hindi maalis. Napag-isip-isip ko noon kung sino nga ba talaga ako – ano ang aking sekswalidad, kung babae nga ba talaga ako…

 

Totoo ang batang iyon sa kanyang tinuran. Karamihan sa mga damit ko – T-shirts at pantalon, ay panlalaki. Ayoko kasing magsuot ng mga maliliit at hapit na damit – na silang damit-pambabae na uso sa kasalukuyan. Naaasiwa ako sa masikip na damit. Hindi ako komportable. At saka, pakiramdam ko (at totoo naman yata), mataba ako. Siyempre, sa masikip na damit ay mahahantad ang malulusog kong mga laman. Kaya gusto ko ng maluluwag na damit. Subalit, ang mga nasa pamilihan kasing kasuotang pambabae ay mga hapit – large na ay masikip pa rin sa akin (ang saklap! LARGE NA, di pa rin kasya sa akin! ahuhuhu…). Kaya’t ang mga binibili ko ay panlalaking shirts at pantalon – small at medium.

Noong bata ako, pambabae naman ang mga suot ko. Pero nitong teenage years, panahon ng pagdadalaga, ay parang na-conscious ako sa aking sarili at nagsimulang magsuot ng mga maluluwag na damit, na kadalasan ay panlalaki. Nang lumaon, nagkaroon ako ng pakiramdam na transgender ako. Dahil sa lipunan ko – ang komento ng pinsan ko; ang minsang pang-aasar ng mga kakilala ko sa aking tomboy ako, tibo, silahis, alanganin; ang madalas na pagsasabi nila sa akin, “O, Katrina, tomboy ka ba? Bakit di ka magsuot ng seksi(ng damit)?” (at iba pa na hindi ko ginagawa bilang babae – mag-make-up, magsuot ng hikaw, singsing, step-in at iba pang sapatos/sandals na pambabae); at sa nakikita ko sa mapanghusgang mga mata ng mga tao – naging transgender ako. Pakiramdam ko, ako’y lalaki sa katawan ng isang babae.

 

Ngunit hindi naman ako homo. Bi ako (ito’y noon; ngayon kasi ay asexual ako, sa tingin ko). May crush din kasi ako sa lalaki. Gayundin sa babae. Marami akong crush (pero di ako polysexual) – babae at lalaki. Ngunit kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng karelasyon. Hanggang simpleng crush lang talaga ako, simpleng paghanga, pagkagusto, simpleng “pagnanasa.” NAMAN! Hehe…

Ngunit nitong third year ako sa kolehiyo, napansin kong nawalan ako ng “pagnanasa” sa kahit sino pa man – gaano man siya kagwapo, kaganda, kamacho, kaseksi. Pati mga crush ko, hindi ko sila naiisip at wala lang sa akin kapag nakikita ko sila. Hindi ko alam, pero wala ako sa kondisyon nitong nagdaang taon hanggang ngayon sa pag-iisip tungkol sa seks, gender, relationships, sekswalidad. Siguro, ang dahilan nito ay acads. Sobrang bugbog ako sa acads ko. Bawat sem ay 21 units, full load, at may CWTS at PE pa.  GRRRR… Tapos, wala pa akong social life… hayzzzz, so boring ang life ko…..

Naastigan ako sa Gender Theory na natutunan ko sa isang sabjek ko nitong nagdaang sem. Napakalaking tulong nito sa mga taong nagugulumihanan at may mga pag-aalinlangan, tulad ko. At doon sa “fluidity of sexuality,” nalaman kong hindi pala ako abnormal, sapagkat normal at walang masama sa pag-iiba-iba ng sekswalidad. Naging malay ako. Nalaman ko kung sino ako, kung ano ako, at tanggap ko ito. Nagkaroon din ako ng kumpiyansa sa aking sarili. Anuman ang sabihin nila, ako ay ako, at hindi ako pakakahon sa makitid, mahigpit, malupit na lipunang heteropatriarchal, heteronormative, heterosexist.

 

Hekhekhek…

 

 

Pis tayo! :)

 

 

gender identity sekswalidad
Posted by xdalisayx at 11:06 pm | permalink | comments[4]

ummm… ako at pop culture…

April 16, 2009

 

Mas maganda pa ang cell phone ni Manong Guard sa akin. Colored, clamshell, at may cam pa yata, samantalang ang sa akin, black & white. Kahit si Kuyang magtataho o si Ateng nagtitinda ng turon at mga tinapay, may mga cell phone. Lahat na ay may cell phone – maykaya man o wala…

Kapag pumupunta ako ng mall, napakaraming tao. Nagsisiksikan sa mga hagdan at escalator. Walang maupuan sa food court. Nakapagtataka na sa Pilipinas, panlima sa mga pinakagutom na bansa sa daigdig, ay napakarami at naglalakihan ang mga malls na dinudumog naman ng mga Pilipino…

 

Dalawa lamang na scenario ito ng Philippine pop culture sa kasalukuyan. Unti-unti na akong namumulat sa kabalintunaan at kahungkagan ng malling, Friendster/Facebook/Multiply, cell phone, laptop, anime, chatting, gaming. Kapag nawala ang Internet connection, parang napakalaki ng nawala sa akin. Inis na inis ako at hindi ako makapagblog, makapagsurf, makapaglaro ng online games. Kapag nawala ang cable at hindi ako makapanood ng sinusubaybayan kong anime, nagwawala ako. Kapag wala rin akong hawak na cell phone, hindi ko malaman ang gagawin ko. Anong laking kahangalan talaga ang mga asta kong ito. Tunay na nakakahiya. Nawawala ako sa sarili ko kapag nawala ang mga kaluhuan ko – mga bagay na hindi naman kailangan, mga kaluhuan ko lang!

Tunay na napag-isip-isip ako. Nanonood ako ng anime. Libangan ko ito. Totoong naliligayahan ako. Sa loob ng 30 minuto, pumapasok ako sa mundo ng anime. Ngunit makaraan ang maikling panahong iyon, balik ako sa realidad. Balik ako sa katotohanang hindi ko pa tapos ang mga homework at papers ko, at di pa ako nakakapagrebyu para sa exam bukas. Ganoon din kapag nasa harap ng computer, nagse-surf, naglalaro ng online game, nakikipagchat. Pagkatapos ng sandaling paglilibang, balik ako sa malupit na realidad.

 

Dahil sa kulturang popular, may mga bagay na hindi naman kailangan ngunit binibili natin, mga lugar na hindi naman kailangang puntahan ngunit ating pinupuntahan, at may mga pag-uugali at pag-iisip na inuugali at iniisip natin na kung tutuusin ay hindi makatuwiran o irasyunal. Hindi naman tayo pinipilit o pinupuwersang gawin o tangkilikin subalit nais nating gawin o tangkilikin iyon. Halimbawa, minsan, humiling ako sa mga magulang ko na bumili ng laptop. Mayroon naman kaming desktop PC, pero gusto ko pang magka-laptop. Ang dahilan? Aaminin ko, inggit. Ang dami ko na kasing nakikitang kaeskwela ko na may laptop. Feeling ko, ako na lang ang wala. Naroon ang pakiramdam na naa-out-of-place ako, tingin ko’y napag-iiwanan ako. Tapos, parang ang mangmang ko pa, dahil kapag nakahawak ako ng laptop (hal., report at may kagrupo akong may laptop at ilalagay namin sa USB ang aming flash disks na laman ang aming ppt.), nako-conscious ako at di malaman ang gagawin. Hindi ako sanay magkontrol ng cursor ng laptop – iyong gamit lang ang daliri. Hiyang-hiya ako. Ngunit, tinanggihan ako ng aking mga magulang. Ano raw ba ang iniisip ko? May kompyuter na nga, gusto ko pa ng laptop. Ang luho ko! Noon, hindi ko naisip ang kaluhuan kong ito. Nanaig sa akin ang inggit at pagnanais na makiisa sa popular na kultura ng pagkakaroon ng laptop. Subalit ngayon, ngayong namumulat na ako, hindi na.

 

Wala namang masama sa pagnanais sa at pagkakaroon ng mga bagay na inihahain ng media at pop culture. May gamit din naman sila at may halaga. Ang hindi maganda ay ang labis-labis na paghahangad sa mga ito na nasa punto na ng pagkalimot at pagtalikod sa realidad. Oo, mapait ang katotohanan. Ngunit lalo pa itong papait kung lalo tayong malulunod sa ating mga pangangarap. Kapag mas matagal at malalim na kasi ang kapit natin sa isang bagay (hal., pangangarap) – oras na mawala/masira ito (kapag nabasag ang pangangarap dahil nagising na tayo sa katotohanan), mas masakit at mas malalim ang impact sa atin. Ang pakikilevel sa uring mas mataas ay hindi malulutas ang malupit na katotohanang ating kinakaharap. Ang ligaya sa pagpapantasya ay panandalian lamang, at babalik at babalik tayo sa masaklap na realidad.    

 

lipunan pop culture
Posted by xdalisayx at 9:41 pm | permalink | comments[21]

isang ilusyon…

April 12, 2009

 

TSK. TSK. TSK. TSK. TSK. *KASABAY NG ILANG ILING*

Hanga ako sa mga japanese sa aking nakaraang entri… Pero kanina, may napanood akong dokyu sa ANC tungkol sa comfort women. Isinalaysay ni Gng. Narcisa Claveria ang mga karumal-dumal na kalupitang dinanas niya noong ikalawang digmaan… Tapos, habang pinapanood iyon, naalala ko rin ang kwento ni ‘Aling Rosa’…

14 anyos si Gng. Narcisa nang pinagsamantalahan, pinilahan, pinagsawaan ng mga Hapon. Si Aling Rosa (”Aling Rosa” — maikling kwento), sa kwento niya ay 15 taon lamang siya noon… Grabe, sa napakabatang edad, dinanas na nila ‘iyon.’ Marahas na panggagahasa, mga pananakit, sa mura nilang katawan at pag-iisip… Basahin niyo na lang ang kwentong ‘Aling Rosa’ ni Aling Rosa na isang comfort woman noon — tungkol sa talagang nakaririmarim na kahayukan sa laman ng mga Hapon. Ok rin ang dokyu (’I Survived’ ni Ces Drilon) sa karanasan ni Gng. Narcisa…

Bulag ako sa nakaraan kong blog… Sising-sisi ako nang aking maalaala ang mga paghihirap at pagdurusa na tinamasa ng ating mga Lola, at Lolo, sa kamay ng mga Hapong iyong aking hinangaan… Sa pagkapanood ko ng dokyu na iyon, kagyat na nabasag ang aking ilusyon sa tinatawag na iyong ‘land of the rising sun’… At hanggang ngayon, hindi pa kinikilala ng mga Hapon ang krimen na kanilang ginawa — ibinasura pala ng kanilang kataas-taasang hukuman ang kasong ipinaglalaban ng ating dakilang mga ninuno na nabata ang gayong katinding dusa at sakit…

KAINIS TALAGA. NAPAKABULAG KO. IGNORAMUS. WALANG KAMUWANG-MUWANG! NAPAKATANGA SA KARANASAN NG AKING BAYAN!!! … hangang-hanga ako at tumitingala agad sa dayuhan, samantalang wala akong kaalam-alam sa aking banwa…

 

Bad trip ako ngayon… Wala akong karapatang humingi ng tawad. Hindi katanggap-tanggap ang aking pinagsasabi sa nakaraang post… Wala akong karapatang magsabi ngayon ng PIS TAYO at maglagay ng smiley……

 

 

babae bayan lipunan pagkakamali pagsisisi Pilipinas
Posted by xdalisayx at 10:29 pm | permalink | comments[6]

japanese songs…

 

Heto ako ngayon, nagtatayp ng bagong maipopost, habang nakikinig sa playlist ko ng mga paborito kong japanese anime theme songs sa imeem… Dokokade nakushita, sekai ga owaru made wa… Ano daw?!

Naman… Kahit di ko maintindihan ay pinakikinggan ko sila. Ganda kasi ng music, ng melody. Balewala ang liriks. Hehe.

Di naman ako otaku. As in yung adik talaga sa anime. May mga pinapanood lang ako na ilan. Di ako yung bumibili ng mga manga, posters, cards, nanonood ng cosplay, at kung anu-ano pang chenez  na yan. Nanonood lang ako. At sa panonood ko ay napukaw ako ng mga theme songs na magaganda ang tugtog (bukod sa magaganda naman ang story at themes ng mga anime).

Hehe. At nahilig ako sa pakikinig sa mga kantang ito. Di ko naman sila minememorize at kinakanta-kanta! Gud lak naman sa ‘kin. Di ako die hard fan nila - pinakikinggan-kinggan ko lang. Para maiba naman sa pandinig. Yun na yun — para kakaiba sa pandinig — pag nagsawa na sa opm at english songs.

Hanga lang ako sa mga Japanese na ito. Kahit na nasa wika nila ang kanilang mga kanta, at di maintindihan ng mga foreigners, e, tinatangkilik pa rin. Gaya natin dito sa ‘Pinas. Maraming mga kabataan ang nahuhumaling sa mga anime at manga na ito.  Ginagaya pa nga ang mga itsura at kostyum ng iba’t ibang mga karakter, ang mga ugali at behavior nila, bumibili ng pictures o posters o kung anu-anong items ng mga palabas na ito, at pati mga theme songs ay kinakanta-kanta.

Ang mga palabas at video games ng Japan ay tinatangkilik ng mundo. Ang kahanga-hanga sa kanila ay ang mga likha nilang ito ay gawa nila, una muna, sa Nihongo. Japanese versions muna — para sa bayan muna nila — bago ilabas o ieksport. Bukod sa wika ay naroon talaga sa mga creations nila ang kanilang mga tatak bilang Japanese — curry, sushi, kimono, japanese high school uniforms, festivals, mga customs at traditions… Ah, talagang mahal nila ang bansa nila…

Kahit na nasa wikang Nippongo, at sa content ay bida silang mgaJjapanese, e, binibili sila, isinasalin, at kinaaadikan ng mundo. Nakakatuwa na ang mga laro nila ay talagang ginagawan ng international version, at ang ilang mga kanta nila ay may mga english version… gustung-gusto ko yung fullmetal alchemist, slam dunk, final fantasy at yung kantang ‘eyes on me’…

Ewan ko lang… May opm na ba na isinalin sa english at sumikat o lumaganap/lumabas man lang sa daigdig?…Ngehehe, yung ‘anak’ ni Freddie Aguilar…. ‘No pa ba?

Sa teleserye naman, nakaabot daw sa ilang karatig-bansa natin ang “Pangako sa ‘Yo” (Indonesia) at “Encantadia” (Cambodia), at, in fairness, nagandahan daw sila. WOW naman! At di ba, me soap din sina Rosales at Carmen Soo na ipinalabas din sa Malaysia at iba pa?

I just admire how nationalistic the Japanese people are. Ang mga likha nila ay nasa wika talaga nila at ipinalalabas nila, una muna sa kanilang bansa. At ang mga ito naman ay tinatangkilik ng mundo. Ang galing… Yung mga computer/video games nila, ang gaganda. Sinong di nakakaalam ng ganda ng resident evil, metal gear, at FF? Produkto nila yun… at yung mga anime — Naruto, Pokemon, at iba pa ay nakakarating hanggang dun sa far west…

Hehehe… tayo kaya? May mga pelikula na ngayong animated, iyong Princess Urduja at saka yung about sa manananggal (di ko pa sila napapanood; antayin ko na lang lumabas sa TV… ). Magagaling naman kasi ang mga Pilipino. As in. No doubt. Dami nating mahuhusay na artists. Ang problema lang ay ‘KSP’ sila. Yep. KULANG SA PANSIN (parang ako… KSP… pero di yata KSP, kundi, WP - WALANG PUMAPANSIN… awts). Kulang sa suporta. Kulang sa pondo. Mahuhusay rin ang mga Pinoy pagdating sa programming. Kayang-kayang magdevelop ng games. Pero walang pera, walang equipment, walang gamit, walang technology…

*malalim na buntong-hininga* hayzzzz….

 

(Basahin ang sumunod kong paskil dito. Meron akong realization… Pakiklik ito: Isang Ilusyon)

 

anime bayan gaming kabataan Pilipinas
Posted by xdalisayx at 12:23 am | permalink | comments[5]

Bakit kapag babae…….?!!

April 9, 2009


Bakit pag lalake, di natin malalaman kung virgin pa siya o hindi na,

Pero pag babae, malalaman mo yun?

 

At kapag nalaman natin na di na virgin ang babae,

Malandi siya, masama, haliparot, susumpain natin siya;

Pero pag ang lalake ang di na virgin, ok lang?

 

Bakit pag lalake, ok lang na magpagabi sa daan;

Kapag babae, hindi?

Ang babaeng nasa lansangan pa ng hatinggabi ay isang pakawala

At nag-aabang ng kostumer o manggagahasa sa kanya.

 

Bakit kapag lalake ang tumitingin-tingin,

Sumusulyap-sulyap, o tumititig sa mga magaganda at seksing babae,

Ok lang? Normal lang?

Pero pag babae ang tumitingin-tingin at tumititig sa mga lalake,

Masama?

 

Bakit pag ang lalake, may katabaan o may katandaan na,

Di naman gaanong pinapansin;

Pero pag ang babae ang mataba o matanda ang hitsura,

It’s a big deal?

 

Pag ang lalake, may ibang kinakasama

Ok, masama nga – pero sa tingin pa rin natin ay normal lang yun sa kalalakihan,

Kamachuhan pa nga raw minsan kapag maraming babae;

Ngunit pag ang babae ang nangangaliwa,

Di ok at di normal

At malandi at makati kang babae kapag ganoon ka?

 

Pag ang matandang lalake, bata ang karelasyong babae,

Di ito gaanong big deal, kumpara naman

Sa matandang babae na ‘kumekerengkeng’ pa –

May karelasyong batang lalake?

 

Kapag ang lalake, tumandang binata,

Ok lang;

Pero pag ang babae, tumandang dalaga,

Kawawa naman siya – walang nanligaw, walang umasawa?

 

Bakit kapag magulo ang kwarto o bahay ng lalake

Ok lang? Lalake kasi, e;

Pero pag babae ang may magulong bahay o kwarto,

Tamad na babae! Ano ba ‘yan?! Di marunong mag-ayos!

Kababaeng tao pa naman!

 

PUTANG INA mo! PUKE ng INA mo! MOTHER fucker! Son of a BITCH! PUTA ka! Ay, KIKI mo!

Bakit ang mga mura – puro sa babae?

Di ba pwedeng TITI NG AMA MO naman?!

 

 

— Pasintabi po sa mga mura at kabastusang ito! Lalo na po sa mga kabataan, at sa mga di masyadong bukas ang isip sa mga ganitong bagay…

 

SANA, PIS PA RIN TAYO! :)

 

babae lipunan
Posted by xdalisayx at 5:55 am | permalink | comments[17]

Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo

April 8, 2009

 

Matapos ang halos isang taong pag-aaral, ang komisyon sa pangungulo ni Sen. Edgardo Angara (EDCOM o Congressional Commission on Education) ay iniulat noong Disyembre, 1991 ang mga problema sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas: (1) ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na bumababa; (2) ang mga paaralang elementarya at sekundarya ay hindi naituturo ang mga kakayahang kailangan ng isang karaniwang mamamayan upang maging responsable, produktibo, at ganap ang kanyang sarili; (3) ang mga kolehiyo at paaralang teknikal-bokasyonal ay hindi nakapagpoprodyus ng kinakailangang lakas-paggawa ng bansa upang mapaunlad ang ekonomiya; at (4) ang edukasyong gradwado ay pangkaraniwan lamang (mediocre) at di naibibigay ang mga kailangang kaalaman sa pananaliksik upang makalikha ng mga trabaho at mapataas ang halaga ng produksyon (del Mundo, et al.).

            Mahigit na labinlimang taon ang lumipas, ngunit walang nangyari hinggil sa mga suliraning ito sa ating edukasyon, bagkus ang mga ito ay lumalala pa. Sa isang ulat ng UNESCO kamakailan, ang Pilipinas ay pam-74 sa Education Development Index, daig ng Mongolia, pang-61, Vietnam, pang-65, Indonesia, pan-58, at Tsina, pan-38 (”Philippine Education: The Big Picture,” PDI).   Ang mga resulta ng NEAT (National Elementary Achievement Test) at NSAT (National Secondary Achievement Test) ay nagpapakita na ang mga mag-aaral natin ay nakapagbigay ng mga tamang sagot sa wala pang 50 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga tanong (Ibid.). At sa Trends in International Mathematics and Science Study noong 2003, ang Pilipinas ay pang-41 sa Agham at pang-42 sa Matematika ang ranggo sa 45 bansa (Ibid.).

            Sa kinakaharap na mga krisis na ito ng ating edukasyon, isa sa mga solusyong isinusulong ng gobyerno ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan.

            Ika-17 ng Marso, 2003 (Ignacio), ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 na pinamagatang “Establishing the Policy to Strengthen the Use of English as a Second Language in the Educational System.” Layunin ng kautusan na paghusayin ang kakayahan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles. Ilan sa mga isinasaad sa EO 210 ay ang mga sumusunod: (1) Ingles ang dapat na maging wikang panturo para sa asignaturang Ingles, Matematika, at Agham mula sa ikatlong baitang; (2) ang wikang Ingles ang pangunahing wikang panturo sa mga pampublikong paaralang sekundarya; (3) bilang pangunahing wikang panturo, hindi dapat bababa sa 70 porsiyento ng kabuuang oras ng pag-aaral ang ilalaan para sa pagtuturo gamit ang Ingles; at (4) ang Filipino ay mananatiling wikang panturo sa mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan (UP Forum). Sa mga probisyong ito, makukuha natin na salungat sa pamagat ng EO 210, kung saan sinasabi na ang wikang Ingles ay patatatagin bilang “Second Language,”  ang Ingles ay naging pangunahing wikang panturo sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas, dahil, sa humigit-kumulang na 10 sabjek ay 2 na lamang, Filipino at Araling Panlipunan, ang ituturo sa wikang Filipino.

            Ang nagbunsod sa pamahalaan upang gawin at ipatupad ang kautusan ay ang bumababang kasanayan sa Ingles ng ating mga mag-aaral, na ibinase nila sa pagbagsak ng mga aplikante sa mga pagsusulit sa Ingles para makapasok sa mga call center (Ibid.). Idagdag pa rito ang mga pangangailangan ng mga nars, domestic helper, caregiver, at construction worker sa ibang bansa, kung saan, “bentahe” nga, ani ating mga opisyal, ng mga Pilipino ang pagiging mahusay sa Ingles. 

            Datapwat ang hakbang na ito ng pamahalaan – ang pag-uutos na Ingles ang maging pangunahing wikang panturo sa mga paaralan – ay malinaw na paglabag sa isinasaad ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng ating Saligang Batas: “… dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino [na siya nating wikang pambansa, ayon sa unang talata ng Seksyon 6] bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Taliwas din ito sa inirekomenda ng pag-aaral ng EDCOM na gawing wikang vernakular at Filipino ang mga wikang panturo at sa napakarami nang mga pag-aaral na nagpapatunay na mas madali at mas mabilis na natututo ang mga bata gamit ang wikang alam nila at nasa puso nila – ang kanilang mother tongue o katutubong/sariling wika (Ibid.).

            Sa pagpapatupad ng EO 210, makikita natin na ang paningin ng ating mga opisyal sa pamahalaan ay wala sa ating mga Pilipino kundi nasa interes ng mga dayuhan at elit. Sa pagpapasidhi ng patakaran sa pagkatuto ng Ingles, ang gobyerno ay nagmimithing maging katulong ang mga Pilipino sa mga banyagang lupain at alipin at manggagawa ng mga dayuha’t mayayamang kapitalista rito sa ating bansa. Sa kautusan, lalo lamang babagsak ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, sapagkat ang mga estudyante ay pinipilit na mag-aral gamit ang banyagang wika na hindi naman likas sa kanila at hindi nila ganap na naiintidihan at nasasalita. Ang tunay na solusyon sa mga malalang suliranin sa ating sistemang pang-edukasyon ay nasasalalay sa pagkatuto at pagpapakahusay ng ating mga mag-aaral – na matatamo lamang kung sila ay ating tuturuan sa ating mga sariling wika, sa wikang vernakular at Filipino, na silang mga wikang lubos nating nagagamit at nauunawaan.     

 

del Mundo, Fernando, et al. “Problems Identified 15 Years Ago Persist Today - Angara.” Philippine  Daily Inquirer, August 21, 2007

“Philippine Education: The Big Picture.” Philippine Daily Inquirer, August 21, 2007

Ignacio, Joseinne Jowin L. “Filipino at Ingles: Ano ang Higit na Mainam sa Pagtuturo?”   www.varsitarian.com

UP Forum. www.up.edu.ph

 

 

— ‘07 pa ito. Ngunit hanggang ngayon ay isyu pa rin ito. Para ngang nakakasawa na. Panahon pa ng Amerikano, hanggang sa kasalukuyang 21st centrury na, hindi pa rin natin matanggap na higit tayong matututo at tatalino gamit ang ating sariling wika. Tigas talaga ng ulo natin. Masyadong nagmamarunong! Ang mga bansang mauunlad - US, Hapon, mga bansa ng EU, T. Korea, Singapore, Indonesia - ano ang gamit nilang wika sa kanilang pamahalaan at sa mga paaralan? Ang sarili nilang wika. Habang tayo, nagpupumilit magpakagaling sa Ingles (fero syempfwe, marami fang ivang factors kung vakhet di umuunlad ang isang vansa, di lang nakadepend sa language, gaya ng corruption, mga kung anu-anong kavulastugan ng nasa govierno and maging sa hanay ng taong-vayan, etc., etc., etc. — so many to mention!!!). Ang banyagang wikang ito pa ang pangunahing ginagamit - gayong ANG DAMI NATING WIKA SA ATING BAYAN! MAHIGIT 100 WIKA AT HUMIGIT-KUMULANG 400 DAYALEK!!! HMMMMPPPHHH! Ay, AMBOT!

 

Ay sus, ginuo, gid! Nagsakit man ang ulo ko at nagkulo ang dugo… Pewoh, PIS PA RIN TAYO! :)

bayan lipunan wika
Posted by xdalisayx at 5:14 am | permalink | comments[21]
Page: 1 2 
 
 

kowt ^_^

"Malayo ma't nais,

nagiging malapit."

jowk ^_^

Si Doktor

 

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot.


Doktor: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang 'yon na nakataas ang kamay,feeling niya may hawak siyang itak. Siya daw si Bonifacio.


Student 1: Yun pong isang nakapalumbaba?


Doktor: Ah, akala niya siya si Ninoy.


Student 2: Eh yun pong nakaupo? Mukha namang tahimik at matino, ah.


Doktor: Hindi, iho. Baliw din 'yan, dahil iniisip niya na siya daw si Mabini. Feeling niya lumpo siya, pero kapag iiniksyunan na bigla siyang tatayo at magtatatakbo... Hayyy... Grabe na ang mga pasyente dito, wala na silang pag-asang gumaling.


Student 3: Ganun po ba? Maraming salamat po, Dok, babalik na lang po kami ulit. Ah, ano nga pong pangalan niyo, Dok?


Doktor: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.....

 

Ay. Loko-loko.

     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

buwanang imbakan

  • May 2010
  • April 2010
  • February 2010
  • December 2009
  • November 2009
  • October 2009
  • September 2009
  • August 2009
  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • April 2009

Sponsored Links

topix

acads babae bayan blogging buhay career death emo emohan faith gaming God kaarawan kabataan kagandahan kahihiyan kahinaan kaibigan kapintasan kapwa kasaysayan last post lipunan pag ibig pag iisip pagkakamali pagsisisi pagsulat pamilya panahon pananampalataya panitikan paradise Pasko Pilipinas relihiyon sakit sarili tao teknolohiya wika

si xdalisayx >.<

Ang Dalisay (nilagyan ko ng x sa magkabilang dulo - xdalisayx - para walang makapareho) ay galing sa ibig sabihin ng tunay kong ngalan. Minsan, ginoogle ko ang kahulugan ng 1st name ko, at ang lumabas ay ‘pure.’ Isinalin ko lang sa Filipino - kaya naging dalisay… Ehehehe, sakyan niyo na lang... 

Ang espasyong ito ay aking kanlungan, kapag nasasalimuotan o kaya'y nabuburyong sa mga kasaklapan, kahungkagan at kabalintunaan ng buhay at ng lipunan. 19 taong gulang po ako. Babae. Isang simpleng tao. May salamin sa mata. Introvert. Graduate, batch 2010. May trabaho na (local), yey!

Ako po si xdalisayx. Bow.  ;)

uy, bago >.<

  • naypi...
  • asa mehn...
  • adult...
  • mga panaginip ni Rizal...
  • fasting...
  • langit
  • transisyon...
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur?
  • mabuti pa sila...
  • ang taas ng grades...

uy, mabenta >.<

  • karagatan… (10961)
  • mayaman at mahirap… (8928)
  • ang walong sinag… (6923)
  • Wikang Vernakular at Filipino bilang mga Wikang Panturo (5358)
  • maraming wika, matatag na bansa… (3670)
  • pag-ibig… (3548)
  • sa mga mata ng isang dayuhan… (ikalawang bahagi) (2317)
  • tagalog, pilipino, o filipino? dalisay, puro, o pyur? (2205)
  • huwag nating hayaan… (1278)
  • Bakit kapag babae…….?!! (1158)

uy, mga piktyur >.<

uy, koment ^_^

  • baidu: baidu [url=http://www.baidu.c om]baidu[/url] [link=http://w ww.baidu.com]baidu[/link]...
  • Moncler Outlet: So surprise in your article!...
  • arcel: sa ngayon bigo ako sa...
  • 2012 UGG Boots: Just continue to write such...
  • cheap shoes china: have to share Coach Outlet...

uy, mesej ^_^

yıldızname:

thanks

Sewa lcd proyektor yogyakarta:

nice blog. Blogwalking my friend, thanks.
http://topmultimedia.net/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://sewalcdproyektorjogja.wordpress.com/2011/09/12/sewa-lcd-proyektor-di-jogja/
http://sewalcdproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta.html
http://sewaproyektor.heck.in/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta-murah.xhtml
http://sewaproyektorjogja.blogspot.com/2011/09/sewa-proyektor-di-jogja.html
http://sewalcdproyektoryogyakarta.blogdetik.com/sewa-lcd-proyektor-yogyakarta/
http://www.agungrahmanto.bisnisjogjakarta.com/sewa-lcd-proyektor-murah-di-jogja/
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.blogspot.com/2011/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta-harga.html
http://sewalcdproyektordiyogyakarta.wordpress.com/2011/11/09/sewa-lcd-proyektor-di-yogyakarta/

Toko Busana Muslim Trendy:

woww great post good luck

yildizname:

nice blog

ankara boyacı:

nice blog

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World:

Komodo Island is The NEW 7 Wonders of The World

Newport Beach Houses:

Newport Beach Houses

Websasdesign.com Cinta Blogger:

Websasdesign.com Cinta Blogger

Gogo2011 Kobamusaji:

Gogo2011 Kobamusaji

Cheats S30SCI Movie:

I really like reading your post ..nice blog

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztv:

nice blog.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

Watch Easy A Movie Online:

Droppin by. Blog walking for the latest upcoming movies.

Dave:

aw^^

melodiya:

kamusta ka na? :)

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Kif:

Thank you for the comment! Ang ganda po ng blog mo, educational pero hindi scripted. Ang dami mo po posts. Babasahin ko ng dahan-dahan para naman di ma-overload utak ko.

xdalisayx:

Pete, nag-email ako sa iyo. Pakibasa at pakitugon. Salamat. Jejeje. xdalisayx@yahoo.com

pete:

good day, i need to know ur full name coz i need to “quote” u for a project and it might be publish in our filipino book in USC. thank u.

Leave a message ▼

basahin ^_^

  • The Anarchist Library
  • 7-10 e-lib
  • Sikat ang Pinoy
  • Red Writings
  • J. Kul
  • Taribong
  • Emosyon
  • Katipunera
  • Christian Inspiration
  • Dhyoy
  • Taga-Bundok
  • Paulding
  • Yin
  • Panitikan.com.ph
  • Bulatlat.com
  • Alimbukad
  • J. Kulisap
  • Rolando Tolentino